KABANATA II

7.3K 270 63
                                    

YOU ARE, INSANE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YOU ARE, INSANE. Iyan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Ella habang palipat-lipat ang tingan niya sa aming dalawa ni Marcos na naka upo sa couch. Naka tayo siya sa harap namin with her hands crossed on her chest. Kapag ganito ka seryoso ang mukha niya, pati ako natatakot. Para siyang si mama kapag nawalan ng pasensya. "Now, tell me, Ysabelle Elrosa," I cringed. Sh*t mga bes, buong pangalan ko yun.


"Ilang espiritu ang sumapi sa'yo at nag kupkop ka ng ibang tao dito sa pamamahay mo? Na kulam ka ba para sumali sa charity o bantay bata?"

"He's not bata anymore—"

"QUIET!"

Tinatanong ako tapos quiet! Babaitang 'to.

Alam ko kase na wala na akong choice kung hindi sabihin sakaniya ang tungkol sa lalakeng to, well a side from the fact na galing siya sa past kagaya ng sinabi niya. I told Ella na I need to get revenge on Anderson and I need someone. Ayoko munang makipaglaro dahil nawalan ako ng gana, hindi na din naman magtatagal dahil aalis na ako ng pinas soon. "It sounds so desperate, I know and I hate it. Curse Anderson for it but atleast, bago man lang ako umalis, gusto kong gumanti sakaniya, ayokong umalis without getting even."

It sounds so convincing but honestly, alam ko sa sarili ko na 'na fall na ako, and that means, sa larong ako mismo ang nag simula at akala ko ay magaling na ako, ako pa yung natalo and I hate that feeling.'

"Hindi ako pabor sa paghihiganti" singit ni Marcos pero pareho kaming napa tingin sakaniya ni Ella at sinamaan siya ng tingin. Ang baliw na 'to, komportableng komportable dito sa unit ko!

Napa buntong hininga si Ella saka tinulak si Marcos at tumabi sa akin sabay yakap. "Alam mo naman na hindi kita matitiis, di ba? Kahit hindi ako sang ayon sa plano mo, susuportahan parin kita." Napa yakap din ako sakanya. I really thank God na may kaibigan akong kagaya niya kahit alam ko na hindi ako mabait.

"Pero, sure ka ba talaga sa lalakeng 'yan? I mean, Oo, ang gwapo niya girl, naka bingwit ka ng shark sa dagat ng mga tuna at familiar ang mukha niya, but, baka gawan ka niyan ng masama ha?"

I shook my head. "Nope. Subukan lang niya at saka, wala siyang ma alala."

"Okay." Tumayo kaming dalawa at pinagmasdan si Marcos mula ulo hanggang paa. Natigil naman siya sa pag-papak ng Milo. Diyos ko Lord, iyan yung kanina pa niya kinakain! Naubos na yung isang lata ko sa fridge dahil masarap daw. Ang weird niya! minsan, seryoso tapos bigla na lang parang bata. "I think, siya yung definition ng salitang tall, dark, and handsome at konting ayos lang, practice at pose, pwede na." napangiti ako.

Bago pa makapag salita si Marcos, hinatak na namin siya ni Ella palabas ng unit ko. Kailangan namin siyang ayusan at gawing millennial.

Pumunta kaming tatlo sa pinaka malapit na mall at amazed na amazed si Marcos sa mga nakikita niya. para talagang bata minsan. I can't help but to smile sa reaction niya because it looks so pure and to take note na naka suot lang siya ng white t-shirt at pajama.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon