HELL BYE
Maika's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, iyak lang ako nang iyak dahil sa ginawa nila sakin
Sobrang sakit!
Wala akong malalapitan na tulong dito dahil wala akong masyadong kilala at kaibigan sa lugar namin
Pinagtulongan nila ako at ngayon kinulong pa nila ako dito sa kwarto, paano ako ngayon makakatakas?
"hoy babae bumangon ka na dyan at magsaing! aalis ako" sambit ni inang "kukunin ko ang padala nang iyong letseng ina" dugtong pa nito tsaka umalis nang tuloyan
Agad akong kumilos at sinunod ang kanyang utos, ayoko nang madagdagan ang mga pasa ko. sobrang sakit na para bang isang hawak nalang nang isang tao di ko na kakayanin at agad nang sumuko ang aking katawan.
nanghihina akong gumagalaw dito sa kusina, ang sakit sakit pa nang aking katawan, ni hindi ko pa magalaw ng maayos ang mga balikat ko dahil sa sakit
ako lang mag isa dito sa bahay, si amang ay nasa sabungan at si insan naman ayun sa barkada niya at si inang may lakad.
gusto ko nang umalis sa impyernong pamamahay na ito ngunit paano ba ako makaka alis? gayong hawak nila ako sa leeg!! Baka di pa ako nakakalabas, di na ako humihinga
"ahhhh~" napasigaw ako sapagkat nadikit ang aking balat sa apoy
Sh*t! T*nga!
"nasaan si mama?" biglang tanong nang isang tao mula sa aking likuran.
at sa gulat ko ay nadulas sa aking kamay ang hawak na pinggan, aaiiisshhhh "ano ba yan!! nagtatanong lang naman ako ah!! lumalaban kana huh!!?" galit nitong sambit sa akin
"hindi vince, nabigla lang ako" mahinhin kong sambit sa kanya, wala akong lakas nang loob para lumaban pa, masakit pa katawan ko parang awa mo na Panginoon ko, tama na po
"nabigla!!?? putang*na niyang nabigla" sambit niya atsaka ako nilapitan at hinawakan nang marahas ang aking buhok
"ahhhhh~ vince tama na, nasasaktan na ako" sambit ko dito na may tumutulong luha na naman sa mata. Amoy na amoy ko ang bunganga niyang amoy alak at kung anong amoy pa na parang droga.
"vince bitawan mo ako parang awa mo na" pagmamaka awa kong sambit dito "haha, alam mo bang noong una pa akong sabik na sabik na tikman ka" sambit niya, tila nagsitayuan ang lahat ng aking balahibo sa sinabi niya
"v-vince, w-wag kang m-magsabi ng ganyan, n-nakainom ka" nanginginig kong sambit dito
kinakabahan ako sa maaari niyang gawin sakin lalo na at kaming dalawa lamang ang nasa bahay, tapos ilang beses na rin narehab itong si Vince dahil sa droga
BINABASA MO ANG
KLASMET
HorrorFACE YOUR FEAR AND YOU'LL SEE HELL!!! Maika is not ordinary student, her past is like as HELL, her present is NIGHTMARES and her future is BLOODY! Don't you dare mess with her, she may like an ANGEL but inside of the classroom you'll see an EVIL liv...