Chapter Two

803 38 1
                                    

"MARGA, pasensiya ka na talaga kay Kris, ha? Gano'n lang talaga magsalita 'yon, pero mabait naman 'yon," hinging-paumanhin ni Minde sa kanya.

Mula sa binabasa niyang lyrics ng kakantahin nina Owen sa music video ay umangat ang tingin niya kay Minde. Noon niya napansin na nasa likuran lang nito ang boyfriend. Hindi ba dapat ay si Owen ang humihingi ng pasensiya sa kanya dahil kaibigan nito ang Kris na 'yon?

Well, nagtaka ka pa. Alam mo namang spokesperson ni Owen 'yang kaibigan mo.

"Okay lang," sagot niya.

"Thank you, Marga" matipid at walang buhay na sabi ni Owen.

Tumango lang siya. Umalis na ang dalawa para mag-practice ng kanta.

Sina Owen, Kai, at Kris ang kakanta ng Japanese song sa gagawin nilang MV. Panay kasi ang absent nito sa Nihonggo class nito kaya naparusahan tuloy. Puwede naman itong humingi ng tulong mula sa ibang section, basta ito pa rin ang 70% na makikita at maririnig sa video.

Si Minde ang nakiusap sa kanila nina Cha at Darla para tulungan ang boyfriend nitong makapasa, kaya hindi na siya nakatanggi.

"Yo. Anong tawag sa kulay ng buhok mo?" tanong ni Kris na basta na lang umupo sa tabi niya. Hindi sinasadyang dumikit ang braso nito sa braso niya.

Umusod siya palayo rito. Bukod sa may naramdaman siyang kakaiba nang magdikit ang mga balat nila, nasamyo rin niya ang pabango nito. Ang bango ng lalaki. "Brown," tipid na sagot niya.

"Alam kong brown 'yan, pero anong shade?" parang iritadong tanong nito.

Hindi na siya kumibo. Pero hindi na rin siya makapag-concentrate sa ginagawa niya. He was so distracting.

"So, can you really help Owen pass his Nihongo class?"

Ang daldal!

"Your friends speak highly of you," pagpapatuloy ni Kris. "Ang sabi nila, magaling ka raw mag-video edit. But are you also good at directing? You know, editing videos and actually making videos are two different things."

Sinubukan niyang huwag pansinin ang tore na tumayo sa gilid niya dahil halata namang inaasar lang siya nito. Hindi siya bayolenteng tao, pero hindi rin siya mapagpatawad kaya may naisip siyang paraan para gumanti.

Nilingon niya si Kris. Napansin niyang may kapilyuhang naglalaro sa mga mata nito. "Kabisado mo na ba ang part na kakantahin mo?"

May pagtataka sa mukha nito pero sumagot pa rin ito. "Yes. Why?"

"Sing it."

"What?"

"Bakit? Iniisip mo bang idi-direct ko agad ang music video na 'to nang hindi ko pa kayo naririnig kumanta?" balik-tanong niya rito. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya kaya nagpatuloy siya. "Alam mo kasi, bukod sa pag-acting sa harap ng camera, ire-record ko rin ang boses niyo habang kumakanta kayo. Para makatipid tayo sa oras, mas mabuti nang alam niyo na ang kanta bago natin i-record."

Nanatili lang na nakatitig si Kris sa kanya. Nakakailang ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Tumayo na siya at tinawag sina Cha, Kai, Minde, Owen at Darla. Ipinaliwanag niya sa mga ito na gusto muna niyang ma-perfect ng bawat isa ang linyang kakantahin nito bago sila mag-proceed sa recording at paggawa ng video.

Gumawa sila ng bilog at isa-isa niyang pinakanta ang mga ito. Nauna si Owen, sumunod si Minde, pagkatapos ay si Kai.

"Owen, maganda ang boses mo pero hindi mo makuha ang beat. Bilisan mo pa ang pagkanta," naiiling na sabi niya. "Minde, nawawala ka sa tono." Dumako naman ang tingin niya kay Kai. "And Kai, ulitin mo 'yong line mo."

What Charmed Marga (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon