CHAPTER 5

2 1 0
                                    

New Beginning

Maika's POV

"Waggggggggg!!!!! " biglang sigaw ko mula sa pagkakahimbing "jusko maika, ano ba talaga ang nangyayare sayo! " sambit ni papa na alalang alala ang mukha

Di parin ako makapaniwala, panaginip na naman! Muli na naman akong binangungot! Mismo ako hindi ko maipaliwanag ang nangyayare sakin! Kung ano ang dahilan ng lahat ng ito! Bakit nangyayare toh?

Nakakatakot!

"Aika! Bakit mo ba kasi sya iniwan! " kunot noong baling ni papa kay aika, hindi parin ako maka get over sa napanaginipan ko, feeling ko andito parin sya sa tabi-tabi, or worse na sa loob ko sya

Alam ko at nararamdaman ko sya!

"Kasi daddy bumili ako ng tubig para sa kanya, tapos pagbalik ko ayun na, tulog na naman sya ulit, natakot nga ako kasi sa sahig siya nakahiga! Kaya agad ko kayo tinawag " mahabang paliwanag ni aika, agad akong napalingon sa kanya nung marinig iyon

Ano? Sa sahig ako nakahiga?

Napatingin ako sa kinalalagyan ko, at tama sya nasa sahig ako nakaupo! -_- di parin ako makapag salita dahil sa nangyayare sa akin

Napakagulo! Paano ko ito mapapaliwanag! Bigla akong natulog ng hindi ko alam ganun?

"Ayos ka lang ba talaga anak, ano ba talaga nararamdaman mo? Huh? Sabihin mo para matulungan ka namin" alalang alala na sambit ni papa, hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang napanaginipan ko!

Pati rin naman ako ay di mapaliwanag ang mga nangyayare

Ayokong mag alala sila sakin, at lalong lalo na ayoko nang dagdagan pa ang problema nila sakin "w-wala po papa, ahmmm napapanaginipan ko lang po sila inang na sinasaktan ako" pagsisinungaling ko, alam kong mali pero sa ngayon ito muna, hindi pa akong handa para sabihin toh sa kanila

Siguro dahil lang toh sa mga nangyayare sakin nitong nakaraan kaya nagkaganito ako, magiging okay din naman ako diba?

Napabungtong hininga si papa sa sinabi ko "hayaan mo anak, magkakaroon din ng katarungan ang ginawa nila sayo, sinisiguro ko yan" pagpapalakas nito sakin, pilit na ngiti naman ang isinukli ko dito

Gumugulo parin sa isipan ko iyon hayyysssss

"Halika na, tumayo kana riyan, sa dinami dami ng hihigaan mo, Dyan pa sa sahig" natatawang sambit ni papa, sabay alalay sakin patayo

Sa totoo lang di ko rin alam kung paano ako nakatulog, ni hindi ko nga rin alam na wala na pala ako sa kama eh, hayyysssss di ko na maintindihan sarili ko

"Aika alalayan mo ate mo, mahina pa sya" sambit ni papa kay aika, agad naman itong sinunod at inilalayan ako mula sa likod papunta sa higaan

Nang makahiga na ako ulit at nakahinga ng maluwag, naalala ko na naman ang itsura ng babae, napapikit ako ng mariin dahil sa naiisip.

"Pa, si mama kamusta?" Nasambit ko na lamang na may pag alala sa mukha, paniguradong alalang-alala na yun sakin "Nagka usap na kami at alalang alala sya sayo anak, kung di lang sa amo nya baka sumugod na yun dito" biro nito, tipid na ngumiti ako at iniwas ang tingin

KLASMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon