Enjoy•••
(Andam's POV)
Sobrang yabang nito akala mo kung sino ah?
Tumayo ako at sinita ang kayabangan ng batang lalaki na di naman ganun ka taas.
"Hoy ang yaba-" di ko pa man natapos ang sasabihin ko may bigla na lang dalawang lalaki na naka pandamit chino rin ang tinutukan ako ng isang mahabang espada kaya napa atras ako sa takot.
Sino ba sila?
"Sino ka para mag suot ng damit prinsipe?!", mataas ang tono na tanong ng lalake sakin at mas inilapit pa ang espada niya kaya napa-atras ako sa takot baka patayin nila ako.
"H-hindi ko p-po alam ang s-sinasabi n-niyo!" naautal na akong sumagot kasi natatakot ako pati na rin si Arah at ibang mga tao sa paligid nagsilayuan na rin dahil sa ginagawa ng dalawang lalaki na mukhang mga kawal.
"N-nabili niya l-lang po ang d-damit..." mahinang sabi ni Arah sa kanila.
Nasa gilid ko lang si Arah na malakas ang kapit sa braso ko, alam ko pati siya natatakot rin.
"Sumama ka sa-" hindi na natapos ng lalaking armado ang kanyang sasabihin ng biglang may nagsalita sa likuran namin ni Arah.
"Ama!" agad na tumakbo si Arah at nagtago sa likuran ng Prinsipe Bataar.
Tumakbo na rin ako palayo sa dalawang lalaki at pumunta sa gilid ng Prinsipe Bataar.
"Alam niyo ba na ipinag-babawal ang manutok o magwagayway ng espada sa lugar na'to?" sa sobrang lalim ng boses ng Prinsipe na may halong mapang awtoridad ay agad na naibalik ng dalawang lalaki ang kanilang mga espada sa bayna.
"Paumanhin po mahal na Prinsipe!" sabi nila at sabay yumuko.
Hindi na nakaramdam pa ng takot ang mga tao ng makita nila ang mahal na prinsipe at bumalik na ulit sa kanilang mga ginagawa.
"Pinoprotektahan lang po namin ang Prinsipe Nol sa mga bagay-bagay lalo pa't hindi ito ang aming lugar", pag rarason ng isa sa mga nanutok sa'kin.
"Ngunit hindi parin ito sapat na dahilan upang magpakita ng espada sa mga innosenteng mamamayan at lalo na sa mga bata." Nakakatakot pakinggan ang boses ng ama ni Arah. Di na nga ako humihinga sa bawat pagsasalita niya.
"Paumanhin po, kung maaari ay kunin niyo na po ang buhay namin sa aming kasalanan!" nagsalita ang isang kasama nito at yumuko.
Tinignan ko ang batang lalaki na nasa kanilang likod, nakatingin siya kai Arah ng walang emosyon. Ilang segundo pa ay nabaling ang tingin niya sa'kin at kagaya ng pagtingin niya kai Arah, wala rin itong emosyon.
Ngayon lang ako nakakita ng prinsipe na kagaya ko na isang bata.
"Hindi dahas ang sagot at parusa, lalo pa't magkaibigan kami ng Hari ninyo. Sa susunod wag niyo na uulitin pa", sabi ng Prinsipe Bataar sa dalawang kawal na agad rin naman tinugunan ng yuko bilang pagbibigay respeto at salamat sa Prinsipe.
Umalis na sila pati ang mayabang na prinsipe nila at nagtungo sa isang tindahan ng mga libro.
"Maraming salamat po mahal na Prinsipe Bataar sa pagligtas ng buhay ko" Yumuko ako sa prinsipe.
"Ama sino po sila? mukhang hindi po sila taga-rito ayon sa kanilang kulay at pananamit?" tanong ni Arah.
Oo nga, lalo na yung batang prinsipe. Magka parehas kami ng suot ngunit kulay asul nga lang ang tela ng kanyang damit, ang buhok nito ay naka bugkos paitaas na may metal na naka tusok ngunit sa mga guhit na dragon at sinturon ay magkahalintulad kami.
"Mga tao ng Butuan sila, ang kasama nilang bata ay ang prinsipe ng Butuan", sabi ng Prinsipe Bataar
Kaya pala ibang-iba ang kanilang itsura?
"Pasensya na po mahal na prinsipe dahil sa suot ko nagsimula ang gulo", totoo naman dahil sa suot ko kaya nailabas nila ang kanilang mga espada.
"Wag kang mangamba Andam walang batas sa lugar na ito patungkol sa kung ano ang susuotin mo", tinapik nito ang braso ko at ngumiti.
Kung ganito lang ang lahat ng mga prinsipe o hari sa buong mundo siguro magiging masaya ang lahat at mamumuhay ng payapa.
"Saan nga ba kayo papatungo ng masamahan ko kayo?" masiglang sabi ng prinsipe kaya nawala na yung takot ko sa kanya.
Isinama namin ang prinsipe doon sa mga bilihan ng mga gamit pang-disenyo at namili na ng mga kakailanganin ni Arah.
•
BINABASA MO ANG
Sa Maling Dekada (On-hold)
Historical Fiction"Gaano nga ba kahirap magmahal noong unang panahon? Gaano nga ba kahirap ipaglaban ang isang bagay ng walang buhay at dugong isasakripisyo? Nagmahal lang naman tayo pero ba't kailangan nating maghintay ng dekada upang maging malaya?"