CHAPTER 1

37.8K 477 40
                                    



JULIO

NAPALITAN na ng tubig ang kanila lang ay tumatagaktak na pawis sa buong katawan ni Julio. Ang kanina lang na naglalabang amoy ng pagod at pabango ay inalis na ng sabon na unti-unti na ring nababawasan ng halimuyak. Malinis na ulit siya.

Kinuha ni Julio ang twalya niya at pinunasan ang katawan. Iniwan ang ilan pang lalaking kung hindi naka-brief ay walang suot habang naliligo. Kung dati ay may mga pasulyap pa siya sa mga itong may kasamang kakaibang ngiti, ngayon, wala na. Sanay na siya sa mga kalaro. Alam na niya kung sino ang worth it tingnan, kung sino ang dapat nang hayaan.

Matapos magpunas, itinapis niya ang twalya at tinanggal ang brief na suot niya. Kung noon ay isa siya sa mga proud na magpakita ng kanyang pagkalalaki, ngayon, may nagbabawal na sa kanyang ilantad ang kanyang kabuuan. Si Matt.

Si Matt ang lalaking kung nagmadali si Julio ay malalaman niyang ilang sandali nang tumatawag sa kanya. Nang matuyo ang sarili, nagsuot ng bagong brief si Julio at saka lang itningnan ang telepono. Nagri-ring. Kapag ibinaba niya ito, makikita niyang higit sa pang-isandaang miscall na ang hindi niya nasagot.

"Sorry, Daddy, katatapos ko lang maligo," sagot ni Julio. "Dad, panalo kami. Champion kami ni Aljur."

"Nasa parking ako, punta ka na dito," payapang sagot ni Matt. Walang bahid nang paghihintay. Wala ring kasamang pagkatuwa sa balita ni Julio.

"Ha?" gulat ni Julio. Hindi niya alintana ang kawalan ng emosyon ng sagot ng kausap. Pero masaya siya sa narinig. "Sabado ngayon di'ba?"

"Oo. Bilisan mo nang magbihis."

"Okay Dad."

Ibinaba ni Julio ang telepono. Malaki ang kanyang ngiting sinimulan ang pag-aayos sa sarili. Hindi na niya narinig ang huling bilin ni Matt. "Wait, huwag kang maghikaw."

Shorts. Sando. Medyas. Rubber shoes. Tapos ay tumingin sa salamin. Tiniyak na malinis siya at kaaya-aya para kay Matt. Inayos ang buhok, pinahid ang kilay tapos ay inayos ang hikaw na hindi niya narinig na ayaw makita ng kikitain.

"Pogi ka na," sabi ni Aljur na naghagis ng raketa sa kanya. "Badminton mo, huwag mong iwan."

Muntik na niyang makalimutan. Ganito siya. kapag napangiti na ng presensya ni Matt. Makakalimutan na ang lahat. Pagkasalo ng raketa, isinabit niya ito sa balikat kasama ang bag.

"Thanks Bruh," sabi ni Julio.

"Daddy?" usisa ni Aljur.

"Yup," may kilig na tugon ni Julio

"Sabado di'ba?" pagtataka ni Aljur.

"Oo nga eh. Baka kailanganin kong maging extra."

SA labas ng stadium, may iilang kotse na lang ang nakaparada. May kataasan na ang buwan, na sa ilang sandali na lang ay magiging malaki na at madilaw. Yung pang-horror movie. Pero romantic ito ngayong gabi. Sabado kasi at magkikita sina Julio at Matt. Hindi ito ang kanilang araw.

Sa pulu-pulong kotse sa parking lot, nakita ni Julio ang itim na Montero. Kabisado niya ang lahat ng sasakyan ni Matt. Ito ang kanyang pinaka-paborito. Nagmadali siya papunta sa side ni Matt. Kinatok. Bumaba ang bintana. Nakakapit pa si Matt sa manibela nang lingunin siya.

"Hi daddy," bati ni Julio.

"Pasok ka na," matapang ang mukha ni Matt, ngunit maamo ang kanyang ngiti. Ang labi niyang binabagayan ng kanyang tumutubo nang bigote at balbas. Tumutubo na rin ang kanyang patilyang sinasalubong ng buhok na hinahaluaan na ng mangilan-ngilang kaputian. Bagay rin ang itim nitong bomber jacket na suot. Tinatakpan ang polo halos sumilip na ang dibdib at ang mga buhok dito. Gwapo si Matt, mula ulo hanggang buong pagkatao, kaya't kahit sando at shorts lang ang suot ni Julio, hindi niya mapigilang mag-init. Hindi niya napigilang dumukwang at magnakaw ng mabilis na halik.

AS IF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon