KABANATA VIII

5.8K 198 59
                                    

NASA isang hindi pamilyar na lugar ako at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NASA isang hindi pamilyar na lugar ako at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakasuot ako ng itim na dress at nakahiga sa damo. Pagupo ko, agad kong naramdaman yung pagkahilo.

Dahan dahan akong tumayo at nilibot ang paningin ko. "Nasaan ako?" puro tanim ang nasa paligid, may mga puno at wala man lang mga tao. Nasa isang probinsya ba ako?

Naglakad-lakad ako para makita kung maliban sa akin ay may pwede akong pagtanungan. Bakit ba kase ako nandito? Hindi ba nasa bahay ako? Wala din akong suot na sapatos kaya nararamdaman ko yung tinik mula sa mga damo.

Makulimlim yung langit at mukhang uulan.

Habang naglalakad, isang malaki at puting mansion ang ngayon ay nasa harap ko. Luma na siya at sira ata kase kita maging yung loob, walang gamit maliban sa mga painting. Museum ba to o ano? Umakyat ako sa hagdaan papaakyat at ng nasa pinto na ako papasok, may isang lalake doon na nakatayo.

Nanlaki ang mga mata ko dahil si Marcos iyon! Nakangiti siya sakin at naka suot ng baron at sombrero, kagayang kagaya ng una ko siyang makita. "Marcos!" tawag ko sakanya at lalapit sana pero unti-unti siyang umaatras papasok sa loob ng Mansion "Anong ginagawa mo? Hoy, teka lang 'wag kang—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita siya.

May hawak siyang necklace at naalala ko na ito yung sabi niyang nadala niya mula sa panahong kung saan siya galing. Yung Clock Necklace.

"Ysabelle... kailangan ko nang mag paalam sa'yo"

Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. "A-Aalis ka na?"

"Kailangan ko ng bumalik..."

"Teka wait lang naman, hindi ako prepared! At saka isa pa... hindi mo pa ako nababayaran—Tama! Bayaran mo muna ako!" pagdadahilan ko kahit ang totoo, ayoko lang na umalis siya. Alam ko na wala akong karapatan na pigilan siya pero ayaw kong umalis siya.

"Paalam... Ysang" wait, paano niya nalaman yung nickname ko? Lola ko lang ang tumatawag sakin ng Ysang.

"Cosmo, teka lang!" sigaw ko pero tuluyan na siyang pumasok sa loob ng mansion at nawala.

Nakatayo lang ako doon at sobrang kabog ng dibdib ko. hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Napaupo ako at pumikit habang iyak lang ng iyak.

Pero nagulat ako dahil sa isang tunog ng nalaglag na kaldero at muli kong naimulat ang mga mata ko.

Nasa kwarto ko na ako at nakahiga.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nakahinga ng maayos dahil panaginip lang pala. Tumayo ako at agad tumakbo palabas para hanapin si Marcos. Naabutan ko siya sa kusina at mukhang magluluto, pinulot niya yung nahulog na caldero at napakamot sa batok niya.

"Cosmo!" naiiyak na sabi ko at napalingon siya sakin.

"Oh, Ysabelle... nariyan ka pala, pasensya ka na at mukhang nagising kita—" hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil tumakbo ako papunta sakanya at yumakap ng mahigpit. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon