(AN: Edited po ang first 3 chapters ng kuwento, sa mga nakabasa ng unang version ay pasensya na kailangan ko lang sundin yung original plot kaya expect different scene sa susunod na chapter maraming salamat! )
•••
Taong 1302
"Maraming salamat Rahim at napaaga ang dalaw mo, " sabi ng isang mataas, malalim ang boses at may pagkatanda ngunit makikikita mo parin ang ganda ng lalaki sa ngiti nito.
"Kahapon bigla na lang nawalan ng malay si Daha habang pumipitas ng mga bulaklak-mansanilya sa likod kaya't pinatawag na kita sa isang taga-mensahe." Pagpapatuloy niyang sabi at biglang nahaluan ang mukha at ngiti nito ng lungkot at pag aalala.
"Wag po kayo mangamba mahal na Prinsipe Bataar, ngayon ay nagdala ako ng panibagong uri ng tsaa upang mas mapabilis ang pag-gaan ng nararamdaman ng prinsesa Daha." At yumuko ito bilang pagbigay ng respeto, napansin na rin ng prinsipe ang kasama ng manggagamot at tinanong kung sino ito.
"Pansin ko ay may kasama ka na ngayon, maaari ko ba malaman kung sino ka bata? " tanong ng prinsipe at agad rin naman sumagot ang batang lalaki, "Ako po si Andam, ang panganay na anak ni Rahim." Sagot niya na yumuko ulit bilang pagbibigay respeto. Kita na may pinag-aralan at may tuntunin ng magandang asal ang bata.
Sa kabilang dako naman ay may nagmamasid pala sa mga bisita, ang anak ng prinsipe na si Arah na nagtatago sa likod ng malasulta at pulang kurtina na tumatabon sa bahagi ng kusina.
" Ngayon lang nagdala ng kasama ang manggagamot," bulong niya at binaling ang tingin sa batang lalaki," Ano kaya pangalan niya..." Patuloy sa pagmamasid ang batang Arah at sa hindi niya namalayan sa batang lalaki na pala siya buong limang minuto nakatitig at naramdaman na pala ng batang Andam na may nakatitig sa kanya kaya lumingon siya sa bandang kurtina at doon nagtagpo ang ang mata nilang dalawa.
Nabigla at agad nag iwas ng tingin ang batang Arah at umalis sa bandang kurtina at isinandal niya ang likod niya sa pader. Mga ilang minuto ay sinubukan niya ulit sumilip.
"Ahck!"
Napatili ang batang Arah dahil sa gulat at napaupo sa sahig, nakaabang na pala ang batang Andam sa kurtina na ngayon ay umaalingawngaw ang tawa.
"Ba't ka sumisilip?" tanong nito kay Arah habang malakas na tumatawa dahil sa pagkagulat ng batang babae.
"Tahanan ko ito at may karapatan ang prinsesang tulad ko na sumilip!" malakas at matapang na sabi ng batang babae at agad tumayo sa pagkakaupo.
"Pasensya na po mahal na prinsesa pft!—" tugon naman ng batang lalaki na halatang pilosopo ang pagsagot at natatawa.
Sa ginawa ng batang Andam ay napatawa na rin ang batang prinsesa na si Arah.
"Ako nga pala si Andam, ano'ng pangalan mo?"
"Arah, ako si Arah" at ngumiti ito ng abot tenga
At doon nagsimula ang pagkakaibigan ng isang prinsesa at anak ng manggagamot.
(Arah's POV)
Madali kaming nagkaintindihan ni Andam, mahilig kasi siya sa astronomiya at marami siyang alam sa mga alitaptap!
"Sabi nila madalang lang makakakita ng alitaptap kung mag-isa ka lang, lumalabas lang sila kung may dalawang tao na tunay na nagmamahalan" dahan-dahan niyang kuwento sakin habang tinitignan ko ang nakaguhit na itsura ng alitaptap na walang kulay "Kita mo'to? umiilaw daw ang mga buntot nila na parang kumikislap na bituin!" Pagpapatuloy niya.
BINABASA MO ANG
Sa Maling Dekada (On-hold)
Fiksi Sejarah"Gaano nga ba kahirap magmahal noong unang panahon? Gaano nga ba kahirap ipaglaban ang isang bagay ng walang buhay at dugong isasakripisyo? Nagmahal lang naman tayo pero ba't kailangan nating maghintay ng dekada upang maging malaya?"