CHAPTER 44

3.2K 68 48
                                    

"YAN ba ang walang nangyari?" hawak ni Julio ang cellphone at ipinapakita kina Aljur at Drew. Sarado na ang coffeeshop at silang tatlo na lang ang tao sa loob, maliban sa mga staff na naglilinis.

"Thank you last night. Sayang wala ka. Kami lang tuloy ang nag-enjoy." Binasa ni Drew ang message ni Nathan sa app na hindi pa rin binubura ni Julio sa kanyang telepono.

"Ang nakakainis pa," sabi ni Julio. "Hindi man lang siya nagbakel sa pagkukuwento. Parang totoong-too ang mga sinasabi niya."

"Anong nakakainis dun?" sabi ni Aljur. "Baka naman kasi totoo."

"Hindi eh," sabi ni Julio. "Kung kaya niya palang magsinungaling nang ganoon, paano ko malalaman kung totoo pa ang mga sinasabi niya dati?"

"Ayaw mo na lang bang magtiwala na totoo ang mga sinasabi niya dati?" tanong ni Aljur.

"You're just becoming a fan of Sandino, Jur," sabi ni Drew. "I get Julio. di'ba ikaw ang nagsabi sa kanya na maging maingat na. kasi naloko na nga siya ni Matt. naitago na may asawa nap ala siya at naging kabit. Julio is just being careful."

"Hindi na nga eh," sabi ni Julio. "Mahal ko na si Sandino. Pinili ko na siya. Bakit ba kasi laging huli ko na nalamaman ang mga panloloko? Bakit kailangang mahulog na muna ako nang ganito?"

"Anong plano mo?" tanong ni Aljur.


"HIWALAY na ba kayo ni Daddy, Kuya?" tanong ni Nathan. Nakashorts lang si Nathan at T-shirt, at ang buhok, natatakpan ng cap. May hubog na rin ang katawan, ngunit makikita pa rin ang kabataan. Maganda ang ngiti niya na hindi alam ni Julio kung maiinis siya o matutuwa.

Napatingin na lang si Julio sa labas ng coffeeshop habang nasa harap niya si Julio. Nanood mula sa bar si Aljur. Sa likod naman niya, nagkakape rin at nakikinig sina Vanessa at Rose.

"Hindi," sabi ni Julio na may kakaibang ngiti. "Gusto ko lang i-surprise si Dino. Hindi ako nakarating sa threesome natin. Gusto kong ituloy."

"Uy nainggit siya sa amin," sabi ni Nathan. "Huwag kang mag-alala kuya, hindi ko masyado ginalingan. Ayoko namang masira kayo. Tapos na kami. Gusto ko lang ulit siyang matikman talaga. Sara niya di'ba?"

Ngumiti lang si Julio. Hindi naman pala gustong makipagbalikan nitong si Nathan. Hindi tulad nang sinabi ni Sandino.

"Alam mo bang kami ang makakasex mo sa threesome," sabi ni Julio.

"Nagsend ka kaya ng picture," sabi ni Julio. "Atsaka ang totoo niyan, sikat kayo sa alter. Pinagku-kwentuhan doon yung threesome kasama yung isang top at isang versa. Pero ayaw magpa-video. Picture nyo lang. E nakita ko si Dad... si Dino. Kaya hinanap ko kayo."

Totoo pa rin. Hinanap niya nga kami.

"So paano ba kayo nagsimula?" tanong ni Julio.

"Nagsimula?" kumunot ang noo ni Nathan. "Paano kami nagkakilala?"

"Ay hindi na from the start," sabi ni Julio. "Paano kayo nagsex sa hotel nung hindi ako dumating?"

"Ano? Lights on o lights off ba?" natawa si Nathan. "Akala ko si Kuya Yul ka, si Tito Boy ka pala."

"Kwento mon a lang," sabi ni Julio na medyo nagsisimula nang mapikon. "Mula doon sa pagpasok ng pinto."

"Si Kuya nagmamadali, sige na nga," sabi ni Nathan. "Nakatayo lang ako, dala ko pa ang bag ko at kinakabahan sa tapat ng pinto. Tapos narinig kong bumukas yung isang pinto, tapos isa pa bumukas ang nasa harap ko."


TOWEL lang ang nakabalot kay Sandino. Bagong ligo. Gulu-gulo pa ang buhok. May ilang patak pa ng tubig na gumuguhit sa katawan niya.

AS IF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon