HER LIFE
Maika's POV
Takbo lang ako ng takbo papalayo sa lugar na iyon, nakakaiyak ang mga nangyayari sa buhay ko, lagi nalang akong umiiyak!
Napaka tanga ko!
Napakahina ko!
Nakayuko lang ako habang tumatakbo, patuloy na umaagos ang mga luha pababa sa aking pisngi
Alam kong pinagtitinginan na naman nila ako dahil sa itsura ko, rinig na rinig ko ang mga bulongan at tawanan na halos ipagsigawan na nila at ang mga titig nilang parang ako pa ang may ginawang kasalanan!
Pero ano nga ba ang pakealam ko sa kanila!? Sanay na ako sa, hindi na bago toh
Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng walang direksiyon, ni hindi ko na alam kung saan ako pupunta tanging ang mga paa ko nalang ang nag de-desisyon
I'm too occupied!
Hanggang sa mapadpad ako sa likuran ng school, maraming puno dito at sobrang tahimik siguro dito na muna ako magpapalipas ng sama ng loob.
Kumuha ako ng napakaraming bato sa lupa at ipinagbabato iyon sa malaking puno ng mangga
"Sana mawala na kayo!!" "sana mamatay na kayo! pare pareho lang kayo, ang sasama nyo!" "s-sana maranasan nyo ang nararanasan ko!" napapaiyak kong sambit
"sana masaya na kayo sa nakikita nyo! S-sana masaya na kayo na nahihirapan na ako!" Halos bulong kong sambit habang nakahawak na sa tuhod ko
Hinang-hina na ako!
At
Nasasaktan na ako!
napaluhod na ako dahil sa pagod at sa sakit na nararamdaman "d-dahil a-ako? d-di k-ko na k-kaya! di ko na k-kayang m-mabuhay pa ng g-ganito! s-suko na a-ako!!" sambit ko atsaka doon na ibinuhos ang lahat ng iyak na kanina ko pa pinipigilang bumuhos.
Iyak lang ako ng iyak habang nakatungo, hanggang sa makarinig ako ng mga yapak ng paa na palapit
Dali dali kong pinahid ang mga luha ko at tumakbo papunta sa likod ng malaking puno para magtago
"hahaha, ano gagawin ba natin?" tanong ng isang boses lalake "malamang, baka satin pa magalit yun, alam nyo naman na dragon yun pag nagagalit" sagot naman nung isa pa.
Dahan dahan akong sumilip para tingnan kung sino ang mga lalakeng iyon at laking gulat ko ng makita ko kung sino sila!
sila pala, ang mga kaklase ko!? 'ngunit ano ang ginagawa nila rito? atasaka ano ang pinag uusapan nila?' natanong ko na lamang sa aking sarili
BINABASA MO ANG
KLASMET
HorrorFACE YOUR FEAR AND YOU'LL SEE HELL!!! Maika is not ordinary student, her past is like as HELL, her present is NIGHTMARES and her future is BLOODY! Don't you dare mess with her, she may like an ANGEL but inside of the classroom you'll see an EVIL liv...