Chapter 8: Foreboding

833 29 3
                                    

Chapter 8: Foreboding

Kinabukasan...

Nagising na si zion  pero hindi pa rin niya nakitang gising na si caitlin. Nagtaka itong si zion dahil hindi naman late nagigising si caitlin. Kaya naman ay pinuntahan niya ito sa kwarto, pero wala ito dun.

Pumunta siya sa iba pang parte ng hideout nila, pero hindi niya ito makita. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si caitlin.

Caitlin's POV

"Oh zilo gising ka na pala haha. Sorry lumabas ako para bumili ng pagkain natin sa cafeteria. Hindi muna kita ginising, sarap ng tulog mo eh. Tuloy laway ka pa. Hahahahaha" natatawang sabi ko

Natatawa ako sa reaksyon niya parang nagulat siya sa sinabi ko. Biro lang naman na tuloy laway siya hahaha pero kung makikita niyo yung mukha niya grabe priceless.

"Totoo ba yun? Tuloy laway ako matulog? Nako nakakahiya naman haha." awkward na sabi ni zilo

"Biro lang hahahaha. Grabe kung nakita mo lang reaksyon mo kanina sa sinabi ko hahahahahaha." hawak ko na tyan ko kakatawa sakanya.

"Nababaliw ka na caitlin. Tsk" pagkatapos ito sabihin ni zilo ay pumunta siya sa kusina

Nako mukhang napikon hahaha. 'Di bale suyuin ko siya gamit ang paborito niyang pagkain.

Pumunta na ako sa kusina para maihanda ko narin yung mga binili kong pagkain sa cafeteria kanina, pero ang weird lang nung nakita ko si devon kanina yung isang kasamahan namin. Grabe makatitig sakin kanina, ewan ko ba o sadyang poker face lang talaga yung lakaking yun palagi.

*Flashback*

Maaga akong nagising kaya naisipan kong bumili na agad ng pagkain namin ni zilo sa cafeteria. Mukhang maraming students trainee na ang gising ngayon. Pagkatapos kong maghilamos at toothbrush ay nag-ayos na ako atsaka pumunta sa canteen.

Papunta na ako sa canteen ng may narinig akong nagbubulungan.

"Balita ko may nagpunta daw sa forbidden place ng garden kaninang madaling araw."

"Oo nga eh, sino kaya yun?"

"Hindi ko kilala eh, dahil ang principal lang daw ang nakakaalam pero kumalat ito."

Nako baka ako yung nakita nila? Dahil 'di nila makikita yung lakaking narinig kong may kausap sa telepono niya kasi nasa may pinakamadilim na part siya. Papatalsikin na ba ako dito? Paparusahan ba ako? Sana naman hindi, ayoko na lumipat ng school lalo na't nandito si zilo.

Nasa cafeteria na ako at dumiretso sa store na bibilhan ko ng pagkain. Habang papunta ako nakita ko sa gitnang lamesa ang mga kagrupo namin na sila maddie. Kumpleto sila except samin ni zilo, pero bakit ganon makatitig sakin si devon? Parang mangangain ng tao ah. Baka naman ganon lang talaga siya tumingin 'no? Unang kita ko kasi sakanya tahimik lang talaga at laging naka-poker face. Tsk 'di bale na nga wala naman kong pake.

Matapos kong bumili ng mga pagkain namin ay agad akong bumalik sa hideout ng walang nakakahalata.

*End of Flashback*

"Zilo? Napikon ka ba kanina?" tanong ko dito pero tahimik lang siya at 'di sumagot

"Tsk sige ayaw mo ako pansinin ah. Ako na lang kakain nitong pagkain, ito pa naman yung paborito mo hays." sabi ko habang may halong pang-iinggit sa boses ko

Napalingon naman agad sakin si zilo na kanina parang walang gana kumain, ngayon kumikinang na mga mata niya matapos marinig iyon.

"Talaga? Seryoso ka ba dyan? Bumili ka ng paborito kong pagkain?" tanong nito habang hawak ang balikat ko at niyuyugyog pa ako

"Oo nga. Mukha ba akong nagbibiro? Ayan oh tignan mo dyan sa supot, tas maghain ka na." Pagtapos ko sabihin yun ay agad agad niyang binitawan balikat ko at pumunta sa may lamesa para maghain na.

Sabay kaming kumain ni zilo atsaka naghanda na rin para pumunta mamaya sa arena. May training pa mamaya dahil 'di pa natapos yung iba.

Sa susunod na araw na pala ang Eliminate Day, dahil every wednesday nagaganap yun. Bakit feel ko maraming mamamatay sa araw na yun? Since walang bawal sa araw na yun kahit ang pumatay ka?

Haha this is so interesting. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong school. Magagamit ko rin ang kakayahan ko sa ganitong paraan.

Matapos naming mag-ayos ni zilo ay pumunta na agad kami sa arena.

Sigawan ang umaalingawngaw sa buong arena, dahil magsisimula na rin ang training. Hindi ko kilala kung sino ang magttraining ngayon, pero mukhang ipapakilala naman nila.

"Clark Devon and Raven Dru, please proceed to the security and then to arena grounds. I repeat, please proceed to the security and then to arena grounds."

Huh? Bakit magkalaban ang kagrupo namin? Hindi ba dapat ibang kagrupo kalaban nila? Si clark tas si rav? Si rav na makulit tas si clark na seryoso? Bakit parang mali ang nangyayari? Kahit yung reaksyon ni zilo na katabi ko ngayon pati narin si maddie ay mahahalata mong gulat ito. Tinignan ko rin si rav halatang 'di makapaniwala ito na si clark kalaban niya, pero si clark nakapoker face parin.

"Maddie, bakit ganon? Anong nangyayari?" tanong ni zilo kay maddie habang nakatingin parin kila clark

"Hindi ko rin alam, King. Wala namang sinabi ang principal na mag-iiba ang rules sa training ngayon." mahinang sabi ni maddie habang nakatingin din kila clark

"Wala sa rules 'to diba? Bakit hindi natin sila pigilan? Kagrupo natin sila, hindi sila pwedeng maglaban." sabi ko sa dalawang katabi ko

Napalingon sila sa sinabi ko.

"Hindi pwede lalo na't mukhang ang head master ang may utos nun." sabi ni zilo

"Huh? 'Di ko maintindihan" nagtatakang sabi ko

"Caitlin, tignan mo yung room na nandun sa baba kung nasan ang principal at ang doktor. Yung nakaupo sa gitna, yung nakamaskara yun ang headmaster. Wala pang kahit sino ang nakakakita sa mukha ng headmaster kaya 'di naman kilala 'to. Tanging principal lang natin ang may alam." paliwanag sakin ni maddie

Tumango na lang ako, dahil mukhang 'di talaga namin mapipigilan yon lalo na't headmaster pala ang nag-utos.

Pero parang may mali... Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari, pero ramdam kong may maling nangyayari ngayon sa training.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sino ba nga ba ang headmaster namin?

Huxley Academy: School of Heirs with Special Abilities Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon