Chapter Nine

481 21 0
                                    

BUSY si Marga habang binabasa ang mga school leaflet na ipinamigay sa kanila no'ng dumayong university sa Lady Luan Academy kahapon habang nakayakap sa kanya si Kris mula sa likuran. Nakapatong ang baba nito sa balikat niya at nakapalibot ang mga braso sa katawan niya habang naglalaro ito sa phone nito.

Kasalukuyan silang nakasalampak sa sahig sa sala ng bahay nina Marga. Bumili ang mommy niya ng merienda kaya sila lang ni Kris ang nando'n ngayon. Sinasamantala ng boyfriend niya ang pagkakataon na mayakap siya nang gano'n dahil sa harap ng mommy niya, hindi ito makadikit sa kanya gaya ng ginagawa nito ngayon.

"Oppa, saang university mo ba talaga gustong mag-college?"

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Do'n ako papasok sa university na papasukan mo rin."

"Anong course?"

"Business Management din, tulad ng course mo."

Nilingon ni Marga si Kris. "Pero Kris, hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na second choice ko lang ang Business Management? Mag-e-exam pa rin ako para sa first choice ko sa ibang university."

Huminto si Kris sa paglalaro at tinitigan siya. "Marga, perfect choice na ang Business Management for you. May business ka na kaya mas okay kung tungkol do'n ang kukunin mong course sa college. Saka ayaw mo ba no'n, magkasama pa rin tayo?"

Natahimik si Marga. Gusto rin naman niyang magkasama sila ni Kris, pero hindi naman siya sigurado sa sarili niya kung gusto talaga niya ang Business Management.

Bukod kasi sa pagnenegosyo, gusto niya ring gumagawa ng feature articles at kumukuha ng pictures na may kuwento. Dahil sa mga hilig niya na 'yon, first choice niya ang Communication Arts. Hindi niya 'yon sinasabi kay Kris dahil mukhang wala naman itong interes doon.

Para kasi kay Kris, hindi na mahalaga dito kung ano ang kursong kukunin nito sa college dahil... well, wala itong pakialam sa ibang aspeto ng buhay nito maliban sa relasyon nila.

Dahil do'n, nag-aalala tuloy siya.

"Kris, what's your dream?" tanong ni Marga dito.

"Dream ko? Natupad na no'ng sinagot mo 'ko," nakangising sabi ni Kris. "Kaya ang life goal ko ngayon ay ang magpakasal tayo after college."

"After college agad?"

"Baby, mas okay kung maagang nagpapakasal ang isang couple," sabi ni Kris. "Kung maaga tayong magkakaanak, mas masasabayan natin sila sa paglaki nila. Kasi kung bata pa tayo, masasakyan pa natin ang mga trip ng mga anak natin. Sina Mommy at Daddy, nagpakasal agad after college. Pero matibay naman ang naging marriage nila."

Nang matapos sa pagsasalita si Marga ay sigurado siyang ang pula-pula na ng mukha niya sa sobrang hiya na naramdaman. Naiinis na siniko niya si Kris sa sikmura. "A-anong anak ang sinasabi mo d'yan? Ang advance mo naman yatang mag-isip, Mr. Chan!"

Natawa si Kris, saka hinigpitan ang yakap sa kanya. "That's part of building a family, baby."

Humarap si Marga kay Kris at kinurot ang mga pisngi ng binata. "You're very naughty, oppa! Isusumbong kita kay Mommy!"

Natawa lang uli si Kris, saka lumayo sa kanya at tumayo. Lumipat ito sa harap niya kaya ngayon, may mesa nang nakapagitan sa kanila. Nangalumbaba ito at nakangiti habang titig na titig sa kanya na parang may naiisip na kalokohan.

Ipinatong ni Marga ang mga braso sa mesa. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Nagkibit-balikat si Kris. "I just want to grow up really quick. Para mapakasalan na kita, Marga. I can't imagine my future without you."

"Hindi ba masyado pang maaga para isipin 'yan?"

Marahang umiling si Kris. "Law of attraction, baby. Kapag inisip, mangyayari 'yon. Kaya ngayon pa lang, iisipin ko na ng iisipin na tayo ang magkakatuluyan para marinig ng universe."

Ngumiti si Marga. Siyempre, nakakatuwang isipin na gusto ni Kris na sila na ang magkatuluyan dahil iyon din naman ang gusto niyang mangyari.

Pero kasi... may iba pa siyang plano sa buhay niya.


***

IN-OFF ni Marga ang phone niya nang makitang tumatawag na naman si Kris sa kanya. Malapit na kasing magsimula ang entrance exam kaya hindi puwede ang distraction.

Oo, kahit alam niyang magagalit si Kris, ipu-pursue pa rin niya ang first choice niya. Gusto naman niyang maging honest sa boyfriend niya, pero parati nitong hinihinto ang discussion kapag bini-bring up niya ang kagustuhan niyang kumuha ng ibang course.

Naniniwala kasi siya na hindi na niya kailangang mag-aral ng Business Management dahil okay naman siya sa pagpapatakbo ng maliit niyang business. Isa pa, may iba pa siyang gustong gawin sa buhay niya.

Hindi naman tama na i-give up niya 'yon para sa boyfriend niya. Sigurado kasing madidismaya ang mommy niya.

"Magagalit si Kris kapag nalaman niya 'to," nag-aalalang sabi ni Darla. "Dapat sinabi mo na sa kanya ang tungkol dito."

Kasama ni Marga si Darla dahil mag-e-exam sila sa parehong course. Gano'n din sina Cha at Minde pero sa ibang room naka-assign ang mga ito.

"Alam ko naman 'yon," sagot ni Marga. "Pero hindi naman puwedeng i-give up ko ang gusto kong course dahil lang gusto niyang magkasama kami hanggang college."

"Kailan mo sasabihin kay Kris 'to?"

"As soon as possible... I think," nag-aalangang sagot ni Marga. "Let's not talk about it right now, Darla. Focus na lang muna tayo sa exam, okay?"

What Charmed Marga (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon