Lady Luan Academy
WALA sa sarili si Marga sa dami ng iniisip niya. Katatapos lang niyang gawin ang 500 pieces of personalized pins na in-order sa kanya ng kliyente niya kaya wala pa siyang tulog. Pero kinailangan pa rin niyang pumasok dahil pasahan ng compilation of formal themes para sa English subject nila.
Natigilan siya sa paglakad-takbo nang makitang nagkakagulo sa harap ng main building nila. Base sa ingay at hiyawan, mukhang may nag-aaway. Malala na talaga ang away ng mga delinquent sa school nila dahil kahit tirik pa ang araw ay may nagbabasag-ulo na.
Isang private school ang Lady Luan Academy kaya nadadaan ng mga magulang ng mga sira-ulong estudyante sa "donation" ang mga teacher at principal kaya walang takot ang mga 'yon.
Yakap-yakap niya ang folder kung saan nakaipit ang formal themes niya nang sa wakas ay makalusot na siya sa mga tao. Pero pagkalusot na pagkalusot niya ay may binata na paatras na sumalubong sa kanya. Mukhang itinulak ito ng kung sino.
Sa lakas ng banggaan nila ng lalaki ay napaupo siya sa kalsada. Mabuti na lang at naitukod niya ang mga palad niya. Nabitawan niya ang folder at nahulog iyon nang nakabukas. Akmang pupulutin na niya iyon nang may pulang likido na bigla na lang tumulo do'n.
Nanlaki ang mga mata niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa pinanggalingan ng dugo, nanginig ang laman niya sa labis na panggigigil. Si Kris iyon! Nakatukod ang mga kamay nito sa sa tuhod at dahil nakayuko ito, tumutulo ang dugo na umaagos sa ilong nito direkta sa formal theme niya!
"Kris!" galit na tawag niya rito.
Kunot-noong nilingon siya ni Kris. Sa kabila ng bugbog sa mukha nito ay nagawa pa nitong ngumiti. "Don't worry, Marga. Okay lang ako."
Ang kapal talaga ng mukha nito! "Wala akong pakialam sa 'yo 'no! Lumayo ka sa mga formal theme ko!"
Bumaba ang tingin nito sa pobre niyang formal themes. "Oops..."
Padaskol na pinulot niya ang folder. Imbes na dumeretso sa classroom ay lumihis siya ng daan papunta sa cafeteria. Kailangan niyang isulat ulit ang mga formal theme niya na napatakan ng dugo bago ang English class nila!
"Marga!"
Wala sana siyang balak na lingunin si Kris pero hinawakan siya nito sa braso kaya napilitan siyang lingunin ito. "Bitawan mo 'ko."
Binitawan naman siya nito. Hindi niya alam kung bakit pero parang nawala ang trace ng arrogance sa mukha ng lalaki. "I'm sorry, Marga. Hindi ko sinasadyang madumihan 'yang formal theme mo. Tutulungan kitang i-rewrite ang mga 'yan para maipasa mo."
Tinalikuran lang ni Marga si Kris, pero sinabayan pa rin siya nito ng lakad. "Kaya ko ang sarili ko, Kris. Makipagbasag-ulo ka na lang."
"Hey, it's not like I wanted to fight with Axel. He started it. Tinulungan ko lang 'yon pinsan kong si Key."
Iisa lang ang sikat na Axel sa school nila—ang siga na sanhi ng lahat ng kabayolentehan sa buong Lady Luan Academy. Hindi siya makapaniwalang associated si Kris sa mga gano'ng tao!
"Marga."
Hinarap ni Marga si Kris at binigyan ito ng malamig na tingin. "Stay away from me, Kris. Kung may away kayo ni Axel, ibig sabihin ay delikadong mapalapit sa 'yo. Ayokong madamay sa gulo mo."
Bago pa makasagot si Kris ay tinalikuran na niya ito. Ayaw niyang madamay sa kahit anong kaguluhan. Ed Margareth Barahan was a safe girl after all.
***
PASIMPLENG pinasadahan ni Marga ng tingin ang mga kasama niya sa classroom ng mga sandaling iyon. Naroon sina Kai, Owen, Minde, Cha at Darla pero wala ro'n si Kris.
BINABASA MO ANG
What Charmed Marga (Preview)
Novela JuvenilSafe Girl meets Troublemaker Boy. Marga was a safe girl. Kaya nang ligawan siya ng trouble-maker na si Kris, nakipag-compromise na lang siya dito. Sasagutin niya ito kung hindi na uli ito makikipag-away. Kaya nga ba ng resident bad boy ng school ang...