INGRID
Kasalukuyan akong nakatitig sa rehas ng kulungang ito. Medyo kinakalawang na ito na tanda ng katandaan at ng mga lungkot ng mga taong napupunta rito. Pero kahit papaano, maayos akong nakaupo sa sulok ng kulungang ito. Maswerte rin ako at walang ibang tao na naka-detain dito.
Ilang oras na rin ang dumaan mula ng masaksihan ko ang nangyari sa'king ama. Pero hanggang ngayon ay 'di ko pa rin 'yun mabura sa'king isipan. Total loneliness and sadness, that's what I feel. Siguro kitang-kita 'yon sa mga namumula kong mata dahil sa buong gabing pag-iyak.
"Rossevelt," tawag sa'kin ng isang pulis habang binubuksan ang rehas na pintuan ng kulungang 'to. "Laya ka na."
Agad akong tumayo matapos 'yun buksan ng pulis. Paika-ika naman akong naglakad palabas. At hinintay na isarado ng pulis ang pinto.
"Swerte mo at nakalabas ka pa." sabi ng pulis bago niya tuluyang isinarado ang pinto. "Sumunod ka." utos nito at naunang naglakad sa'kin.
Tumalima naman ako sa utos nito at sinundan siya sa paglalakad. Ano naman kaya ang naisip ng mga pulis na 'to at pinalabas nila ko? I deeply sighed. As if I care, for now, I just want to be alone and cry.
"Ingrid," tawag sa'kin ni Ron habang papalapit sa'kin. Hinawakan ako nito sa balikat na siyang dahilan upang mapatigil ako sa bukana ng gusali. "Ano bang nangyari?"
Tiningnan ko lamang si Ron habang nakahawak sa balikat ko. Alam ko na kung bakit nagbago ang isip ng mga pulis. Mukhang nauto yata sila ng mga salita ng abogadong 'to. Ba't pa ba ako nagulat?
Inalis ko ang kamay niya sa'king balikat at mabilis na naglakad palabas ng police department. Mabilis naman itong sumunod sa'kin at hinawakan ako sa balikat. Pagkatapos ay ipinaharap niya ako sa kanya at tinitigan sa'king mga mata.
"At sa'n ka naman pupunta?" pag-aalala nitong tanong sa'kin.
"Nasaan si Inspector Acosta?" tanong ko rito.
"A-Ano?" gulat nitong tanong. "Ano namang kailangan mo sa kanya?"
I deeply sighed and closed my eyes. "Sagutin mo na lang 'yung tanong ko, please."
Hinigpitan lang nito ang kapit sa balikat ko habang nakatitig sa'kin. "Ano ba talaga sa tingin mo ang ginagawa mo?"
I gritted my teeth and looked furiously at him. "Simple lang naman ang tanong ko." Diin ko. "Nasaan si Inspector?"
"Kasi..." nag-aalangan nitong sagot.
Agaran kong inalis ang kamay niya at lumabas na ng gusali. Wala akong pakialam kung 'di niya sasabihin. Didiretso na lang siguro ako sa office ni Dad. Ayokong sayangin ang oras na dumadaan ngayon. Dahil sa bawat segundong lumilipas, maayos na humihinga ang tunay na pumatay sa ama ko.
"Hindi na si Acosta ang inspector sa lugar na 'to!" sigaw ni Ron na nakapagpatigil sa paglalakad ko. "Kung pupunta ka sa crime scene, sasayangin mo lang ang lakas mo."
Lumingon ako rito habang nakatayo siya sa bukana ng police department. Nakita ko itong inilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. Pagkatapos ay mabagal itong naglakad papalapit sa akin.
"Ingrid, gusto kong imbestigahan ang kaso ni Mr. Rossevelt." Saad niya sa'kin.
Tinaasan ko ito ng kilay. A-Anong sabi niya? Siya raw ang lulutas sa kaso ng ama ko?
Napahawak ako sa noo ko at napailing. "Kaya kong lutasin ang kaso ng ama ko!"
"Sigurado ka ba diyan?" tanong niya. "'Di ba kakapasa mo lang sa bar?"
I gritted my teeth in anger and I immediately grabbed his necktie towards myself. Pagkatapos, tinititigan ko ito sa dalawa niyang mata habang magkalapit ang mukha namin.
BINABASA MO ANG
Case Adjourned: Trials Of Justice
Tajemnica / ThrillerStep in to the court where lies are meant to be broken. A court where two parties argues. A court that can change lives. A court where judgment is not an ordinary move. A court where evidence speaks louder than words. Join Ingrid as she discover the...