Gusto ko lang na makilala nyo si Winter ng lubusan... At magkaron ng idea sa magiging story ni Heaven... Yeah..
---
Sky
"I hope you will like this room Sky. Nakatanaw ito sa dagat." Namamangha kong inilibot ang aking paningin. Antique ang four poster bed at may kurtinang nakapaligid sa itaas na tila isang prinsesa sa Arabian movie. Malalaking kahoy na narra ang dingding in natural varnish. French windows ang bintana.
Ah. Andito nga pala ako sa probinsya kasama si Winter. Gusto daw nya sulitin ang deal namin. Ang sabi niya ay pag aari daw ito ng papa niya. Buti nalang pumayag si ate Heaven na sumama ako.
Ang buong villa ay yari sa pulang bricks at adobe. Ang tanging kahoy ay ang mga balustre sa malaking hagdan at ang panelling ng mga silid dito sa taas. Malaki at marangya ang villa para sa ganitong lugar. I wouldn't be surprised kung nasa ibang bansa ako kung saan common ang mga ganitong uri ng bahay. Pero nasa Pilipinas ako at sa isang remote place somewhere in the province of Quezon. One of it's Island.
Lumakad ako patungo sa bintana at binuksan yun. Humampas sa mukha ko ang hanging dagat. I inhaled it softly. Nilingon ko si Winter na nakatayo lang sa gitna ng silid at nakamasid sakin.
"Nakapaligid sa villa ang dagat pero bakit nasa ibaba yata ang dagat? At ano yung naririnig kong parang lagaslas ng tubig?"
She smiled a little. "Ito ang pinakamataas na bahagi ng isla. Thirty meters from this house diyan sa matatanaw mo ay isang cliff na may hindi kalakihang waterfalls na bumabagsak sa isang lawa patungong dagat."
"Oh my!" Nung sabihin niyang maganda dito ay hindi ako masyadong naniwala pero ngayon pa lang sy excited na akong malibot ang lugar na ito!
"Katabi nito ang kwarto ko. Pahinga ka muna Sky." Malumanay na sabi niya at lumabas na.
Kanina ko pa napapansin simula ng dumating kami dito ay tila malungkot sya. Ano ang meron sa lugar na ito?
Pagkagising ko ay bumaba agad ako. Hinanap ko si Winter sa isa sa mga kasambahay dito at sinabing nasa labas daw. Pero andito ako sa labas at hindi ko sya makita kaya naglakad lakad ako. Hanggang sa may matanaw akong maliit na parang kubo sa may likod ng bahay. Bukas ang ilaw dun kaya pumasok ako ng hindi kumakatok.
"Sky!" Napatayo si Winter pagkakita sakin. Andito lang pala sya at nagkakape. "Gising ka na pala. Sorry napasarap yung pagkakape ko."
Inilibot ko sa loob yung paningin ko. Maliit lang sya. Parang mini kitchen nga lang ito eh. Isang mahabang sofa lang at yung table ang gamit. Pero kompleto ang gamit pangluto. "Wow ang cute dito." Ang nasabi ko at naupo sa katabing upuan niya. Grabe ang hilig niya sa kape.
"Buti nagustuhan mo."
"Winter are you okay?" Tanong ko. Para kasing may something. "Kanina ka pa ganyan simula nung dumating tayo dito. May problema ba? You can tell me anything naman." Matagal na nagkatitigan kami bago sya ngumiti.
"Ang bahay na ito, kasama ang buong hacienda ay pag aari ni Winfred Gascon." Panimula niya.
Nagtaka ako.. Ang sabi niya ay pag aari ng papa niya ang villa. Sino naman yung Winfred Gascon na sinasabi niya?
"Anak ako ng mama ko sa ibang lalaki Sky."
"Oh my gosh.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Malungkot na ngumiti sya at humigop ng kape.
"Winfred Gascon was my mom's ex boyfriend way back in highschool. Pero si Hector Saavedra ang pinakasalan niya. Nagkaron sila ng anak, ang ate ko. But after seven years nagkita ulit si mommy and Winfred. He.. He raped my mother." Napapikit sya sa parteng yun. "At ako ang bunga nun."
"Winter.."
"Lumaki akong hindi naramdaman ang pagmamahal ng mommy ko. Sa tuwing makikita nya ako ay parang isa akong may nakakahawang sakit. Puro pagkakamali ko ang nakikita nya. Puro panunumbat. May pagkakataon na sinasaktan niya ako."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na naranasan niya ang mga bagay na ito. Hindi ko inasahan.
"Alam mo ba na ang akala ko dati ay anak ako ni daddy sa iba? Mahal na mahal niya kasi ako. Lagi niya akong pinagtatanggol kay mommy. Minahal at inalagaan niya ako n parang isang mamahaling diamante. Kaming dalawa ni ate." Tumayo sya at nagsimulang magtimpla ulit ng kape. Nakatalikod sya sakin. "Hindi ko akalain na kung sino pa yung hindi ko kadugo sya pa yung magmamalasakit sakin."
"P-pano mo nalaman?" Naitanong ko..
"I was fourteen years old when I found out everything. Sumugod si Winfred Gascon sa bahay and he tried to take me."
"I...I don't know what to say.." Nakatingin lang ako sa likod niya.
"Winfred Gascon died two years ago at sakin niya pinamana lahat ng kayamanan niya. As in lahat. Kaya nagkaron ako ng sariling bahay at kotse. Hindi ako tumatanggap ng pera galing sa mommy ko. Kahit na pinipilit ako ni daddy. Wala akong karapatan sa pera ng mga Saavedra. Dala ko na nga ang apelyido nila eh."
"Nasan sila ngayon?"
"Sa Japan na sila ngayon dahil gusto ni mommy. Naalala ko pa na halos magmakaawa si daddy sakin para lang sumama ako. Pero ayoko kasi alam ko naman na ayaw ni mommy."
Tumayo ako nung nakita kong yumugyog ang mga balikat niya. Lumapit ako sa kanya pero hindi k naman alam ang gagawin ko. Kaya naman niyakap ko nalang sya mula sa likod. Hindi ko alam kung gano kami katagal sa ganung ayos. Naramdaman ko nalang na kinalas niya yung mga braso ko na nakayakap sa kanya. Humarap din sya sakin.
"Pero swerte pa din ako na anak ako sa labas."
"Why?"
"Ayokong matulad sa ate ko. Sya ang legal na anak so sya lang ang aasahan sa lahat ng negosyo ng pamilya. My sister was lively and happy before. But now, para syang zombie sa isang buhay na katawan."
Naguluhan ako sa sinasabi niya. "Ano?"
"My sister gave up everything. Mas pinili niyang magpaka perfect daughter. Iniwan niya lahat.. Pati yung taong pinaka mamahal niya para lang sa kagustuhan ni mommy."
Woah. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng awa sa ate niya. Kaya ba nasabi niya na mas swerte sya?
"Kasi kung ako yun, isusuko ko siguro lahat pero hindi yung taong mahal ko. Hindi kita susukuan Rainbow Sky Montero..."
Shit. Wala na. Kinikilig na talaga ako..
BINABASA MO ANG
TRIANGLE (GxG)
Novela Juvenil(COMPLETED) Anong gagawin mo kung ibang tao ang nakatanggap ng love letter na dapat ay sa crush mo?