Chapter 5

12 0 0
                                        


      Kesha's POV

Nanadito na naman ako . Ilang beses na ba akong pabalik-balik dito ? Hindi ko na mabilang . Nakakatawa , 2 weeks ago , nandito ako . Tapos ngayon , bumalik na naman ako . Kailan paba matatapos 'to ? Hanggang kailan pa ba ako maghihirap ng ganito ? Nakakapagod na . Pagod na pagod na ako .

Yumuko ako at tiningnan ang dagat sa ilalim ng tulay kung nasaan ako ngayon . Wala parin talagang pinagbago ang lugar na'to .

Hinawakan ko ng mahigpit ang bakal at sinimulang akyatin ang railing ng tulay . I used to do this . Hindi na bago sakin 'to . Nang makatayo na ako ng maayos , mas hinigpitan ko ang hawak sa bakal na nasa gilid ko . Pinagmasdan ko ulit ang dagat na ngayon ay tanaw na tanaw ko na dahil sa liwanag ng buwan .

“Hey , I'm here again . I hope you don't mind” para akong baliw na kinakausap ang tulay . Para namang sasagot 'to . Sa loob ng pitong taon , ikaw lang ang naging karamay ko (tulay). Sa loob ng pitong taon , ikaw ang ini-iyakan ko . Siguro kung magkaroon ng milagro at makapagsalita ka , sasabihin mong "Andito kana naman . Tatalon ka na naman" . As expected . Ano nga naman ang iisipin ng mga tao kung makakakita ng taong nakatayo sa tulay ? Syempre ang iisipin nila , tatalon , Magpapakamatay . Well I've tried it many times . There's no reason to lie anyway . Ilang beses ko nang sinubukan pero walang nangyari .

Tumingala ako sa langit . Lord , bakit kasi hindi mo nalang ako hayaang mawala sa mundo ? Nagsimula na namang umagos ang mga luha sa mga mata ko . Kase naman eh ! Ayoko na . Pagod na ko eh .

“Tangina naman kase eh ! Bakit kasi si lola pa ? Bakit ngayon pa ? Ilang taon na akong nahihirapan sa buhay na 'to . Bakit kasi binuo pa ako eh” tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko .

Naalala ko na naman lahat . Lahat ng masasamang ala-ala ko kay mama . Ayaw na ayaw nya sakin ever since . She hates me for some reason .

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang parang nanghihina na ako . Unti-unti lumuluwang ang mahigpit na pagkakahawak ko sa bakal . Parang feeling ko lumulutang ako .

I was expecting the next thing to happend . Pero nagkamali ako . Bigla nalang may humila sakin at sinalo ako .

“What the hell do you think you're doing ?!” galit na sigaw nya sakin .

“Kesha...” napatingin ako sa likod nya ....

Leslie ?

Umiiyak sya . Obviously dahil na naman sakin . Hinarap ko ulit sya .

“Ano bang problema mo ?” tanong ko kay drace . “Tsaka ano bang ginagawa mo dito ?” pagpapatuloy ko . Wala akong pake kung nakikita man nya akong umiiyak ngayon . Wala akong oras makipag-away sa kanya .

“Diba dapat kami ang magtanong nyan ?” sagot nya . kami ? So may kasama pa sila ? Wow– _ –

Sinilip ulit ako sa likod ni drace kung saan nakatayo si leslie . Is that Carl ? Kailan pa naging close si Leslie sa mga 'to ?

Hinarap ko ulit si drace .

“Go to hell . Wala akong panahong makipagtalo sayo” i said .

“Kesh ! Tinulungan lang nila akong hanapin ka” Leslie said .

“Well , I didn't asked you to look for me” i replied coldly . pinaka-ayaw ko ang pinuproblema ako . Ayokong mamroblema sila dahil sakin .

“Kesh ...” tss . I know . She did this kasi nag-aalala sya .

“I'm not going to jump okay ? Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob”

“I'm sorry ... Akala ko kasi , you did it again” she said as she look down .

Game OverWhere stories live. Discover now