4

22 2 0
                                    

Enjoy


•••


Nagkakasiyahan ngayon sa buong lugar ng Maguindanao, isang kasiyahan upang bigyang pagpupuri ang dyosa ng buwan. Si Dyosa Libulan.

Sa gabing ito ay nagdidiwang ang lahat sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, pagbibigay regalo sa mga minamahal at hinihintay ang kai perpektong bilog na buwan na sa gabing iyon lang nagiging asul hudyat na pwede humiling ng kahit ano.



(Arah's POV)

Inihanda ko na ang sarili ko dahil magsisimula na ang kasiyahan, pati ang regalo ko para sa'king ama at ina.

Suot ko ang kulay dilaw na damit na tinahi pa ng aking ina. Regalo niya ito nung nagdiwang ako ng kaarawan ko sa taong 'to.

"Mahal na prinsesa pinapatawag na po kayo ng iyong ina" narinig ko ang tawag ng isang katulong.

Dali-dali ko na nang isinuot ang aking sapin sa paa at lumabas na ng aking silid.


"Ikinagagalak ko na malaman na dito kayo sa lugar ko makikisaya mahal na Hari"

Naabutan ko sa labas ng aming tahanan ang aking ama at ina na may kausap. Mga bisita?

"Nandito na po ako!" Masigla ko silang nilapitan kaya't naagaw ko ang kanilang atensyon.

"Arah anak halika" sabi ng ina ko kaya't lumapit ako sa kanya.

"Ito na ba si Arah? malaki na pala ang anak mo Bataar" sabi ng lalake at ngumiti sakin kaya ngumiti rin ako pabalik. Mukha naman siyang mabait?

Pamilyar ang mga suot nila.

Mga taga Butuan?

"Opo mahal na hari siya po ang aking munting prinsesa. Arah magbigay galang ka sa Hari ng Butuan" utos ng ama na agad ko naman sinunod.

"Magandang gabi po mahal na hari" pagbati ko sa kanya at yumuko.

Pagkatapos ko batiin ang hari ay agad ko nilingon ang aking ama.

"Malaki na po ako ama hindi na ako isang mumunting prinsesa hmph!" Tinignan ko ng masama si ama ngunit tumawa lang ito pati ang mga tao sa paligid ko.



"Oo nga pala mahal na hari batid ko ay dito kayo magpapalipas ng gabi kasama ang iyong pamilya?" tanong ng ina sa hari.

"Ah oo ngunit ang aking mahal na reyna at ang pangalawang prinsipe ay uuwi. Ang matitira ay ako at ang aking unang prinsipe" Lumingon ang hari sa likod nito at agad na lumabas ang isang pamilyar na bata.


Teka siya yung bumunggo samin ni Andam?!


"Ikaw?!" bulong ko at kunot-noo siyang tinignan.


Tinignan niya lang ako na parang wala lang.

May problema ba siya? siya lang ata ang natatanging prinsipe na di man lang ngumingiti.

Sa Maling Dekada (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon