CHAPTER 1

24 1 0
                                    

 BEGINNING

"HAHAHAHA!!!" malakas na tawanan ang tangi kong naririnig sa buong paligid. Halos hindi ko na makilala sarili ko dahil sa mga ginawa nila sakin, araw-araw nalang ganito! nakakasawa na!

Binuhusan nila ako ng sobrang baho at maitim na tubig na parang galing pa sa kanal sabay tapon ng napakaraming chicken feather

Hindi ko maiwasang mapahikbi sa iyak lalo na at kumakain ako kanina nang bigla nalang nila ito gawin

Tawanan ang naghahari sa kapaligiran

 Wala manlang sumubok na tumulong sakin kahit ni isa sa halip ay pinagtawanan pa nila ako na may pangungutyang tingin. Nananatili akong naka upo at tanging hikbi na lamang ang nagagawa "oh? HAHAHA anong nangyari sayo? bakit ganyan ang itsura mo? HAHAHA" humahalakhak na sambit ni Jasmine habang papalapit sakin, sya ang # 1 bully sakin dito sa school. 

Siya ang may pasimuno nitong lahat! Naikuyom ko ng mahigpit ang kutsara at tinidor na hawak-hawak ko ngayon "oh, bakit di ka makapag salita? napipi kana ba? hahaha" maarteng sambit naman ng isa niyang alalay. "hahaha at di pa makatayo sa upuan, mukang gusto pa niya ata ng isa pa queen eh" sambit naman nung isa pa kay JasminE at sabay-sabay na nga sila muling nagtawanan

Tiningnan ko sila ng may pagmamakaawa sa mga mata, na huwag nang gawin ang kanilang binabalak. Wala na akong lakas ng loob para magsalita pa, nanghihina na ako. Nanghihina na ako sa kahihiyan na muling naidulot nila sakin

"hahaha, wag nga kayong maging bad kay Maika, hahaha look at her face para na siyang taong grasa sa labas hahaha" sambit ni Jasmine at muling naghari ang tawanan sa buong cafeteria.

"shut up" pagpapahinto nito sa kanila gamit ang maarteng tono atsaka unti-unting lumapit sakin

Nakita kong may plastic gloves siyang sinusuot sa kanyang mga kamay at akmang hahawakan ang aking ulo, susubukan ko sanang lumayo ngunit bigla siyang nagsalita na ikinahinto ko "haha, wag kang mag alala di kita sasaktan, hahawakan ko lang ang buhok mo *smirk* wag kalang magkakamaling hawakan ako! alam mo na ang mangyayari sayo!" mahabang sambit niya na may pagbabanta.

Kahit natatakot ako sa maaari niyang gawin, di na lamang ako umimik at hinayaan na lamang siya sa kung ano man ang gusto nyang gawin

Hindi ako makaalis-alis sa kina-uupuan ko dahil nakadikit ang aking pantalon sa upuan, talagang plinano nila itong lahat para paglaruan at pagkatuwaan lang

Naramdaman kong hinawakan niya ang aking napakarumi, napakabasa at napakabaho kong buhok "ppffffttt~ look at your hair hahaha nakaka awa ka naman Maika" sambit niya na halatang pinipigilan ang pag tawa.

Halos mapasigaw ako sa sakit ng bigla nyang hawakan ng marahas ang buhok ko "arghh" Napapikit na ako dahil sa sobrang sakit "t-tama na please, a-ayoko na, p-parang awa mo na" tanging nasambit ko na lamang habang umiiyak na lalong nagpalawak ng kanilang mga ngisi sa labi.

"hahaha music to my ears Maika, say it again!!!" sigaw niya habang pinang gigigilan ang pagkahawak sa buhok ko.

Dahil sa sobrang sakit napahawak na ako sa kamay nya upang sana kumawala sa pagkakapit nya, ngunit bigla nya na lamang ako isinubsub sa hapagkainan

"Sh*t, how dare you to touch me! You b*tch!" Sigaw nito habang sinu-subsub ng paulit-ulit ang mukha ko sa pagkain

Mariin akong napapikit ng mga mata at umiyak na lamang ng umiyak sa harap nila wala na akong pake, di ko na kaya! sobrang sakit na talaga! "Tama na queen" pagpapahinto ng isa sa kanya "siguraduhin mong hindi na tayo magkikita Maika, dahil hindi lang ito ang aabutin mo!" Sambit nito sabay padabog na umalis

KLASMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon