Chapter 3

929 24 3
                                    


Ive decided not to share a room with Calix when we arrived at the resort. He offered me to stay with him para naman daw makatipid ako but I declined because it feels so awkward being with him.

"Do you need any help?" umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. He helped me a lot and I know he's already tired.

"No, thanks. Im ok Calix, dapat ikaw magpahinga ka na. You have a meeting tomorrow morning right?" he looked at me and decided to nod.

"You're right. Rest well, Colley." he said and he gave me a peck of kiss on my forehead.

Nagulat ako at natulala nang umalis siya sa harap ko at naglakad papunta sa kwarto niya.

What was that? Napailing na lang ako at mabilis na sinara ang pinto ng kwarto ko at napasandal dito. I even touch my forehead at napapikit nang maramdaman yung halik niya sa noo ko.

Just wow. I just cant believe Im feeling things like this. Nakakatawa at yung tadhana pa mismo yung magpalapit sa amin dalawa.

Naglakad na ako papunta sa viranda ng kwarto. Mabuti na lang at yung kwartong napili ko ay malapit lang sa may dalampasigan. Its nice to see the ocean to be like this, so beautiful lalo na at papagabi na.

Isang oras din ata byahe namin ni Calix papunta dito sa resort. Mabuti na lang at yung kaibigan niya yung may ari nito at napagbigyan kami ng discount sa resort at yung VIP room pa ang binigay sa amin.

Napaupo ako sa sofa at dinamdam lang yung sarap ng hangin. When was the last time I feel so refreshed? Ito siguro yung una dahil ngayon lang mismo ako nakapag-beach lalo na at babad ako sa trabaho sa US.

Napadilat ako when I heard my phone ringing. Mabilis akong pumasok sa loob at sinagot yung tawag.

"Hello?" umupo ako sa dulo ng kama at napatingin sa may viranda.

"Bunso, kamusta ka?" napatingin ako sa caller at nakitang si Kuya Vince pala ang tumatawag. Napangiti ako.

"Im fine kuya, kakarating ko nga lang."

"Ganun ba? Balita ko kasama mo daw si Calix jan?" Hindi talaga napag-iiwanan ng chismis tong si Kuya.

"Oo kuya. He's with me. May pinuntahan din kasi siya dito tsaka nakadiscount ako sa resort."

"That's nice to hear. Anyway, kinamusta lang kita. Aalis din pala kami nila Dad at Mom. Mamasyal ang dalawang love birds eh. Call you later sis."

Ngumiti ako. "Ok kuya. Ingat kayo." he ended the call tsaka ako napatingin sa phone calendar ko.

It's April 6, anniversary nila Dad and Mom ngayon. Ang saya malaman that there's still a forever between my Mom and Dad relationship.

Tumayo ako and decided to get some fresh air sa dagat. Mukhang masarap maglakad-lakad lalo na at wala pa masyadong tao sa dalampasigan.

I decided to wear my hat tsaka lumabas ng kwarto. Mabilis lang ako nakalabas ng resort dahil malapit lang naman kasi yung kwarto ko sa exit. Mamaya na siguro ako kakain kapag mag-aaya nang kumain si Calix.

I think he's still sleeping kaya magpapakasawa muna ako dito sa dagat. Ive decided to take a seat sa isang malapit na sirang kahoy tsaka tiningnan yung mga waves.

I have still mission to accomplish. Kailangan kong makita si Crix and I will asked him kung bakit ang dami kong ala-ala sa kanya.

Im still admiring the sea when someone caught my attention. Napabalikwas ako nang tayo at napatingin sa isang lalakeng nakatayo malapit sa dalampasigan. He's wearing a thin white cloth and board shorts habang nakapamulsang nakatingin sa dagat.

He seems familliar. I blinked once, twice hanggang sa makilala ko kung sino siya.

He's Crixcer Cantello! He's here!

Tama nga ang balita that he's living here in Palawan. Kapag sineswerte ka nga naman oh at dito ko pa talaga siya makikita sa resort.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan just to make sure that Im totally right that he's really Crix.

Natigilan ako saglit nang biglang may lumapit sa kanya at nagulat nang makita si Calix na kinakausap siya. Crix seems to know Calix so much at mukhang magbestfriend pa ang dalawa. I didnt know na kilala ni Calix si Crix, kaya ba may naaalala ako sa kanilang dalawa dahil talaga bang magkaibigan sila?

Maybe this is not the right time to approach Crix. Kausap niya si Calix and I think I need to go back inside the resort.

Tumalikod na ako and when I was about to go back ay bigla naman inihip ng hangin yung sumbrero ko at natamaan si Crix sa likod at nasalo naman ni Calix ito.

Para akong batong nakatingin sa kanilang dalawa. Nagulat ako nang biglang tumingin sa akin si Crix and suddenly, my heart stop from beating.

Jusko Lord, mamatay ata ako sa kaba nito.

"Colley?" mukhang nagulat si Calix nang makita ako.

I awkwardly smile at him and wave tsaka dahan-dahan na lumapit sa kanila.

"H-hi, Calix." Calix looked at me worriedly at mabilis na binigay sa akin ang sumbrero ko.

"I think this is yours." tumango ako at kinuha ang sumbrero sa kanya tsaka ko mabilis sinuot ito.

"Thank you." sabi ko tsaka nagulat nang bigla kong marinig magsalita si Crix.

"You seems familliar, do I know you?" napatingin ako kay Crix at nagulat sa sinabi niya.

He doesnt know me? Kung ganun, pareho namin 'di kilala ang isa't isa? Napatingin ako kay Calix and he seems shocked too.

Binaling ko ang tingin ko kay Crix at umiling sa kanya. If he doesnt know me then I will not know everything about us. Pareho namin di kilala ang isa't isa.

"Im sorry pero 'di kita kilala." I need to act that I dont know him.

"Im sorry, parang may kamukha ka kasi." he said at napangiwi ako.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa tabi ko at napatingin ako kay Calix who is looking at Crix already.

"Sorry to interupt Crix pero I think we need to have dinner." nagulat ako sa sinabi ni Calix dahil bigla siyang nagseryoso.

"Oh, sure bro. Nakahanda na ang dinner table ninyo sa restaurant. You can enjoy your meal." Crix said tsaka tumingin sa akin at ngumiti.

Napaiwas ako nang tingin at napatingin sa kamay ni Calix na nakaakbay sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakaakbay niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Thanks bro. Ikaw, kailan ka kakain?" Calix asked.

"Later na lang siguro bro, may hinhintay pa kasi ako." Crix answered tsaka nakipag bro fist kay Calix.

Tumingin sa akin si Calix "Lets go?"  he asked me tsaka ako tumango.

"Bye." I said to Crix tsaka siya ngumiti at tumango.

Umalis na kami ni Calix at akbay-akbay niya pa rin ako. Napatingin ako sa kanya tsaka napatanong.

"Ka ano-ano mo si Crix?" he suddenly stopped and he looked at me.

"He's my bestfriend" he paused "and my rival too." He answered tsaka siya ngumiti at ginulo ang buhok ko.

AN: Sobrang sabaw ba? Sorry! Dont forget to vote and comment! ❌❌❌

A Memory of Him (TBIH 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon