NAUNANG umuwi si Julio sa bahay. Mayroon na naman siyang susi sa unit. Naka-register na rin ang pangalan niya bilang bagong residente sa ilallim ng pangalan ni Sandino. Ngayon lang niya nakita ang ganda ng buong bahay. Papasa itong feature ng isang interior design blog.
Pumasok siya sa kwarto at humiga sa kama. Hindi siya nagpalit ng damit. Hindi siyanag-ayos. Ibinagsak lang niya ang katawan sa kama. Kinapa ang lambot nito. Minsan, hindi malalaman kung bakit mahal ang isang bagay. Mararamdaman mo lang ang dahilan. Ganun ang kamang hinihigaan niya. Mahal.
Pero ganoon din kaya ang nararamdaman niya kay Sandino. Mahal na ba niya dahil ngayong wala ito sa tabi niya, walang kwenta ang lahat ng ganda sa bahay na ito.
NAKAHIGA pa rin si Julio sa kama nang dumating si Sandino. Maayos ito. Nakangiti. Mukhang galing sa isang masayang ganap.
"Di ka nagtext na nakauwi ka na," sabi ni Sandino.
"Oo, naghintay ka ba?" tanong ni Julio na walang pagkasarkastiko. "Ayoko namang isipin mong ginugulo kita porke nasa date ka."
"Well, it wasn't a date, date," sabi ni Sandino. "Nakipagkita lang naman ako. He was interesting when we were chatting. We didn't even talk about sex. Nagko-crossfit din siya."
"Alam mo, gusto ko ring mag-crossfit," sabi ni Julio. "Makaranas naman ako ng ibang sports."
"Sawa ka na ba sa volleyball?" tanong ni Sandino. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa badminton?"
Nakakahalata na si Julio sa ilang ulit na pagmbanggit ni Sandino ng badminton sa kanilang mga usapan. Ngunit hindi niya ito pinahalata. Ayaw rin niyang malaman ang katotohanan. Pwede rin naman kasing, ito ang guilt niya. Ang raketang binigay ni Matt. Tinaggap niya. Sinundan pa ng grip. Tinanggap din niya. We hear the words that we don't want to hear because we specifically wait for those words to be uttered. At ngayon, ang salitang iyon ay badminton.
"Maliligo lang ako," sabi ni Sandino nang hindi nakasagot si Julio sa haba ng kanyang processing moment. "Gusto mong sumabay?"
"Oo naman," ngumiti si Julio at bumangon na sa kama. Tinulungan niyang maghubad si Sandino at nang wala na ang t-shirt, nang nakalabas na ang lahat ng umbok sa mga tamang lugar, napangiti nang mas Malaki si Julio at hinalikan muli ang mga labi ni Sandino.
"Hindi pa yan nabawasan since you squeezed it all out kanina," sabi ni Sandino.
"Huwag kang mag-alala," sabi ni Julio. "Hindi ko iche-check. Hindi ko itatanong kung siya ba ay tighter."
"Ha. Ha. Ha. Funny mo," sabi ni Sandino na naalala nung tinanong niya si Julio ng 'bigger?" the last the na nagkita sila ni Matt.
Tinuloy lang ni Julio ang paghalik. Gumanti rin si Sandino. Pero magaan lang ang mga halik nila at walang rubdob. Umatras si Julio at tumingin sa mga mata ni Sandino.
"Pwede na ba kitang mahalin?" tanong ni Julio.
"Lagi naman akong pwedeng mahalin," sagot ni Sandino. "Ang tanong ay kaya mo na bang magmahal?"
"Gusto mo ba ng free trial?"
Si Sandino naman ang humalik kay Julio.
BADMINTON at grip ang laman ng paper bag sa gilid ng upuan ni Julio habang naghihintay siya sa isang coffeeshop sa mall.
"This seat taken?" tanong ng isang lalaking may magandang ngiti kay Julio.
Ngumiti si Julio. "Yes."
Lumayo ang lalaki. May mga sumunod pang nagtanong. Ang kisig naman kasing tingnan ni Julio. Dumagdag pa ang simple pero saktong-sakto ang pagka-fit na t-shirt at maiksing shorts, yung mga five inches above the knee.
BINABASA MO ANG
AS IF US
RomanceWhile they say that love has no boundaries, love is a journey that's full of stops and starts, endings and beginnings. At ang mga simula at pagtatapos na ito ay masasabing mas bumilis kasabay ng takbo ng teknolohiya. Isang click, may love na. Isang...