[A/N: Baka hindi ako makapag-update sa mga susunod na araw. Madami rin kasi akong ginagawang school works. I hope you'll understand.]
INGRID
Ngayon ay nakaharap ako sa isang kulay gintong pintuan. Sobs and tears of the defendant can be heard behind. Also, you can hear the powerful voices of two parties. The prosecution and the defense. Arguing for one thing, the truth.
Napalunok ako ng laway. Welcome to the district court, Ingrid. Where lies are fluent and the truth is rare.
I've studied the court files of this case. However, I'm still shaking. What happens if I don't win? What will I do if I commit a mistake?
Ah! Stop overthinking, Ingrid! Makakaya mo 'to! Hindi ka nag-aral sa law school para lang kabahan. Ipakita mo sa prosecution na may ibubuga ka!
"Are you okay?" I heard asked by a low toned voice.
It's Inspector Acosta. "O-Of c-course."
"Kunin mo 'to. Pasensiya na kung natagalan." sambit niya at inabot sa 'kin ang isang envelope. "Naglalaman 'yan ng autopsy ng victim, fingerprint analysis, DNA tests, at kung ano-ano pa. Pinadalhan ko na rin ng kopya ang prosecution at ang judge. Kaya 'wag mo nang problemahin 'yun."
Hindi ko inaasahan na masipag si Inspector pagdating sa paper works. To be honest, kakaunti na lang ang gaya niya. Kaya naman mapalad ang district police.
"T-Thank you po."
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Inspector. Siguro napansin niyang nanginginig ako
"Sigurado kang okay ka lang?" He sincerely said.
"O-Opo naman." sagot ko.
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang trial. Kung 'di ako kakalma, maaring makaapekto ito sa kaso. Pero walang balak na makisama ang kalamnan ko. Nanginginig pa rin ako at 'di ko mapigilan!
"Sige na, maiwan na kita. Good luck sa kaso. Sabi nila, beterano raw ang prosecutor na makakaharap mo. Anyways, good luck!"
Tinatakot niya ba ako? Kasi kung oo, epektibo 'yun! Bakit ba kasi ako nanginginig!
Naglakad na palayo si Inspector at naiwan akong mag-isa sa lobby. Napagpasiyahan kong maupo muna sa isang couch na malapit. Habang hinihintay na matapos ang ginaganap na trial.
Habang nakaupo, binuksan ko ang selyo ng envelope na aking nakuha kay Inspector. Puno ito ng mga papel na tanging datos lang ang laman. May mga photographs din dito ng mga ebidensiyang nakalap ng police.
Sa bawat trial, tanging photographs lang ng mga ebidensiya ang nakukuha ko. Sa prosecution kasi ibinibigay ang lahat ng physical evidences. Kung tutuusin, malaki ang lamang nila kaysa defense. Dahil nagagawa nilang obserbahan ng buo ang ebidensiyang hawak nila. 'Yun nga lang, kailangan nila itong ibigay sa judge sa tamang oras. At maiiwan sa kanila ang photographs ng mga ebidensiyang dati nilang hawak.
Simula nu'ng nabago ang sistema ng court trial, umikli ang oras ng bawat trial. Sa dati kasing sistema, sa mismong trial ibinibigay ang mga ebidensiya. Ngayon, kinakailangan na itong ibigay bago ang trial. Sa gayon, karamihan ng oras ng trial ay mapupunta sa debate. At 'di sa pagpre-presenta ng ebidensiya.
Pwede pa rin namang magpresenta ng ebidensiya sa oras ng trial. Lalo na kung nakalimutan mo itong ibigay. Which is hindi karaniwang nangyayari.
Ang judge lang din ang nakakaalam ng lahat ng ebidensiyang ibinigay sa kanya. In short, hindi ko alam ang ibinigay na ebidensiya ng prosecution. At gano'n din sila sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Case Adjourned: Trials Of Justice
Misterio / SuspensoStep in to the court where lies are meant to be broken. A court where two parties argues. A court that can change lives. A court where judgment is not an ordinary move. A court where evidence speaks louder than words. Join Ingrid as she discover the...