Chapter 29

2.5K 130 19
                                    

Sky

"Nakabalik na daw si Miss Saavedra."

Napaangat agad ako ng tingin kay Ran na nagsalita sa harap ko. Ugali na talaga nyang maupo sa bakanteng upuan kapag breaktime. At si Winter, halos one week syang nawala. Hindi man lang kami nakapag usap ng maayos bago sya umalis. Ang lakas din naman kasi ng trip nya sa buhay. Bakit kasi naisipan pa nyang umamin kay ate, na-highblood tuloy si ate.

"Buti naman.."

"Iniisip ko talaga kung bakit one week nawala si Miss Saavedra." Sabi pa nito.

Nagkunwari nalang ako na walang pakialam sa sinasabi niya. Pero mamaya hahanap ako ng paraan para makausap si Winter.

"Baka nagbakasyon lang, Ran."

"Okay. So, sasama ka sakin mamaya di ba?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Sasama saan?"

"Sky, kahapon pa kita tinatanong kung sasama ka sakin mamaya mag-dinner."

"Ah. Pag-iisipan ko muna, Ran." Hays. Kung dati palang sana eh inaya mo ko sa mga ganyan, papayag agad ako. Kaso iba na ngayon eh.

"Hindi ba pwedeng pumayag ka agad, Sky?"

"Busy kasi eh. Alam mo naman na walang mag-aalaga kay Hea pag nasa trabaho si ate."

Wala itong nagawa kundi ang manahimik ng sandali. "Okay, pero sana pag isipan mo pa rin. Babalik na ako sa room ko."

Habang paalis ito ay nakokonsensya ako. Hindi ko dapat ginaganon si Ran. Kung bakit ba naman kasi nahuli sya eh. Sana noon pa sya umamin nung mga panahon na patay na patay pa ako sa kanya, hindi yung ngayon na si Winter na yung mahal ko.

"Mukhang kailangan kong mag-sorry kay Ran." Matagal pa naman bago matapos ang break kaya may oras pa para makausap ko sya. Kaya naman tumayo na ako sa lumabas ng room. May mga estudyante pa na nakakalat sa hallway at ang iba naman ay mga nagchichismisan lang.

Hindi pa man ako nakakalakad palayo sa tapat ng room ko nang mahagip ng paningin ko ang papalapit na si Winter. Hays. Katulad ng dati ay napaka seryoso at wala man lang emosyon na mababasa sa mukha nito. Hindi ko nga alam kung napapansin nya ako ngayon. Malapit na kasi sya sakin pero deretso pa rin ang tingin nya. At nung mapatapat sya ay parang hangin lang ako na balewala sa kanya. Hindi man lang nya ako sinulyapan. Ang nakakainis pa, ang maiingay na estudyante kanina ay biglang natahimik at parang sa amin nalang nakatuon ang atensyon nila. Alam kasi nila ang tungkol samin ni Winter kaya talagang nakakagulat na nilagpasan lang nya ako.

"Winter!" Hindi nakatiis na tawag ko sa kanya.

Narinig naman yata nya ako kaya tumigil ito sa paglalakad pero hindi humarap.

Naiinis at mabibigat ang hakbang na lumapit ako sa kanya. "Anong problema mo?!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Ikaw, anong problema mo?" Balik tanong nito.

"Sa ganda kong ito, hindi mo man lang ako napansin kanina? O talagang hindi mo lang ako pinansin?"

"Miss Montero."

Aba talagang sinusubukan ako ng Winter na to eh. "Miss Saavedra." Mariing tawag ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong may atraso ka sakin?!"

"Alam mo, Sky, wala akong balak mailagay ang napakaganda kong mukha sa headlines ng newspaper bukas dahil sa pag iinarte mo. Masyado akong busy. Have a good day. Bye!"

"Winter!!!" Sigaw ko na naman nang mabilis na itong mawala sa pangingin ko. Lagot ka saking Winter ka.

"Mukhang break na sila.."

TRIANGLE (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon