Fatal Touch
Kabanata 7Third Person
Nasa loob ng malawak na kwarto ang mahigit pitong katao. Ang kwarto ay mayroong mahika kung saan hindi maririnig ng nasa labas ang pinag-uusapan sa loob. Seryoso ang ekspresyon ng lahat. Naputol ang nakakabinging katahimikan nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Headmistress Olya Artem Preis o mas kilala sa tawag na Headmistress Art.
"Sorry for letting you all wait." usal ni Headmistress Art.
Ngumiti naman ang iilang propesor bilang tugon sa babae. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa umupo ito.
"Bakit niyo ba kami pinatawag, Headmistress?" agad na tanong ni Professor Isis. Ngumisi naman siya sa narinig.
"Still impatient, Professor Isis," Huminga muna ng malalim si Headmistress. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. The council together with the king and queen had a meeting after receiving the initial report from the mission of the students of Legend class in the Zitera region." aniya.
Nagsimulang magkaroon ng malalakas na bulungan dulot ng sinabi nito. Tumaas ng kamay si Professor Hagar para makuha ang atensiyon ng Headmistress.
"Is it all about the dead creatures that had been found near the Goldwood Forest?" tanong ni Professor Hagar.
"Kasama iyan sa dahilan pero may mas malaking rason kung bakit nagkaroon ng agarang pagpupulong. Group of demons had been found lingering inside the said forest." sagot niya sa tanong nito.
Isang pagsinghap at gulat na ekspresyon ang gumuhit sa kanilang mga mukha dulot ng anunsyon nito.
"Bakit sila nakapasok sa boundary? Hindi ba't mayroong barrier ang humahati sa limang na rehiyon at sa pugad nila?" usal ni Professor Taos.
Natigil ang lahat at napatingin kay Professor Merle nang napahampas ito sa mahabang mesa.
"Huwag niyong sabihing–" Napatigil ito sa pagsasalita. Nagkaroon ng mabigat na paghinga ang lahat.
"Hindi maaring totoo ang sinasabi ng matandang orakulo! Namatay na siya't lumipas ang ilang taon ngunit wala pa ring nangyayari!" sigaw naman ni Professor Kern.
Magkaiba silang lahat ng opinyon ngunit parehas lang ang kanilang nararamdaman—ang pangamba't takot para sa hinaharap.
Sa kabilang banda, dumating na ang grupo ni Kohen galing sa paglalakbay sa Zitera at ang Mount Valle na matatagpuan sa mataas na parte ng Grogarin. Dapat kahapon pa talaga sila dumating ngunit dumaan at nanatili muna sila sa palasyo sunod sa utos ni Queen Amata.
Napapatigil ang ilang mga estudyante at napapatingin sa direksiyon ng lima. Their aura shout power and authority.
"May meeting pa kaya ang buong faculty at si Headmistress?" tanong ni Aquila sa tatlo na dahilan kaya napatingin sina Katniss at Echo.
Tumaas ang kilay ni Katniss. "Obviously. If it is already tapos, Professor Taos will make sundo us kaya. Stupid." usal nito.
"Tigilan mo ko sa pagkapilosopa at sa kakonyohan mo. Baka mawalan ka na lang ng hininga." sumbat ni Aquila na pinipigilan ang kanyang inis.
"Whatever." Katniss mumbled. Napatigil sa siya sa paglalakad at napatingin kay Kohen na wala sa sariling lumilingon sa paligid. Napansin naman iyon ng dalawa.
"General, anong tinitignan mo?" tanong ni Echo. Napatingin naman ito sa kanila.
"Nothing." maikling sagot nito bago naunang naglakad at nilampasan sila.
Ang mga estudyante naman ay nangangamba sa reaksiyon ng lalakeng naglalakad na may dalang mas mabigat at malakas na awra. Paano kapag nalaman nito ang kaguluhan na nangyari kaninang umaga lang? General Tyrese Kohen hates trouble inside the campus. A big disaster just happened in the cafeteria earlier. Isa lang ang alam nila, that new student and the Trios will be dead. Alam nilang walang sinasanto ito. They are sure of that.
⚫️ ⚫️ ⚫ ️⚫ ️⚫️
Milla
Nangangatog na nakatingin ako sa sahig. Narito ako ngayon sa loob ng kwarto sa academy hospital. Mahigit dalawampung minuto na rin mula nang nagising ako. Kasama ko rin sa kwarto ang tatlong magkakambal pero hindi ko nakita si Devin. Nag-aalala pa ako sa lagay niya dahil alam kong siya ang may malaking sugat dahil sa Trios.
Napakuyom ako ng kamao.
"Who started it?" tanong ni Lady Auryn. Nandito siya kasama ang best friend niyang si Sir Westly na nakasandal sa may pader habang nakatingin sa kanya. Lady/Master is a term used when his/her family belongs into the elite circle. Mabuti na hindi si General ang nandito.
"Those peasants started it!" Agad akong napaangat ng ulo nang magsalita si Lilya.
"H-Hindi iyan totoo! Kayo ang nagsimula!" lakas na loob kong tanggol sa amin ni Devin.
Tumaas naman ang kilay ni Myla. "At sino naman ang maniniwala sa iyo? Daga? Alam naman nating inggit kayo sa class na kinabibilangan namin." May pang-iisulto ang tono ng boses niya.
"Madami ang nakakita kanina cafeteria kanina! Alam kong target niyo si Devin dahil sa sinundo mismo siya ni Professor Taos at ang iba sa legends!" sigaw ko.
Humalikipkip naman si Lilya. "Bakit naman kami maniniwala sa tsismis na nilabas ng kapwa niyong lupa—" naputol ang pagsasalita niya ng sumingit si Lady Auryn.
"It is not a gossip, Lady Lilya. So, she is that girl," Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya dahil masyado iyong mahina.
"I was gone for almost week yet there is a trouble again."
Tila nahigit ko ang aking hininga nang narinig ang malalim at malamig na boses. Nakita kong namumutla rin ang magkakambal.
Dahan-dahan akong tumingin sa gawi ng pintuan. I saw a man who has a white messy hair looking to us with his piercing and dark eyes. Iisa lang ang kilala naming may ganitong awra.
General Kohen....
"Kailan ka nakabalik, General?" usal ni Lady Auryn. Dumapo ang tingin nito sa kanya.
"Just now." sambit ni General Kohen.
Tumawa ng mahina si Lady Auryn. "Saan iyong kapatid ko? Nga pala, mayroong kaunting gulo kanina." usal nito.
"Little trouble that made a big disaster in the cafeteria." sarkastikong saad ni General.
"It's not our fault in the first place! Those peasants started it!" singit ni Myla.
"I don't care who started it but all of you will be in level 2 punishment." matigas na sambit ni General.
Mabilis na napatingin kami kay General Kohen.
L-Level 2 punishment?
"Hindi niyo maaring gamitin ang inyong mga abilidad sa loob ng isang linggo. If you ever try to use it, the ring that'll given to you will cause a shock on your body. So, don't ever try it. Sinasabi ko lang ito. Alam ko namang alam niyo na ang parusang ito." paliwanag ni Lady Auryn.
Nakita kong tumayo si Lilya mula sa pagkakaupo. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
I flinched when she gave me a death glare. Umiwas ako ng tingin at pinukol na lang iyon sa sahig.
"Bakit kasama kami sa parusang iyan?! We are the daughters of Sir Vadlon! Kaibigan siya ni Duke Giles! Kapag nalaman nilang—" Napatigil siya sa pagsasalita nang tumawa ng mahina si General Kohen.
"I don't care. I repeat. No one is exempted kahit ang transferee na iyon." aniya bago itong lumabas sa kwarto.
Kailangan kong sabihin ito kay Devin!
****
BINABASA MO ANG
Fatal Touch
Fantasyтнoѕe вewιтcнιng eyeѕ. нer crιмѕon нaιr. ѕнe ιѕ мyѕтerιoυѕ yeт вeaυтιғυl. вυт, ѕoмeтιмes. вeaυтιғυl тнιngѕ are ѕcary. ᴅᴇᴠɪɴ sᴇʏᴍᴏᴜʀ ᴡᴀs ᴋᴇᴘᴛ ᴀᴡᴀʏ ғʀᴏᴍ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴀs sʜᴇ ᴅɪsᴄᴏᴠᴇʀᴇᴅ ʜᴇʀ ᴀʙɪʟɪᴛʏ. sʜᴇ ᴀʟᴡᴀʏs ᴋᴇᴇᴘ ᴅɪsᴛᴀɴᴛ ғʀᴏᴍ ᴛʜᴇᴍ ʙᴜᴛ ғᴀᴛᴇ ʜᴀs ᴀɴᴏᴛʜᴇʀ ᴘʟᴀɴ...