"OPPA?!" sabi ni Julio.
Nakapark ang kotse ni Sandino sa labas ng isang condominium. Isang lalaking mukhang Koreano ang lumabas. Tulad ng sinabi, naka-shorts at sando na lang ito. May cap. Pero kahit gabi na, at natatakpan ng anino ng sombrero ay kita pa rin ang pagkatulis ng mga mata nito. Matulis ngunit bilugan.
Napababa ang tingin ni Julio sa katawan. Hindi ito as muscular as them pero mapintog ang mga tamang lugar. At ang tambok ng puwit. Napataas ang kilay ni Julio. Napansin ito ni Sandino.
"I like yours better," sabi ni Sandino. "Mas mababa ang squats mo kaya mas firm yang sa'yo."
"Sa pwet talaga nagkakatalo?" tabi ni Julio.
"Panalo ka na naman sa akin," sabi ni Sandino.
Nakangiti pa si Julio ng bumukas ang bintana sa side niya napalingon siya sa lalaki sa labas. Nakangiti ito, sobrang cute, nawala ang mga mata sa pagkakangiti.
Tumango si Sandino. Alam na ng lalaki ang gagawin. Binuksan ang pinto sa likod at sumakay.
"Ako na sa likod ngayon," sabi ni Carl. "Hanggang kailan ka ba diyan sa harap?"
Nawala ang ngiti ni Julio. Natawa naman si Sandino na agad pinaandar ang makina.
"Joke lang ha," sabi ni Carl. "I wish you well. Wala naman akong planong manira ng relasyon. Fun lang to di'ba?"
Walang imik ang dalawa. Nawala ang gana ni Julio. Nakangiti pa rin si Sandino.
"Gwapo rin nga si Matt, Trig," sabi ni Carl. "May taste ka."
Napatingin si Julio kay Sandino. Anong mga pangalan iyon.
"Of course, hindi rin iyon ang pangalan niya," sabi ni Carl. "Pero syempre discretion ninyo kung sasabihin ninyo. Okay naman ako na maging consistent ninyo ka-threesome. Siguro naman aprubado ang itsura ko sa inyo. Akala ko kasi dati, ayaw sa akin ni Trigger. Nag-expect kaya ako ng sex nun."
"Trigger, bilisan mo na magdrive," bulong ni Julio nang mapansing tumitingin na sa labas si Carl. "Gusto ko nang subuan ng titi ang bunganga nito. Ang daldal."
"Pero kung ayaw naman ninyo," sabi ni Carl na hindi narinig ang sinasabi ni Julio. "Ako na una mong tawagan ulit kapaghindi ulit kayo okay. Or kung bumalik na yung ex niya talaga sa buhay niya. Naku kapag nagkatikiman tayo, hahanap-hanapin ninyo ako."
"Baba," sabi ni Julio. "Hinto mo ang sasakyan, Di. At ikaw, baba."
Natigil ang pagsasalita ni Carl at tumingin kay Sandino. Nagkatitigan sila sa salamin. Huminto ang sasakyan.
"Your heard him," sabi ni Sandino.
Huminga nang malalim si Carl. Lumabas at padabog na isinara ang pinto.
KUMAGAT si Sandino ng burger. Mainit pa. Hindi na niya hinintay ang pag-abot kay Julio ng burger nito. Nakaupo sila sa maliit na bilog na upuan sa isang burger shop sa gilid ng gasolinahan. Wala silang kasama doon kundi ang gumagawa ng burger sa harapan nila.
"Drinks po?" tanong ng babaeng nag-aattend sa kanila. Medyo kayumanggi siya at mukhang haggard na sa pagta-trabaho sa ganitong oras.
"Hot chocolate," sabi ni Sandino.
"Kayo po," tanong ng ate kay Julio.
"Rootbeer," sagot ni Julio.
"Hindi po malamig," sagot ng tindera.
"Ano ba yan?" Sabi ni Julio. "Magsara na kayo."
"Grabe naman si Kuya," sabi ni ate. "Kayo nga mainit rin ang ulo, hindi ko naman kayo pinagsasara."
BINABASA MO ANG
AS IF US
RomanceWhile they say that love has no boundaries, love is a journey that's full of stops and starts, endings and beginnings. At ang mga simula at pagtatapos na ito ay masasabing mas bumilis kasabay ng takbo ng teknolohiya. Isang click, may love na. Isang...