Sky
"Pwede bang hindi nalang pumunta?" Nakangiwing tanong ko kay Winter habang pinagtitimpla k sya ng kape. Friday ngayon at walang pasok kasi katatapos lang ng celebration ng St. Michael kahapon. Hindi ba sya nagsasawang makita ako? Halos madaling araw na nga kami nakauwi kasi madaling araw na din natapos yung after party. At ngayong tanghali nga ay andito sya. Nagpapatimpla ng kape kasi ang lakas ng ulan.
At next week na yung birthday niya. Next wednesday. At nagdadalawang isip ako kung pupunta ako. Pano ba naman uuwi daw yung mom and dad niya. Nakakahiya!
"Hindi matutuloy yung birthday ko kapag wala ka." She said. "My coffee please?"
"Oh ayan." Nilapag ko naman sa table yung tasa ng kape niya. "Bakit kasi ang dami mong invited na guests?"
"Of course uuwi sina dad. Mga kakilala nila pupunta din." Sabi niya bago humigop ng kape. "Actually parating na sila mamayang gabi."
"What?!"
"May sarili silang bahay dito. Dun sila tutuloy. Alam mo namang allergic sakin si mom."
"And your sister?"
"Nasa Tokyo. Masyadong busy yun sa mga business nya so hindi uuwi yun."
"Really? Ano palang business niya?"
"Let's not talk about my sister. So pupunta ka okay?"
"Pag-iisipan ko?"
"Kung ayaw mong pumunta, then dito ko gaganapin yung party ko."
"Baliw! So ano palang gift ang gusto mo?"
"One month supply ng kape."
"Tama para hindi ka na dumadayo dito para magkape." Naupo ako sa katapat nyang upuan. Pinagmamasdan ko lang sya habang nagkakape. Yung totoo? Adik lang sa kape?
"Tara sa villa." Sabi nya nung maubos na siguro yung iniinom nya.
"Villa?"
"Dun sa villa ko sa Quezon."
"When?" Parang naexcite ako! Nung last punta ko kasi dun eh nakakabitin.
"Ngayon na."
"Gago."
"Seryoso nga. Friday naman ngayon ah kung aalis tayo ngayon, mamayang gabi eh andun na tayo. Uuwi din tayo ng sunday ng gabi. Come on, birthday gift mo na sakin."
"Baka magalit si ate." Oo nga naman baka pagalitan ako nun. Umuulan pa naman ngayon. Bad mood yun lagi kapag umuulan eh.
"Ako ng bahala kay Heaven. Ano tara?"
"Sige."
---
At tulad nga ng sabi niya ay gabi na kami ng makarating dito. Gusto sanang sumunod dito ni Dana kaso ayaw naman sumama ni ate. Kaya no choice sya kund ang magstay sa tabi ate. Tutal choice nya na sumunod kay ate kahit saan. Feeling ko talaga may gusto kay ate yun eh. At andito ako sa kwarto ko nun dito. Feeling at home na naman ako eh. Bukas umaga maglalangoy kami. And I'm so excited!Kinabukasan maaga pa lang ay gising na kami. Sa sobrang excited ko nga ay parang hindi na ako nakatulog. Kinatok ko pa talaga si Winter sa kwarto nya! A ngayon nga ay nandito na kami sa beach dito lang malapit sa bahay nya.
"Come on!" Nauna na si Winter lumusong. Ako naman ay hinubad na yung suot kong oversized tshirt saka sumunod. Sumisid ako at dahil malinaw ang tubig ay nakita kong papalapit sakin si Winter. Ako naman ay binilisan ang paglalangoy palayo.
Para kaming mga isdang naghahabulan sa tubig. But I underestimated her. Naramdaman ko nalang yung mga kamay nya sa binti ko at hinihila ako. Kung makakatili lang ako sa ilalim ng tubig eh nagawa ko na. Mula sa binti ko ay tumaas ang mga kamay nya sa beywang ko umahon ito kasama ako. We both grasped for air nung pumaibabaw kami sa tubig.
BINABASA MO ANG
TRIANGLE (GxG)
Teen Fiction(COMPLETED) Anong gagawin mo kung ibang tao ang nakatanggap ng love letter na dapat ay sa crush mo?