INGRID
Nakabalik ako sa ground floor ng hotel matapos ang ilang minuto. Dito ko nakasalubong si Inspector Acosta kaya tinanong ko ito.
"Inspector, yung mga witness? Gusto ko sana silang makausap."
"Ah. Sila ba? Nasa police station na sila. Pero nakapagbigay na sila ng pahayag sa'kin. Kung gusto mo, ako na lang ang sasagot sa tanong mo."
Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko makausap ang witness. Pero wala naman iyong kaibahan sa sasabihin ni Inspector. Isa pa, iimbitahan naman sila sa korte. Kaya maririnig ko ulit ang mga testimonya nila.
"'Wag mo nga ako tingnan ng ganyan. Kahit matanda na ako, matalas pa rin ang memorya ko!" Sumbat sa 'kin ni Inspector.
Teka nga, wala naman akong sinabi ah? "Inspector, sino po ba ang mga witness?"
"Isang janitor, room attendant, at isang security guard." sagot niya.
"So, nasaan po sila noong nangyari yung krimen?" tanong ko.
"Hindi mo man lang ba itatanong ang pangalan nila?" pagtatakang tanong ni Inspector.
To be honest, I don't care what their name is. Ang kailangan ko lang ay ang testimonya nila. Isa pa, malalaman ko naman 'yun sa hearing.
Umiling ako kay Inspector. "I just need their testimonies."
He sighed. "Sabi ng janitor, nagmo-mop daw siya sa ground floor ng 10 o'clock ng gabi."
It now become clear. 10 o'clock pala nangyari ang krimen. "Then?"
"Bigla raw nagkaroon ng blackout. Sa tingin niya, mga 15 minutes iyon nangyari." pagpapatuloy ni Inspector.
"Blackout? Is it verified?" I asked.
Tumango ito. "Nakikita mo ang electronic clock do'n?"
Itinuro niya ang orasan na nakadikit sa pader. Nakalagay 'to sa itaas ng counter sa eastern part ng corridor.
"Nakasunod iyon sa national time. At ngayon, late na ito ng 15 minutes. Proving na tama ang sinabi ng witness." dagdag ni Inspector.
"So, 10 o'clock nagsimula ang blackout? Tapos bumalik ang kuryente ng 10:15?" paninigurado ko.
"Gano'n na nga."
Pinagiisipan ko kung may sadyang nagpatay ng kuryente. Kung gano'n nga, maaring may kinalaman siya sa pagkamatay ng biktima.
For me, that event is not likely to happen. It's impossible for a murder and a blackout to happen in a same time.
"How about the guard?" I asked.
"Hindi pa namin nakukuha yung pahayag niya. 'Wag kang mag-alala, kukunin kaagad namin ang pahayag niya. Kung gusto mo, maari kang sumama sa pagpunta do'n sa bahay."
Umiling ako. "'Wag na po."
"Sigurado ka?" paninigurado ni Inspector na tila nagtataka.
"Opo."
Witnesses tend to change their testimonies in the court. So, it's useless to talk with them. Except, if you're planning to improve your defense.
Umubo ng pasadya si Inspector upang makuha ang pansin ko. "Pero kahit hindi naglabas ng pahayag yung guard, mayroon kaming info about sa kanya. Gusto mo ba marinig?"
Tumango ako kay Inspector. "Sige po."
"Noong nangyari ang blackout, nakita ng janitor yung guard. Papunta ito sa kwartong iyon."
BINABASA MO ANG
Case Adjourned: Trials Of Justice
Misterio / SuspensoStep in to the court where lies are meant to be broken. A court where two parties argues. A court that can change lives. A court where judgment is not an ordinary move. A court where evidence speaks louder than words. Join Ingrid as she discover the...