MABILIS ang tibok ng puso ni Marga dala ng matinding excitement. Nakapila siya ngayon sa SM Cinema kung saan bumibili ng ticket para sa concert ng Kpop group na LEADers dito sa Pilipinas isang buwan mula ngayon. Kasama niya ro'n sina Cha, Minde at ang magkapatid na Darla at Darlette. Lahat kasi sila ay "FOLLOWers"–ang tawag sa fandom ng LEADers.
Pero may pilit na umaagaw sa atensiyon niya ng mga sandaling iyon. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa nang mag-ring iyon. Nag-text na naman si Kris at hindi na siya nagulat sa nabasa niya dahil ilang araw na siyang pinapadalhan nito ng gano'ng mensahe.
"Marga, I love you."
Napangiti si Marga. Sinabihan na rin siya ng mga manliligaw niya noon ng "I love you" pero ngayon lang siya kinilig. Kay Kris lang.
"Uuy, si Ate Marga, kinikilig," tukso ni Darlette sa kanya na nakikibasa pala sa text niya.
Binulsa niya uli ang phone. "Ikaw talaga, Darlette, ang tsismosa mo."
Yumakap ito sa braso niya at naglambing. "Alam naman naming lahat na nililigawan ka ni Kris, eh."
"Araw-araw kayang nakabuntot si Kris sa 'yo sa academy," segunda naman ni Darla.
"Parati pang may dala na kung ano-ano katulad ng chocolate at flowers," dagdag ni Minde.
"Ang sabi pa ni Kai, binasted na raw ni Kris lahat ng babaeng nanliligaw sa kanya," sabi pa ni Cha.
"May pag-asa ba si Kris, Ate Marga?" parang kinikilig na tanong ni Darlette. "I already like him for you, eh."
Kumunot ang noo niya. "Hindi mo pa nga nakikita si Kris, gusto mo na agad para sa 'kin?"
Tumango si Darlette. "Noon kasi, isang taas pa lang ng kilay mo, umaatras na ang mga manliligaw mo. Pero sa mga kuwento ni Ate Darla sa 'kin, ang dami mo nang nagawang kasamaan kay Kris pero hindi siya natinag."
Bumuntong-hininga siya. "Kung hindi lang kita mahal, sinabunutan na kita, Darlette."
Bumungisngis si Darlette. "But you love me!"
Napangiti siya. Nag-iisang anak lang siya kaya naman itinuring na niya si Darlette bilang tunay na kapatid. Kung minsan nga, parang anak ang tingin niya rito. Siyempre, gano'n din sina Cha, Minde, at Darla.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Marga nang mag-ingay ang cell phone niya. Si Kris ang tumatawag. "O?"
"Hi, Marga," bati ni Kris sa kanya. "Na-receive mo ba 'yong mga text ko?"
"Oo. Bakit?"
"I said I love you," parang naiinip na sabi nito. "So, anong sagot mo?"
Pinutol niya ang tawag. Hindi niya akalaing kahit sa tawag lang sinabi ni Kris ang mga salitang "I love you" ay kikiligin pa rin siya nang sobra. Paano pa kaya kung personal na?
***
ABALA si Marga sa harap ng laptop computer niya. Ine-edit niya ang mukha ng bias niyang si Seung-hyun sa grupong LEADers sa T-shirt na ginagawa niya. Sa isang linggo na kasi ang concert ng nasabing grupo kaya hinahanda na niya ang mga gagamitin niya.
"Marga, hindi pa ba tapos ang break time?"
Nalingunan niya ang nakasimangot na si Kris. Nakaupo ito sa tabi niya habang nakatitig sa laptop niya. "Ha?"
Pabirong binunggo siya nito. "Mag-shooting na uli tayo."
Nilingon niya ang mga kasamahan nila na nagsisikain pa. Naroon sila sa bahay nina Owen, sa may treehouse, dahil iyon ang napili nilang shooting site para sa music video. "Kris, kumakain pa ang mga kasama natin."
"Hindi ka naman kumakain," nakalabing katuwiran nito. "Pinagkakaabalahan mo lang 'yang paggawa sa mukha ng kung sinong Poncio Pilato na kakulay pa ng buhok mo."
Napangiti siya at muling binalingan ang mukha ni Seung-hyun sa screen ng laptop niya. "Ang cute ni Seung-hyun oppa, 'no?" Hinawakan niya ang kanyang buhok."Nagpakulay ako ng buhok para bagay kami. Pero blonde na siya ngayon."
"Oppa?" kunot-noong tanong ni Kris.
"In Korea, it's a term used by younger girls to address boys older than them, and it could also use an endearment."
"Then you should call me 'oppa', too. Mas matanda ako sa 'yo ng five months at boyfriend mo ako."
Siniko niya ito sa sikmura na ikinasinghap nito. "Hindi pa kita sinasagot, Kris."
Ngumisi si Kris nang nakakaloko. "Practice lang." Itinaas nito ang magkapatong na styrofoam na hawak nito. "Kain na tayo."
Bumuntong-hininga si Marga. Hindi na rin makapag-concentrate ang dalaga dahil sa kakulitan ni Kris kaya itinigil na niya ang ginagawa. Binuksan ni Kris ang styro at inabutan siya ng kutsara't tinidor. Ipinagsalin pa siya nito ng juice sa baso. Asikasong-asikaso talaga siya nito.
"Marga, let's go out on a date," malambing na aya ni Kris sa kanya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na inaya siya nito.
Dinukot niya ang phone sa bulsa nang mag-vibrate iyon. Text 'yon galing sa mga co-FOLLOWers niya. "Busy ako next week, Kris."
Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang text sa kanya.
Girl, may pa-contest ang organizer ng concert ng LEADers para sa mga FOLLOWers! Magkakaroon ng pass for meet and greet backstage ang winner. Check mo sa FB mo ang details!
Muli niyang binuksan ang laptop niya. Nag-log in agad siya sa social media account niya at dumeresto sa LEADers' official fanpage. Binasa niya ang mechanics sa game.
"Marga, mag-date naman tayo," patuloy na pangungulit ni Kris sa kanya.
Iwinasiwas niya ang kamay niya para matahimik na ito. "Oo na, oo na."
BINABASA MO ANG
What Charmed Marga (Preview)
Teen FictionSafe Girl meets Troublemaker Boy. Marga was a safe girl. Kaya nang ligawan siya ng trouble-maker na si Kris, nakipag-compromise na lang siya dito. Sasagutin niya ito kung hindi na uli ito makikipag-away. Kaya nga ba ng resident bad boy ng school ang...