Touch 2

69 22 6
                                    

Fatal Touch
Kabanata 2.

Devin

Napahikab ako muli at saka inayos ang pagkakatakip ng mukha ko. Nakasuot ako ngayon ng pantalon at maluwag na itim na tshirt. Binagayan ko iyon ng aking boots. Nakasuot nga pala rin ako ng cloak gaya kahapon. Dala ko rin ang aking pana.

Napatingin ako sa paligid at pinagmasdan sila. May mga batang naglalaro gamit ang kanilang gero. Ang ilang mga lalake naman ay may kanya-kanyang buhat na mabibigat na sako at ang ilang tao ay namimili. Ibinalik ko muli ang aking tingin sa daan. Nararamdaman ko ang mga titig nila sa akin. Siguro dahil sa pananamit ko. Ngayon lang muli ako pumasok sa bayan matapos ang dalawang linggo. Kailangan ko mamili ng personal na gamit.

Mas ibinaba ko aking hood na suot. Naramdaman ko kasi ang sinag ng araw.

Tumigil ako sa isang tindahan ng mga libro. Nakita kong may dalawang babae na lumabas mula roon.

"Excited na ako para mamaya. Ilang oras na lang magsisimula na ang pagsusulit."

"Sana makapasok tayo bilang iskolar sa Pumor Vel Academy."

Narinig ko ang usapan ng dalawa. Gumilid ako upang hindi nila ako mabangga. Nangunot ang aking noo. Pumor Vel Academy? Masyado na ba akong nagtago sa bahay upang hindi malaman kung ano iyon? Alam kong na kung alam man ko iyon dati, sigurado na aking nakalimutan na 'yon dahil sa tagal ng panahon na ang lumipas. Isa pa, wala na akong pakialam doon. Hindi naman ako pumapasok sa isang akademya at wala akong balak na pumasok.

Naglakad na ako papasok sa tindahan. Narinig ko ang mahinang tunog ng bell likha nang pagpasok ko sa pinto.

"Magandang tanghali sa iyo, binibini." bati ng lalake sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Naglakad na lamang ako papunta sa seksyon ng mga libro.

Naubos na ang mga librong itinatago ng aking ina. Mahilig akong magbasa ng mga libro. Doon ko rin nalalaman kung anong klase na mga tao ang nabubuhay rito. Lagi kasi akong nakakulong sa bahay simula ko ngang malaman ang aking abilidad. Malayo rin kami sa kabihasnan. Mas mabuti rin iyon.

Napatigil ako sa isang seksyon ng mga libro. May isang libro roon na tila lumiliwanag. Nakuha nito ang aking pansin. Naglakad ako palapit doon. Nang makalapit ako, agad ko iyon kinuha at saka iyon binasa. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong sinaunang mga letra—ang Getorium. Saan ko ito nalaman? Dahil iyon sa mga librong nakita ko noon sa attic ng luma naming bahay sa lungsod.

Binasa ko ang nakasulat. "World of Getora," mahinang bulong ko.

Nang sinubukan kong buklatin, walang mga salitang nakasulat doon. Nilipat ko sa ibang pahina ngunit wala pa rin. Napangiwi ako.

"Sino ba ang nagsulat nito? Ano ba mayroon dito? Bakit walang laman?" tanong ko.

Nagitla ako nang bigla na lamang iyon lumiwanag. Ikinalaki ng aking mga mata nang kusang lumipat ng mga pahina ang libro na tila may mahika na nakapaloob doon.

Napanganga ako ng may isang ulo ng matandang lalake ang lumabas mula sa libro.

"Ako ay si Epharium, ang may akda ng libro. Dito nakasulat ang lahat ng mga bagay na mayroon ang Getora,"  usal nito.

Dahil sa gulat ko, isinara ko ang libro. Nawala ang matandang lalake at ang liwanag. What just happened?

Nang makabawi ako mula sa pagkagulat, agad kong tinungo ang counter. Kakaiba ang libro. Gusto ko ito masubukan.

"Magkano ang librong ito?" tanong ko. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat niya nang nakita niya ang aking mga mata. Agad kong inayos ang pagkakasuot ng hood sa akin.

Fatal TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon