Fatal Touch
Kabanata 1.geminigraphics
✴️✴️✴️Devin
Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Napaupo ako at saka niyakap aking mga binti. Isinubsob ko ang aking mukha sa tuhod. Naalala ko na naman ang panahon kung kailan si Lolo Maru nawala. Nawala ang tanging tao sa buhay ko.
Nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak. Naalala ko muli nang umulan kagabi. Kung dati'y natutuwa ako sa ulan, ngayon hindi na. Sakit at hinagpis dahil sa alaalang iniwan nito sa akin.
"B-bakit sa akin pa binigay ang abilidad na ito?" iyak ko. Paulit-ulit ko na lang tinatanong ito sa sarili.
Moving on is the solution to forget the pain, they said. But how can I move on if I don't want to forget?
Inalis ko ang aking mukha mula sa pagkakasubsob. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. May nakasuot doon na isang pares na itim na gwantes. Mayroon akong suot na isang kulay pula na mahabang bestida na umaabot sa paanan ko.
Pinunasan ko ang aking mga luha. Ang tagal akong nakatulog. Sigurado akong hapon na.
"Ate? Tao po!"
Ayan na naman siya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya. Alam ko namang 'di siya makikinig, eh.
"Ate, kumain na po kayo ha?! Iniwan ko po iyong pagkain sa tapat ng pinto niyo! Kunin niyo bago po makuha ng iba!" Narinig ko ang tunog ng pagkalapag niya ng pagkain.
"Aalis na po ko. Paalam!" rinig kong sigaw nito. Maya-maya pa, tuluyang nawala ang presensya niya.
Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Noong sumilip ako sa siwang ng pinto, nakita ko ang mukha ng taong laging naghahatid ng makakain ko. Isa siyang batang lalake na sa tingin ko ang edad niya ay nasa walo hanggang sampu.
Malayo ang bahay ko sa bayan. Hindi ko nga alam kung paano niya iyon natuklasan. Basta. Nagulat na lang akong binibigyan niya ako ng pagkain simula noong anim na buwan nang nakakaraan. Ang mga panahong nagluluksa pa ako sa pagkamatay niya.
Muli kong pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa aking noo.
Ang tahanan ko ay labingdalawa na kilometro ang layo mula sa Alnwick City. Ang Alnwick ay parte ng bansang Zitera, ang pinakamainit na parte ng planetang Getora. Gayunpaman, kahit mainit ang klima ng tinitirhan ko aking kutis ay nanatiling kulay nyebe.
Ang bahay ko ay matatagpuan sa bungad ng Goldwood Forest. Walang may gusto lumapit dito dahil daw sa kakaibang mga nilalang na nakatira sa loob ng gubat at pinapangalagaan daw ito ng isang dyosa na nagngangalang Serafina.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ako patungo sa pintuan. Naramdaman ko ang malamig na sahig sa kadahilanang nakayapak lamang ako. Sumilip muna ako sa siwang kung may tao ba o wala. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin kong wala. Binuksan ko agad ang aking pinto at sabay dampot ng supot na nasa tapat. Dali-dali kong isinara iyon. Kinapa ko ang katabing pader na iyon, agad kong binuksan ang ilaw.
Maliit lang ang bahay ko ngunit sakto lang para sa akin. May maliit na upuan, lamesa, maliit na electric fan, kama, kabinet, at banyo. Tama lang para sa akin.
BINABASA MO ANG
Fatal Touch
Fantasyтнoѕe вewιтcнιng eyeѕ. нer crιмѕon нaιr. ѕнe ιѕ мyѕтerιoυѕ yeт вeaυтιғυl. вυт, ѕoмeтιмes. вeaυтιғυl тнιngѕ are ѕcary. ᴅᴇᴠɪɴ sᴇʏᴍᴏᴜʀ ᴡᴀs ᴋᴇᴘᴛ ᴀᴡᴀʏ ғʀᴏᴍ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴀs sʜᴇ ᴅɪsᴄᴏᴠᴇʀᴇᴅ ʜᴇʀ ᴀʙɪʟɪᴛʏ. sʜᴇ ᴀʟᴡᴀʏs ᴋᴇᴇᴘ ᴅɪsᴛᴀɴᴛ ғʀᴏᴍ ᴛʜᴇᴍ ʙᴜᴛ ғᴀᴛᴇ ʜᴀs ᴀɴᴏᴛʜᴇʀ ᴘʟᴀɴ...