Chapter 12

721 15 1
                                    

This chapter is dedicated to Kingmomukhamo for being persistent for AMOH's chapters. Salamat sayo (⌒▽⌒)


It's been three days at hinayaan lang  muna ako nila kuya na mag-isa. They're still here at wala silang planong umalis hanggat di ako kasama.

'Di rin muna ako nakialam kay Sophia at Crix. Bigla akong natauhan after what happened last time sa amin ni Sophia. Ang dami niyang sekreto at naawa na ako sa kanya imbis na magalit.

But I want to talk to Crix, gusto ko siyang makausap. Ngayon alam ko na kung bakit wala siyang maalala I want to tell him the truth, my feelings and everything about us. Gusto kong ikwento lahat sa kanya.

"Where are you going?" isang malalim na boses ang sumalubong sa akin nang makalabas ako ng kwarto.

Standing infront of me is Calix, wearing a fitted polo shirt and black pants. Napaiwas ako nang tingin, ngayon lang din niya ako kinausap after what happened to us.

"May pupuntahan." tipid kong sagot at aakmang aalis na but he stopped me.

He hold my wrist at seryoso na nakatingin sa akin.

"We need to talk."

"I cant. May pupuntahan ako."

"Now."

Bigla akong natigilan at natakot sa kanya. Why so serious? Masyado siyang mainitin ngayon. I have no choice but to follow what he wants. Pumasok ulit kami ng kwarto ko at umupo ako sa gilid ng kama ko.

Nakatayo lang siya sa harap ko and we were silent for five minutes before he sat down beside me.

"I will go to US."

Natigilan ako. Para bang bigla akong nabingi sa sinabi niya.

"What?"

"I will go to US." Ulit niya and this time I've heard it right.

I still process the whole thing he have said. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya and when he hold my hand dun na ako bumalik sa huwisyo.

"That so sudden." wala sa sarili kong sabi at tumango siya.

"I Know."

I looked at him intently pero nakayuko lang siya habang hawak-hawak ang kamay ko.

Bakit biglaan? Bakit ngayon pa siya aalis kung kailan ang daming nangyayare ngayon?

"Bakit ka aalis, Calix? Is it really important?"

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako rito. He then looked at me at nagulat ako nang makita ang mga mata niyang sobrang lungkot.

"C-calix..."

"Colley, aalis ako after 3 days. I will be gone for so long because of a family matter."

Napakunot noo ako.

"Family matter? Bakit Calix? What happened?"

Mas lalo siyang nagseryoso kaya kinabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kabilis tumibok yung puso ko sa mga sasabihin niya sakin ngayon.

"I'll be meeting a woman in US for engagement proposal. Its a business proposal na ginawa ni Daddy for me while Im here in Palawan."

Natigilan ako kasabay nang pagkirot ng puso ko. Bigla kong naramdaman ang pasan ng mundo sa mga narinig ko ngayon galing sa kanya. Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at parang gumuho ang buong mundo ko sa sinabi niya.

Hindi maari, baka nabingi lang ako. Hindi ako maintindihan ang sarili ko at bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Bakit? Bakit biglaan naman? Bakit uso pa sa panahon na ito ang mga ganyan?

Bakit ang daming gustong magpakasal? Bakit ang daming umaagaw ng mga taong mahal ko?

Mahal ko? Napangiwi ako.

"Colley, bakit ka umiiyak?"

Bakit nga ba ako umiiyak? Simula't sapol bakit nga ba ako nasasaktan ngayon alam ko naman na ang mahal ko ay si Crix. Kaya nga ako pumunta at sumulong dito sa Palawan ay dahil gusto kong makita si Crix at ibalik ang nakaraan.

Pero bakit? Bakit ako nasasaktan at umiiyak ngayon sa harap ni Calix na para bang niloko niya ako ng biglaan?

"H-hindi ko maintindihan, Calix. Bakit ganito? Bakit ang sakit dito?" tinuro ko yung dibdib ko. Yung puso ko dinuroduro ko sa harap niya.

Kumunot ang noo niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Colley, stop it. You're hurting yourself."

Umiling ako at napangiwi dahil hindi ko na maintindihan yung sarili ko.

"No Calix, Im not! Pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan sa mga narinig ko galing sayo? Im not in love with you, alam mo yan diba? Pero bakit ganun? Bakit sobrang sakit dito," tinuro ko ulit yung puso ko "dito sa puso ko, Calix? Bakit?!"

Hindi pa rin tumitigil yung luha ko sa pagtulo. He just looked at me na para bang biglang naging dalawa yung ulo ko dahil para siyang biglang nagulat.

Pero yung gulat sa mukha niya biglang napalitan ng malungkot na ngiti. I was stunned for a moment dahil sobrang sarap ng ngiti niya sakin.

"I love you. Please just stop crying alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ay yung umiiyak ka." pinahiran niya ang mga luha kong sunod-sunod sa pagtulo.

"Calix, bakit? Di ko maintindihan yung sarili ko."

Ngumiti siya at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.

"Aalis lang ako ng matagal Colley pero babalik rin ako. I want you to promise me na sa pagbalik ko you can answer my question."

Kumunot yung noo ko. May gana pa siyang magsalita ng mga bagay na ganyan?

Hindi ako sumagot at patuloy pa rin ako sa pagiyak dahil di pa rin matanggap ng sarili ko that he will be meeting with another woman because of the engagement proposal.

"Listen to me Colley." lumayo siya sa yakap namin at tumingin sa akin ng diretso.

He smiled tsaka niya pinahiran ng panyo ang mga mata ko.

"This will be the last time you're going to cry because of me. I will be gone but always remember that I will be back. A lot of things is happening right now and I dont want to meddle with your issues with Crix. Alam ko naman kasi that things between you and Crix is not yet done." he tapped my hand.

"You know I love you Colley and that will be always but I you cant love me back lalo na at nandito pa si Crix at may issue pa kayong hindi natatapos. Alam kong mahal mo pa rin siya at sana nga sa mga pinapakita mo sakin ngayon, I still have a chance to have your heart. You care for me, Colley. Kahit ilang beses mo man i-deny, I have the chance to make you fall for me."

Tumigil na ako sa kakaiyak dahil sa mga narinig ko galing sa kanya. He is so happy at kahit may kunting lungkot sa mga mata niya, he still show that he's still ok.

"I love you Colley and I promise you that when I come back from US, ako na naman ang hahanapin mo."

A Memory of Him (TBIH 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon