2

18 4 0
                                    



•••

Taong 1310



( Andam's POV )


Nasa labas ako ng tahanan nila Arah, nagpapasama kasi siya na pumuntang baryo para mangumpra ng mga bagay na di ko talaga alam.


" Tara na!" napatayo ako sa pagkaka-upo ng marinig ko siya,sa wakas halos maging kagaya ko na ang bato na inuupuan ko kakahintay sa kanya!


Simula nung sumama ako kai ama sa pagpunta dito sa tahanan ng Prinsipe Bataar ay kada linggo na ako dumadayo para makipag laro at makipag sabayan kai Arah sa pag-aaral.


Labing-tatlong gulang na kaming dalawa sa taong ito at mahilig parin sa astronomiya at mitholohiya.




Nagsimula na kaming maglakad, mabuti na lang at umaga niya naisipan gumala ng sa ganon di gaano katirik ang araw.



Sa paglalakad namin napaka ganda ng araw! umaga pero maraming tao na agad sa labas na naghahanda ng mga paninda at iba nag sasanay sa kanilang mga sundang at espada. Ang hangin sobrang lamig at maraming ibon na lumilipad sa langit na kulay bughaw na may kaunting ulap.


"Teka? napansin ko ibang-iba ang suot mo ngayon! Mukha kang chino..." gulat na sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.


"Binili lang ng ama sa Sultan Kudarat, mukha akong prinsipe diba?" taas noong pagmamalaki ko.


Suot ko ang isang kulay kahel na mahabang damit panlalaki na may kasamang kulay itim na dragon sa likod at may mga naka ukit na dragon at bato sa sinturon, ngunit suot ko parin ang tradisiyonal na kulay pulang bandana sa ulo ko.


"Gusto ko rin mag-suot ng ganyan, kaso mahirap naman makahanap ng ganyan dito sa Mamasapano, ibang klase kasi kumpara sa sinusuot natin at siguro ikaw lang may ganyang kasuotan dito" Sabi ni Arah habang titig na titig sa suot ko.


Hinayaan ko na lang siya na mabighani sa suot ko, nakakatawa nga at parang lahat na lang nakakabighani para sa kanya?



Si Arah lang ang pinaka malapit na kaibigan ko hindi lang dito sa Mamasapano kundi sa buong mundo! Siya lang naman kasi yung nakakaintindi sakin at sa mga hilig ko...



Sa paglalakad namin nagsalita nanaman ulit si Arah "Kanina nga pala nabanggit ni ama na pupunta ulit ang astronomo, gusto mo ba pumunta mamayang hapon?"



"Hindi na nakakahiya naman paulit-ulit na lang ako sa tahanan niyo baka masumhan na si astronomo sa mukha ko" natatawa kong sagot sa kanya.


"Baliw hindi kaya! Natutuwa nga si astronomo sa'yo andami mo kasing tanong" sabi niya na natatawa na rin.


"Pag-iisipan ko baka kasi may utos si- Ah!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang bato na tumama sa ulo ko!


Napaupo na lang ako sa lakas ng pagbato sakin! Agad ko hinawakan kung saan banda ako natamaan at unti-unti na akong naiiyak sa sobrang sakit!

"Hoy! bakit mo ginawa yun! Masama nangaaway ng iba!" narinig ko sumigaw si Arah.


"Pero ganyan naman dapat ginagawa sa mga alipin diba?! binabato at inaaway?" habang umiiyak ako nilingon ko ang nagsabi niyan, so Oteh pala.


"Kahit na! masama parin awayin ang ibang tao!" nilapitan ako ni Arah at tinulungan tumayo, pinahid ko ang mga luha ko kasi ayoko makita nila na nasaktan ako kasi lalaki ako at dapat hindi babae ang nagtatanggol.


Sa Maling Dekada (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon