Chapter 2: The Famous Girl

1.3K 40 6
                                    

Chapter 2: The Famous Girl

Papunta na ako ng school ngayon pagkatapos ng trabaho kay Miss Tyler. First day ko ngayon bilang 2nd year college, pero baguhan pa lang ako sa school na to. Nagtataka ba kayo kung bakit? Well, palipat-lipat lang naman ako ng school dahil sa mga nakakabangga kong mataas "daw" ang posisyon ng magulang nila sa school. Nilabag ko daw ang rules.

But for me, my no.1 rule is "Break the rules."

New school means new rules, pero wala akong pake.
First day ko ngayon dito sa Elliot Academy. Ang school na ito ay pinakamaganda na para sa aming 'di mayayaman.
Nagmamadali na ako dahil malapit na akong malate kasi naglakad lang rin ako papunta dito, next week pa sahod ko kaya nagtitipid ako.

"ARAYYY!!!" sumigaw yung babaeng napaupo dahil sa lakas ata ng pagkabangga ko.

Bakit ngayon pa nangyari to? First day ko pa lang baka mapaaway na agad ako. Hays. Aalis na sana ako ng biglang hablutin nung nakabangga ko ang braso ko.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Bulag ka ba?" singhal niya sakin.

I rolled my eyes at her at pinili ko nalang umalis kaysa mapaaway ako.

Bigla naman niyang hinila buhok ko, tinabig ko ng malakas ang kamay niya kaya nakawala ako sa paghila niya sa buhok ko.

"Ah di mo sinabing pipi ka rin pala huh!" she rolled her eyes at me.

"Paano ko sasabihin kung pipi ako? Bobo lang? Pipi nga diba?" I said with my cold monotone voice.

Her face suddenly looks pale, dahil siguro sa boses ko. "G-g*go ka ah!! Tignan mo nga ginawa mo sa damit ko *sabay turo sa damit niyang naputikan* ang mahal nito! Mas mahal pa sa buhay mo, biatch!" sabi niya na hindi pinapahalata ang takot sa boses niya.

Ngumisi ako nung nautal siya sa una niyang sinabi. "Really? Edi dapat wala ka dito sa school na to kung mas mahal pala yang damit mo kaysa sa buhay ko? Ibig sabihin nun mayaman ka, tama ba?" I replied with my coldest voice and with no expression on my face.

Halata na sa mata ng babae ang takot, pero pilit parin niyang itinago ito. "O-oo tama ka! Mayaman ako! Kaya ko ring patumbahin ka n-ngayon din!" nanginginig na sabi nito.

Naramdaman kong marami ng nakapalibot na mga estudyante samin at naghihintay kung anong mangyayari saming dalawa.

Third person's POV

"Ang tapang naman niya para labanan ang pinakakilalang babae dito sa campus natin." sabi ng isang estudyante
"Oo nga eh. Mukhang mahina naman HAHAHAHA" sagot ng kasama nito at sabay silang tumawa

"Pre! Angas nitong babaeng to. Akalain mo yun kaharap niya ngayon ang pinakasikat at pinakamalakas dito sa campus natin?" sabi ng isang lalake habang nakatingin sakanila
"Kaya nga pre. Sa tingin ko matatalo siya, mukhang walang binatbat eh." sagot ng isa.

Caitlin's POV

Napangisi na lang ako sa mga bulungan na narinig ko. So siya pala ang pinakamalakas dito sa school nila? Bakit mukhang lampa? Nabangga ko lang ng di sinasadya ay parang nabalian na ng buto? Hahaha

"Then do it now." sabi ko ng walang bahid na takot sa boses ko.

"What??" nagtataka niyang sabi.

Huxley Academy: School of Heirs with Special Abilities Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon