L- Kabanata 2

50 1 0
                                    

Nakakalungkot.Mahigit dalawang linggo ng di kami nag-uusap ng maayos ni inay simula no'ng umalis sila lola at tito. Di ko nga alam kung bakit nag kaganon si inay. Malamig ang pakikitungo nya sakin. Ok pa naman kami nung mga nakaraang linggo bago pa dumating sila lola. Niisip ko nga eh kung anong naging kasalanan ko. Kung meron man. Simula nong di pa dumarating sila lola at nong umalis sila. Wala talaga eh' .. Hmmm .. Hala!? Di kaya yung araw na pumunta ako ng palengke ng di nagsasabi kay inay? Bawal kasi akong pumunta kahit saan ng di nagpapaalam kay nanay. Nagagalit sya. Pero napagsabihan narin naman ako ni nanay no'n eh' kaya imposible.

"Allona!? Asan ka?" sigaw ni nanay mula sa baba.

"Nandito po ko sa taas nay. Sa kwarto po. Bakit po!?" sagot ko.

Habang bumababa.

"Bumaba ka muna dito't isampay mo to. Katatapos ko lang labhan to."

"Opo nay" sabay kuha ko nung mga pinaglabhan. At pumunta sa likod bahay. At sinimulan ng magsampay. 

"Allona" tawag ni nanay

"Bakit po nay?".

"Pagkatapos mong isampay yan. Tingnan mo yung kapatid mo dun, kung tapos na ba sila. Pupunta muna akong palengke may bibilhin lang ako" blangkong sabi ni nanay

"Okay po nay. Ako na po'ng bahala. Ingat po kayo" sagot ko sabay yuko. At lumakad na nga si nanay. Nakakalungkot. Dati di naman ganyan si nanay umutos sakin, palambing. Pero ngayon, iba na.

Okay naman si nanay makitungo sa kapatid ko, sakin lang hinde. Oo nga pala may katapid ako si Nikki, 9 y/o. Wala sya ngayon dito. Nasa bahay ng kaklase nya jan lang sa may kapitbahay namin, gumagawa ng project. Si Nikki ang tinutukoy ni nanay kanina.

Ngayon, dahil tapos na'kong mag sampay. Papunta na ako ke' Nikki, titingnan ko muna sya kung  tapos na ba silang gumawa ng project.

"Aleng Linda, si Nikki po?" tanong ko kay aleng linda na ngayon eh' busy sa pag wawalis sa labas ng bahay nila.

"Ah. Nasa loob hija. Pumasok ka muna"

"Sige po. Salamat po" at pumasok na nga ako.

"Nikki. Hello Sitty" tawag ko kay Nikki at bati ko maman sa kanyang kaklase. Ang cute-cute talaga nitong si Sitty.

Ang sarap kurutin ng mga pisngi. Pero syempre ang kapatid kung maganda, na mana sakin. Hehe. Mana kasi kami kay inay. Pareho kaming tatlong magaganda. Haha. Sabi nung mga kapitbahay namin. Pero sabi din ng iba, iba daw ganda ko.  Chos. Haha

"Hi po ate Allona" nakangiting sagot naman ni Sitty. Ngumiti naman ako."Ano pong ginagawa nyo rito ate?" tanong ni Nikki.

"Ah. Wala naman. Pinatitingnan kalang ni nanay sakin. Pumunta kasi syang palengke"

"Ah ganun po ba. Salamat ate" 

"Sige na mag patuloy na kayo, dito lang ako. Titingnan ko kayo"

At nag patuloy na nga sila sakanilang ginagawa. Collage ata ang ginagawa nila. Collage ng mga land animals. Kita ko kasing busy sila sa paggugupit ng mga hayop sa lupa, kalabaw, kambing, kabayo at iba pa. Buti pa sila walang problima. Ako ito malapit ng grumaduate pero di gaanong excited kasi iba ang pakikitungo ni nanay ngayon sakin, di ako sanay. Napabuntong hininga tuloy ako.

Di kaya, nagtatampo si nanay kasi ang bilis kung naexcite at parang gustong pumunta ng maynila? Di kaya? Posible rin yun, baka niisip ni nanay na iiwan ko na sila at sumama talaga kila lola. Hala! Baka nga yun' yon. Pero di naman talaga ako sasama eh' kung di kasama at gusto ni inay. Naexcite lang talaga ako, nung banggitin ni lola at tito ang maynila, kasi ang ganda daw dun. At ang lalaki ng mga eskwelahan, gusto ko kasing dun mag-aral. Pero wala naman talaga akung balak na iwan sila nanay. Baka mali lang sigurong pagkakaintindi ni nanay. Baka nga yun siguro. Kaya mamaya, kakausapin ko talaga si inay at tatanungin ko, kung may problima ba kami. 

Allona de Sylvia Case storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon