Chapter 3 • The Suicidal Reservoir (Interrogation)

128 10 4
                                    

INGRID

Umupo ako sa upuang nandidito at hinintay na pumasok dito ang defendant. Nakaharap din ako sa salamin na naghihiwalay sa defendant at nang bumibisita sa kanya. Ilang minuto na rin akong naghihintay dito at tila wala pa kong nakukuhang response. Why this defendant takes so long?

Paglipas ng ilang sandali ay bumukas na rin ang pinto sa kabilang dako ng kwarto. Here I saw a man wearing a bright yellow shirt where the word "Detainee" can be seen. Ipinapakita lang nito na matagal nang nandito ang defendant.

I looked at the man's messy hair as he close the door. His milkish skin makes him look younger than his young age. Finally, he took a seat and faced me.

Yumuko ako upang buksan ang brief case na dala ko mula rito. At kinuha ang contract na pipirmahan ng defendant kasama na ang isang ballpen.

"This is our contract." I stated as I held the paper and the pen to him.

Ilang minutong katahimikan ang naganap sa kwartong ito. Ni ayaw niyang magsalita tungkol sa nangyari. He didn't even take a glance at the contract. Instead, he looked to the ground with sorrow on his face.

"Para sa'n pa?" he asked that broke our silence. "Makukulong din naman ako, tama?"

I looked at his brown pupils. "But-"

"But what?" putol niya. "Mangangako ka ba na magiging okay ang lahat?"

I sighed. Bakit 'di na ko nasanay sa mga defendant? "Look, gustuhin ko mang pabayaan ang kaso mo pero hindi ko 'yun pwedeng gawin."

He chuckled. "Bakit? Naawa ka?"

"No," I hardly said. "Dahil isa akong public attorney at karapatan mong magkaroon ng abogado."

Minsan napapaisip ako kung bakit 'di na lang ako maging isang pribadong abogado. But I realized something.

Kung magiging gano'n nga ako, maaring lumaki ang kinikita ko bilang abogado. But the thing is that I'm not serving to the law. In that case, I'm serving with the rich and their money. Kung alam niyo lang ang kalakaran sa mga pribadong abogado at ng mga mamayaman.

"'Wag mo nang sayangin ang pagod mo." he said. "Guilty din naman ang magiging hatol ng judge."

I deeply sighed. "Aaminin ko, mahirap ang kasong 'to."

Surprisingly, he took a glance on my face. I can see through his eyes his loneliness on this detention center.

"Honestly," I gulped. "Lahat ng ebidensiya na nakuha sa crime scene, ikaw ang itinuturo."

Kakagaling ko lang sa crime lab para kunin ang fingerprint analysis para sa kasong 'to. Unfortunately, may nakita silang fingerprints sa landline phone ng biktima. And this matched with the defendant's fingerprint.

Kung ako ang judge, guilty ang magiging hatol ko kung pagbabasehan ko ang mga ebidensiya na nakalap. But, by looking to this man, I can say that he's innocent. Pero kahit kailan ay hindi iyon makikita ng judge. I need proofs, not emotions!

"Then, bakit mo pa rin ito ginagawa?" he asked while staring at me.

"Dahil alam kong inosente ka." I smiled. "Kahit na maging guilty ang hatol ng korte, atleast sinubukan mo, 'di ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Case Adjourned: Trials Of JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon