KABANATA XIII

5.5K 207 83
                                    

"TALAGA bang mahilig ang mga tao ngayon sa ganyang palabas?" kasalukuyan kaming nanonood ng W-Two Worlds ni Marcos, naka-upo siya sa couch habang ang ulo ko naman ay nakapatong sa balikat niya at magkahawak ang kamay namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TALAGA bang mahilig ang mga tao ngayon sa ganyang palabas?" kasalukuyan kaming nanonood ng W-Two Worlds ni Marcos, naka-upo siya sa couch habang ang ulo ko naman ay nakapatong sa balikat niya at magkahawak ang kamay namin. Kanina pa kase kami nanunood ng historical movies at nawalan na kami ng idea kung ano pa ang susunod naming papanuorin kaya eto, naisip ko yung W-Two Worlds dahil somehow, nakakarelate ako sa story.

Sana ganito na lang palagi...

"Oo, lalo na yung mga babae. Ganda ng kwento"

"Alam mo ba kung ano ang salita nila?"

"Hindi..." kase kapit subtitle ako mga bes.

Kumunot yung noo niya, nakatingin lang siya sa Laptop pero hindi siya nagkokomento tungkol sa pinapanood namin. "Ngunit hindi ko malaman kung bakit nahihilig ang mga kababaihan ngayon sa isang pelikulang hindi nila maintindihan ang mga salita"

Badtrip din 'to minsan eh. "Eh kase, alam mo, yung kwento nila maganda tapos nakakalungkot"

"Paano mo nasabi?"

Mukhang wala akong choice kung hindi i-explain sakanya ang kwento.

"Kase ganito 'yun, yung lalake at ang babae, galing sila sa magkaibang mundo pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagtagpo yung landas nilang dalawa. Noong una, hindi sila magkasundo kase nga magkaiba sila pero mapaglaro yung tadhana at nahulog sila sa isa't isa pero dumating yung panahon na kailangan na nilang maghiwalay na dalawa kase yung mundo kung saan sila nararapat, hindi pwede maging isa. Kailangan ng lalake na piliin yung mundo niya o maraming magiging kapalit. Hindi din siya pwedeng mabuhay sa mundo ng babae dahil bawal, kaya ayun, kailangan nilang maghiwalay na dalawa."

Parang yung kwento nating dalawa. Alam kong yung mundo natin, hindi pwedeng maging isa, kahit pilitin ko na dito ka na lang sa tabi ko, hindi maaari because you don't belong here at alam ko sa loob ko na hindi kita mapipigilan. Darating yung araw na kailangan mo nang bumalik at kailangan ko yung tanggapin.

"Sa huli ba ay naging masaya ang kwento nilang dalawa?" biglang naging interesado na siya sa kwento. Tumango ako.

"Oo, kahit mahirap, kahit maraming hadlang, sa huli ay nagawa nilang magsama. Sa wakas, magiging masaya na sila. Pero..."

"pero?"

"Hindi naman kase totoo ang kwentong 'yan. Isang palabas lang siya... hindi 'yan mangyayari sa totoong buhay dahil ang dalawang mundong magkaiba, kahit kailan hindi talaga pwedeng maging isa." Hindi ko namalayang iba na pala ang tinutukoy ko. "Marcos..." bumitaw ako sa kamay niya at tumingin sakanya. "Alam ko... nararamdaman ko na isang araw, babalik ka na sa panahon mo. Kaya habang nandito ka pa, susulitin ko muna ang mga oras, minuto at segundong kasama ka." Pinipilit kong 'wag maiyak kase alam kong hindi niya magugustuhan kapag lumuha na naman ako.

Hindi siya sumagot. Hinawi niya lang ang buhok ko na nakakasagabal sa mukha ko at saka ako niyakap.

Natigilan lang kaming dalawa ng tumunog yung phone ko. bumitaw ako sa yakap niya at dinampot ang phone ko sa mesa.

LUHA (MBS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon