Chapter 7

17 0 0
                                    

       Kesha's POV

“Okay kana?” bungad sa akin ni Leslie nang magising ako . Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang wala na si Drace kundi si Leslie nalang at ako ang nandirito.

“Kanina ka pa? Anong oras na?” tanong ko.

“Halos kakarating ko lang and It's already four-ten PM” sagot nya. Dahan-dahan akong tumayo. “Okay ka na? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?” sunod-sunod nyang tanong.

Tumango ako. “Okay na ako. Hindi na masakit ang ulo ko, tsaka hindi na rin ako nahihilo.”

“Ah, okay. Uwi na tayo? Pupunta pa tayo sa inyo remember?” ah.. Oo nga pala.

“Sige. Para makakain narin ako. I'm starving..” hinaplos ko ang tyan ko.

She chuckled. “You sleep for a long time kesh. Malamang magugutom ka.”

“Yeah. Tara na.” nauna na akong naglakad patungo sa pinto-an kung saan naroon ang school nurse habang nakasunod sya sakin. Ang tagal ko palang natulog, hindi ko man lang namalayan. Nagpasalamat kami sa school nurse bago tuloyang lumabas ng clinic. Nakaka-badtrip ang araw na 'to.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

I step out of the car. Huminga ako malalim bago humarap sa bahay.

“Ready?” tanong sakin ni Leslie na hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala.

“No..” bumaling ang tingin ko sa pintuan ng bahay. I can do this. I have to do this. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang habang nakasunod sya. Napatingin ako sa bandang kanang parte ng bahay kung saan gaganapin ang lamay ni lola.

“You will be okay, right?” Napatingin ako kay Leslie. Patuloy parin kami sa paglakad. Nagugulohang tiningnan ko sya. “..I mean, si lola naman ang pinunta natin dito diba?” pagpapatuloy niya.

Tipid ko syang nginitian. “I'm fine. Don't worry.” I can see worry through  her eyes, but she didn't try to ask again hanggang sa makarating kami sa pintuan. Pinindot ko ang door bell at ilang minuto lang, bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang mayordoma ng bahay.

“Magandang gabi, iha.” nakangiting bati nya sakin.

“Magandang gabi din po, Nay maria.” nginitian ko rin sya gaya ng ngiting pinakita nya.

“Oh my god! Namiss kita Nay maria!” abot-tengang bati ni Leslie.

“Naku, ikaw talagang bata ka.”

“It's nice to see you again po.” sabi ni Leslie sabay yakap kay Nay maria. I smiled. This two are really close. Siguro kasi lumaki si Leslie na walang magulang.

“Oh sya, pumasok na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni sir.”

And as if on cue, narinig ko ang boses ni papa. “You came. Akala ko hindi kayo pupunta.” he said as he hug me and I hug him back. “I miss you baby.” naglalambing na boses ni papa.

I rolled my eyes. “Hindi na ako bata. I'm Turning 18 pa.” saad ko pagkatapos humiwalay sa yakap ni papa.

“Well, I don't care, you are still my baby. Tsaka, kaka-seventeen mo pa lang two months ago.”

“Stop it pa. Nagiging childish ka na naman. And please, 'wag nyo na kong tawaging baby.”

“No. Wala akong pake-alam kung malaki kana. Basta, ikaw parin ang baby ko.”

Napairap ako sa hangin. “Fine. Wala na akong sinabi.”

“Good. Now, tara na. Nandoon na ang mama mo.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game OverWhere stories live. Discover now