Kesha's POV
I'm still at the Hospital . Nakaupo ako habang may kausap si papa na doctor. Nakatulala parin ako . Pinipilit i-sink in sa utak ko ang nangyari .
Inatake si Lola . Nagawa pa syang dalhin dito sa ospital pero minuto lang ang lumipas , namatay sya . Ang sakit lang isipin na sa lahat ng tao , bakit si lola pa ? Bakit ang nag-iisang taong nasasandalan ko pa ang namatay ?
Great . Just great . Ang gandang salubang naman sa umaga .
Napangiti ako ng mapait . Siguro kung nakikita ako ng isa sa mga studyante ng school namin , pinagtatawanan na ako . Sino ba namang hindi matatawa ? Ang binansagang EVIL ng school , ang isang cold hearted girl , ang walang pake-alam sa mundo ay umiiyak na parang bata . Pero wala akong pake .
Tama nga ang sinasabi nila .
Ang sakit mawalan ng pamilya .
"Arnold !"
"Karen"
Napa-angat ako ng tingin . So nandito na pala sya ? What a great life talaga .
"Kesha ? What are you doing here ? Diba dapat nasa school ka ?" tanong ng magaling kong mama . Sakin na naman nabaling ang atensyon nya .
"What do you want me to do ? I-subsub ko ang sarili ko sa klase at hayaang hindi makita si lola ?"
"Don't talk to me like that Kesha. Wala kang respeto"
"Bakit ma ? Kailan ba tayo nagka-usap ng matino ? And besides , wala naman kayong pake-alam sakin so why bother ?"
"I'm still you're mother" diin nyang sabi . Tumayo ako at hinarap sya .
"Really ? Sa pagkaka-alam ko kasi kahit kailan , you never treated me as you're daughter" pinag-diinan ko talaga yung never .
*pakkk*
She slapped me . Well , hindi na bago sakin yan . Sanay na ako sa sampal nya .
"Wala ka talagang respeto"
"Nawalan lang ako ng respeto sa inyo ma"
Sasampalin na nya dapat ulit ako pero napigilan ni papa ang kamay nya .
"Please stop this Karen . Nasa ospital tayo at isa pa , respetohin nyo naman si mama . Kakamatay lang eh" sabi ni papa .
YOU ARE READING
Game Over
Novela JuvenilGame.. isang laro. minsan mananalo ka,minsan matatalo. Para sa iba, "It's just a game.wag mo masyadong seryosohin" "Sus,okay lng yan,just try harder.mananalo karin" "Duh..game lng yan.para namang mamamatay ka" Pero para sakin ang hirap,at the same t...