Chapter Five

514 25 0
                                    

NAKATULALA si Marga habang pinapanood nang malapitan ang performance ng paborito niyang Kpop group na LEADers. Pero hindi gaya ng mga nagwawalang fans na pumuno sa Mall of Asia Arena, hayun siya at tahimik lang. Ni hindi niya maigalaw ang lightstick niya. Hindi kasi niya maalis sa isip si Kris.

Umoo kasi siya rito nang yayain siya nitong makipag-date. Aaminin niyang hindi niya pinagtuunan ng pansin ang sinabi ng binata kaya nakalimutan niyang iyon din ang araw na manonood siya ng concert. Naalala lang niya ang date nila bago magsimula ang concert kanina. Tinext niya naman si Kris at sinabing hindi siya makakapunta. "Okay" na may smiley sa dulo ang reply nito kaya naisip niyang hindi ito galit. Pero ang bigat pa rin ng dibdib niya na parang may nagawa siyang malaking pagkakamali.

"Ate Marga, si Seung-hyun oppa, o!" malakas na sigaw ni Darlette sa tainga niya habang sinisiko siya. Ito kasi ang katabi niya sa upuan.

No'n lang dumako sa stage ang diwa niya. Kumakanta at sumasayaw na pala si Seung-hyun sa mismong harap niya. Nasa lowerbox silang magkakaibigan–ang VIP section ng concert hall kaya gano'n sila kalapit sa LEADers. May kamahalan ang ticket pero sulit naman.

Nagtama ang mga mata nila ni Seung-hyun. Kahit makukulay ang ilaw sa paligid at malakas ang sigawan ng mga tao, alam niyang direkta itong nakatingin sa kanya. And then he smiled at her. Pero dahil nag-aalala siya kay Kris, hindi niya nagawang ngumiti pabalik. Nakita niyang dumaan ang pagtataka sa mukha ni Seung-hyun, pero lumipat din ito sa kabilang panig ng stage.

Ed Margareth Barahan, ang tagal mong hinintay ang concert na 'to. Bakit ngayon, hindi mo ma-enjoy, kastigo niya sa sarili.

Muling bumalik sa harap niya si Seung-hyun. Hindi niya alam kung gumagana lang ang imagination niya bilang fangirl nito pero napansin niyang direkta na naman itong nakatingin sa kanya. Ngumiti uli ito. Pero gaya kanina, nanatili lang siyang walang reaksyon at hindi maigalaw ang lightstick. Hindi niya alam kung nasaan na ang Marga na baliw na baliw kay Seung-hyun.

And then suddenly, Seung-hyun's face changed into Kris'. Do'n niya lang na-realize na wala sa stage na iyon ang hinahanap ng puso niya.


***

"HEY."

NAPATINGALA si Marga sa lalaking nagsalita. Merong lalaking matangkad at guwapo (in a broody way) na nakatingin kay Darla. Kilala niya ito–si Key Salmante, isa pang siga sa kanila.

"My girlfriend broke up with me because of you," paninisi ni Key kay Darla sa walang emosyong boses. "'Care to replace her?"

Tumayo si Darla. Akala niya ay sasampalin nito ang aroganteng lalaki, kaya nagulat siya nang kumapit ang kaibigan sa braso ng estranghero. "Okay. Girlfriend mo na 'ko simula ngayon."

Nalaglag ang panga ni Marga habang pinapanood si Darla na nakaabistre sa lalaki habang palabas ng canteen. Hindi siya makapaniwalang 'yong good girl niyang kaibigan eh ma-fo-fall sa isang bad boy.

"Na-in love na talaga si Darla kay Key," naiiling na sabi ni Cha.

"Hindi ba natin siya pipigilan?" nag-aalalang tanong niya. "I think that guy is a bad influence to Darla."

Tinapik siya ni Minde sa balikat. "Don't worry, Marga. Si Darla pa rin iyon. Alam niya ang ginagawa niya."

"Dapat lang. Kapag may ginawa ang Key na 'yon kay Darla, lagot talaga siya sa 'kin."

"Ano na naman ang ginawa ni Key?"

"Masamang impluwensiya siya kay Dar—" Natigilan si Marga nang makilala ang boses na iyon. Nang tumingala siya ay sumalubong sa kanya si Kris. Kumunot ang kanyang noo. "Anong ginawa mo sa buhok mo, Kris?"

Ngumiti si Kris at umupo sa tabi niya. Sinuklay nito ng mga daliri ang buhok nito na kulay blonde na. "Bagay ba?"

Oo naman! Kakulay pa 'yon ng buhok ni Seung-hyun. "Bakit nagpakulay ka ng buhok?"

Nagkibit-balikat ito. "Trip lang." Nilingon nito sina Cha at Minde. "Bagay ba?"

"Mukha kang tanga," sabay na sagot nina Kai at Owen na noon lang niya napansin na nasa tabi pala nina Cha at Minde. Kasabay marahil ni Kris dumating ang dalawang binata.

"Inggit lang kayo," angil ni Kris sa mga ito.

Habang nakikipagbangayan si Kris kina Kai at Owen, hindi niya maiwasang magtaka dahil parang walang nagbago sa makulit na disposisyon nito. Matapos niya itong hindi siputin sa date nila noong isang gabi, inaasahan niyang magagalit ito sa kanya.

"Magaling na ba ang kamay mo, Kris? Wala nang benda, eh," biglang sabi ni Kai.

Kunot-noong nilingon niya si Kai. "Bakit, Kai? Anong nangyari sa kamay ni Kris?"

"Napaso habang nagluluto siya ng dinner niyo no'ng isang ga—aray!" hiyaw ni Kai. Umalog ang mesa kaya malamang ay sinipa ito sa binti ni Kris.

Tinakpan ni Cha ang bibig ni Kai. "We need to go. Pasensiya na sa abala."

Nagpaalam na rin sina Minde at Owen. Nang mapag-isa sila ay hinarap niya si Kris. Hindi ito makatingin nang deretso sa kanya.

"Totoo ba 'yon, Kris?" tanong niya rito.

Napakamot ito ng ulo. "Yeah. Sinubukan kong magluto para sana sa date natin pero palpak naman, eh. Kaya mabuti na rin na hindi natuloy 'yon. Baka tuluyan mo na 'kong bastedin kung natikman mo 'yong luto ko."

May mabigat na bagay na namang dumagan sa dibdib niya. "Bakit ba kasi ako pa ang nagustuhan mo, Kris?"

Noon siya hinarap ni Kris. "Ikaw, Marga? Bakit hindi mo 'ko magustuhan?"

Napayuko siya. "Because you're dangerous. Parati kong nababalitaan na napapaaway ka sa kung sino-sino. I'm a safe girl, Kris. Ayoko ng gulo. I want a normal relationship."

Matagal bago muling nagsalita si Kris. "'Yon lang ba?"

Nag-angat siya ng tingin dito. Maaliwalas na ang mukha nito. "Ha?"

Nangislap ang mga mata nito. "Kung ipapangako kong hinding-hindi na uli ako makikipagbasag-ulo, sasagutin mo na ko?"

May kung anong nagwala sa tiyan niya. Kris' straightforwardness never failed to amuse her. "Magagawa mo ba 'yon?"

Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "Magiging mabait akong boyfriend sa 'yo, Marga," malambing na sabi nito. At sa kanyang pagkagulat, pinagdikit nito ang mga noo nila. "Wo ai ni."

Alam niyang 'I love you' 'yon sa Mandarin. Gaya ng gabing nanood siya ng concert, nawalan siya ng imik. Ang hindi alam ni Kris, natunaw na ang puso niya at ang mga paru-paro sa tiyan niya. Her system was overheated because of his charm.

What Charmed Marga (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon