CHAPTER 51

2.7K 65 9
                                    


"NAGPAKANTOT ka sa anak ni Matt?" tanong ni Aljur na tumayo at iniwan sina Vanessa, Rose at Julio sa table.

"Hindi niya ako kinantot!" malakas pero pabulong sabi ni Julio.

"Fuck?" sigaw ni Rose. "Ikaw ang kumantot sa anak ni Matt?"

"Ang sama nyo sa akin," sabi ni Julio. "Bakla lang ako. Alam kong iba ang set ng morals ko, pero sigurado naman akong papasa pa rin ako sa GMRC kung ibabalik iyon sa curriculum."

"So anong ginawa lang?" sabi ni Vanessa.

"Umalis ako sa inuupuan ko at kinuha yung tinidor," sabi ni Julio. "Yun naman ang gusto nyang mangyari. Hindi nahuhulog basta-basta ang mga tinidor kapag nasa hapag at nakatapis lang ng twalya ang mga kumakain. Nakabasa na ako ng ganyan."

"So nung pinulot mo, nakita mo ang hiyas ng mga Christophers?" tanong ni Aljur.

"O e di na-excite ka rin," sabi ni Julio kay Aljur.

"Eh sinasabi mo naman na hindi ka nagkasala," sabi ni Aljur. "Hanggang saan lang ang inabot ng kagandahang asal mo?"

"Bumaba lang ako sa kinauupuan ko," sabi ni Julio. "Tapos pumunta ako sa kusina at kumuha ng bagong tinidor. Tapos iniabot ko sa kanya."

"Tapos?" tanong ni Vanessa.

"Tapos wala na," sabi ni Julio. "Sabi ko, salamat sa pa-hotdog. Tapos umakyat na ako at nagbihis."

"Nagbihis agad? Hindi nagjakol?" tanong ni Aljur.

"Walang ganun, bawal yun," sabi ni Julio. "Hindi na ako nagjajakol. Hindi naman ako nakukulangan kay Matt."

"Christophers ang apelyido ni Matt?" tanong ni Vanessa.

"Yan lang ang entry mo sa conversation na to?" tanong ni Julio. "Yes, Engg. Matthew Christophers."


PUTUKAN. Tapos ay nagbagsakan ang mga confetti.

Nagulat si Julio pagpasok niya sa opisina. Kaunti lang kasi ang mga tao pagdating niya. Tapos ay walapang pumapansin sa kanya. Pagdating niya sa kanyang favorite spot to work, hindi niyanamalayang unti-unti napalang dumami ang tao sapaligid niya. Pagkaputok, napatingala si at nakita ang mga officemates.

"Congratulations to our new Creative Director," sabi ni Marty.

"Seryoso?" tanong ni Julio.

"Yeah," sabi ni Marty.

"Eh anong nangyari kay Jing, hindi ba siya galit sa akin," sabi ni Julio.

"Eto ako bakla," sabi ni Jing. "Assistant CD pa rin. Pero bet ko na'to, okay na ako sa saktong sakit ng ulo. Mahal ko pa ang jowa ko."

"May jowa rin yang si Julio," sabi ni Marty. "At hindi na siyanaghahanap ng threesome."

"Marty?" sabi ni Julio na nahihiya.

"Alam naman ng lahat," sabi ni Jing.

"And it wont affect your promotion," sabi ni Marty. "Nailaban ko naman na hindi apektado ng lifestyle mo ang galing mo. Ano, hindi pa ba ako ally?"

Tumayo si Julio at niyakap si Marty.

"Magsaya ka ngayon," sabi ni Jing. "Mamalasin ka rin. Hindi pwedeng masaya ka sa lahat ng bagay. Malay mo, maghiwalay kayo ng jowa mo."

"Yung totoo, Jing," sabi ni Julio. "Kung galit ka, sabihin mo lang."

"Joke lang," sabi ni Jing. "Para sa bakla, pikon ka."

AS IF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon