CHAPTER 4

2 1 0
                                    

THE OTHER

Maika's POV

"Maika! Maika! Maika! " bulong ng pangalan nito sakin, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko

Kadiliman ang bumungad sakin, unti unting naglinaw na ang paningin ko at kitang kita ko ang kadilimang bumabalot sakin sa loob ng isang CLASSROOM?

'Ano ginagawa ko dito? ' 'pano ako napunta dito?' natanong ko nalang sa aking sarili

Inilibot ko pa ang aking paningin at ng mapagtanto kong nakaupo pala ako sa isang upuan, nasa last row ako pero nasa harap ito mismo ng mesa sa harap para sa mga guro

Takot ang bumalot sakin, lalo na sa dinadala nitong enerhiya, mabigat, malamig at napakatahimik, idagdag pa ang sobrang dilim

"Nananaginip ba ako?" Naibigkas ko na lamang

Dahan dahan akong tumayo upang libotin ang kabuoan ng silid, di ko ito malaman kung saan, Hindi pa ako nakapasok sa ganitong klaseng silid-paaralan, makikitang may estado sa buhay ang mga mag aaral dito, pero bakit ganito? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang nakakulong ako dito, parang wala akong malalabasan sa lugar na toh

Lumapit ako sa pisara upang hanapin ang pinto palabas dahil di ko ito maanigan. Ngunit agad akong napahinto ng mabasa ang nakasulat sa pisara Welcome to Hell Class!

Nakasulat ito sa malapot na likido na Hindi ko alam, wala naman ito kanina ah? At bakit ganyan ang nakasulat? Hindi ko maintindihan!

Nilapitan ko pa ito sa malapitan, tumutulo pa ang likido sa sahig, tiningnan ko pa ito ng mabuti at inamoy ito

Agad akong napa atras ng maamoy ko ang masangsang na amoy ng DUGO? paano nangyaring ganyang kasang sang na amoy? Mas lalong nanindig ang balahibo ko ng biglang lumakas ang hangin

Kakaibang lamig ang ibinigay nito sakin, kasama ang matinding takot

Agad akong napasandal sa dingding, at pinipilit na isiksik ang sarili

'bakit ba ako nandito? Paano ako napunta dito? ' dahan dahan akong may narinig na pintuan na bumubukas, sa tunog nito na parang pinaglumaan na

Dahan dahan kong nilingon kung saan nanggaling iyon, kahit nilalamon na ako ng takot may kung anong nagpupumilit sakin na tingnan iyon

Nakabukas na pintuan, pero walang tao, kadiliman lang ang nakikita ko sa labas "ito na siguro ang palabas" sa pag asang makakalabas na ako, Dali daling tumakbo ako roon ngunit sa paglapit ko ay agad ring itong nagsara ng sobrang lakas

Naiwan ulit ako sa loob na nangangatog na aa takot 'hindi to totoo! ' pagpapaniwala ko sa sarili ko 'panaginip lang toh' sambit ko

"Maika! Maika! Maika! " bulong muli ng isang tinig dahilan para muling magsitaasan ang balahibo ko "s-sino yan? " Lakas loob kong tanong

Muli kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid ngunit bigo ako, wala akong makita! "HAHAHAHA~" rinig kong tawa nito na may pangungutya "A-anong kailangan mo s-sakin?" Lakas loob Kong sambit, alam kong hindi tao ang kausap ko, alam kong may kailangan sya "ikaw ba ang nagkulong sakin dito? Palabasin mo na ako parang awa mo na" sambit ko sa kawalan

KLASMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon