JULIO
PAWISAN na si Julio pero nanatili siyang naka-abang, magkahiwalay ang binti at alerto sa mga susunod na mangyayari. Maiksi ang soot niyang shorts na tinernuhan ng maluwag na sandong lumalabas ang mga cuts ng dib-dib niya kapag gumagalaw. Mataas ang medyas niya na tumatakip sa kanyang well develop calves. His legs looked strong that led to his firm buttocks.
Napansin iyon ni Number 27 nang tumalikod si Julio sa net at tiningnan ang lima pa niyang kakampi para sumenyas ng diskarte. Kailangan na nilang tapusin ang laban, pagod na siya. Pagtalikod ni Julio, nakita niya ang mga mata ni 27 na sumalubong agad sa kanyang tingin, napangiti, napakagat labi. Hindi nagustuhan ni Julio ang inasta ni 27.
Pagkaserve ng bola mula sa kalabang grupo, nasalo ng kanilang team, muling naipasa sa kabila. Mahina ang bigay, kaya't nakuha ng team nina Julio, pinaglaruan, hanggang sa ma-toss papunta kay Julio. Si Julio ang spiker ng team, isang matangkad na pader, at mula sa mga palad ni Julio, ang sumunod na balat na dinampianng bola ay ang pisngi ni 27. Point para sa team nina Julio.
"Sorry," senyas ni Julio sa lalaking umalis upang mapalitan.
Tumuloy ang laro. Hanggang sa matapos. Panalo ang team nina Julio. Pumunta sa bench si Julio kung saan nanonood sina Vanessa at Aljur. Ang dalawang bestfriends niya, audience sa friendly game ng volleyball.
"Ano 'yon?" tanong ni Vanessa. "Bakit ka nananadya?"
"Bastos niya eh," sagot ni Julio.
"Kailan ka pa nagalit sa nambabastos sa iyo?" Tanong naman ni Aljur.
"Okay lang naman magpabastos kung alam kung itutuloy niya," sabi ni Julio. "Eh wala namang maaasahan diyan. Basic bastos lang mga yan."
Nakita nilang nag-apiran ang kabilang grupo. May ilan kasi sa kanila ang mukhang nagpapaalam na. May tatlong naiwan na mukhang maliligo pa. isa dito ang lalaking tinamaan sa mukha ng bola.
"Mga straight ba yan?" tanong ni Vanessa.
""Volleyball ito," sagot ni Aljur. "Walang straight na nagba-volleyball."
"Straight yang mga yan," sabi ni Julio. "Nagpa-survey na ako kanina. Mga dating players ng UAAP. Sila raw yung mga straight na nagtuloy ng hobby nila."
"Ay ang daming paliwanag," sabi ni Aljur. "Parang magkaka-future sa buhay mo ah."
"Huwag ka namang magdilang anghel," sabi ni Vanessa. "Or okay lang. para maka-move on na ito. Isang buwan na itong virgin."
"Tigilan na ninyo ha," sabi ni Julio. "Wala ako sa mood ngayon."
"Sa amin ipapasa ang pagkawala sa mood?" tabi ni Aljur.
"Girl, kaya ka nag-sports ulit di'ba? Para maibuhos mo ang aggression mo sa ibang bagay. Tapos hahanap ka ngayon ng sasaktan?" sabi ni Vanessa. "At idadamay pa kami. Well, at least, salita lang ang sa atin, hindi bola. Pak!"
"Girl, hindi pa masakit yun," sabi ni Julio. "Try niya kayang iwan ng jowa of four years. Tinamaan lang siya ng bola sa mukha. At kasalanan rin niya dahil tatanga-tanga siya."
"Tatang-tanga ka rin naman kaya ka nasaktan," sabi ni Aljur.
"E di it's a tie," sagot ni Julio.
"Hindi tie yun," sabi ni Vanessa. "Hindi dahil nasaktan ka, eh mananakit ka na rin. Masama iyon."
"Fine," sabi ni Julio. 'Magso-sorry na ako."
"Sorry lang?" tawang sagot ni Aljur.
"Kailangan ko pa bang isubo ang titi niya para may mic?" tanong ni Julio.
BINABASA MO ANG
AS IF US
RomanceWhile they say that love has no boundaries, love is a journey that's full of stops and starts, endings and beginnings. At ang mga simula at pagtatapos na ito ay masasabing mas bumilis kasabay ng takbo ng teknolohiya. Isang click, may love na. Isang...