"Nay! Nay!" papasok sa bahay na tawag ko kay inay. Nasa loob kasi ng bahay si inay, naglilinis. At ako naman nag wawalis sa harap ng bahay namin.
"Nay! Nanay Luz!" ulit na tawag ko, hindi kasi sumasagot si nanay.
"Oh? Batang to. Sigaw ng sigaw. Ano bang kailangan mo't sigaw ka ng sigaw ha? Tong batang to talaga." nakangiting bungad sakin ni nanay habang ginugulo nya buhok ko. Haaaay, ang ganda talaga sobra ni nanay pag ngumingiti. Buti nalang sa kanya ako nagmana. Hihihi..
"Si nanay talaga oh! Wag nyo na pong guluhin buhok ko nay, malaki na kaya ako" nakangusong sabi ko.
"Tignan nyo po ako nay oh! Malaki na ako. Malapit na kaya po akong gruma-duate ng Elementary" taas noong sabi ko habang nakangiting umiikot.
"Hahaha kaw talagang bata ka, di ka nga nag susuklay eh' natatawang sabi ni inay
"Nag susuklay po kaya ako. Hihihi para maganda ako pag nakita ni crush hihihi" kinikilig na sabi ko.
"Sus! Ikaw talagang bata ka. Oh, bat mo ko tinatawag. May problema ba?"
"Ahh ' wala po nay. May bisita po kasi."
"ha ? Sin---" hindi na natuloy ni nanay ang sasabihin nya ng magpakita ang mga bisita.
"kumusta luz?" sabi nung matanda. Kita kung namutla at nanlalaki ang mga mata ni nanay at unti-unting nawala ang kanyang mga ngiti ng makita ang mga bagong dating na bisita, bale dalawa sila. Isang matandang babae pero di gaanong matanda at isang medyo kaedad ni nanay mga 36 y/o yata,lalaki. 32 y/o palang kasi si nanay. Mabilis namang nakabawi si nanay sa pagkagulat at sumeryoso.
Bat kaya nagulat si inay.? Tsaka ngayon ko lang sila nakita dito eh. Ano kayang kailangan nila kay nanay luz.?
"N-nay ..." mahinang tawag ni nanay. N-nay .. ? Nanay? So itong matandang bisita eh' nanay ni nanay? Ibig sabihin eh' lola ko sya?
"Nay! Lola ko po ba sya?" masayang tanong ko. Gusto ko kasi talagang makilala sila lola at lolo, o kaya kahit na sinong kamag-anak namin. Lumaki kasi akong si nanay lang at ang kapatid ko ang kasama ko. Patay na kasi si tatay matagal na.
"A-allona! O-oo sya ang lo-lola mo." wow! Ang saya naman. Hihihi ..
Pero anyare kang nanay?. Pabayaan na nga.
"Talaga po nay!?"
"O-oo. Oh' ito bente bumili kana muna ng pang meryenda nila." utos ni inay.
"Sige po nay." sabay abot ko ng bente pesos.
"Hello po lola. Magandang hapon po" nakangiting bati ko ke' lola. Tumango lamang sya. At pumunta na ko ng tindahan. Pero ng di pako nakaka layo rinig kong may sinabi si nanay sa mga bisita.
"Ano pong ginagawa nyo dito? Pano nyo nala-- .." bumuntong hininga si inay. "Pumasok muna po kayo" dagdag ni nanay.
"Sige" lola
"Sige" sagot naman nung lalaki. Atsaka sila pumasok sa loob. Kaya nagpatuloy na ko sa tindahan. Mga isang kanto mula sa bahay namin.
Ayy nga pala. Ako pala si Allona. Allona De Sylvia. Labing-dalawang taong gulang. At, take note, malapit na'kong gruma-duate ng Elementary, sa susunod na buwan na.
"Aleng tina, pabili po akong star bread, 20 pesos lang po."
"Oh' sige. Ito lang ba?" aleng tina.
BINABASA MO ANG
Allona de Sylvia Case story
No FicciónAllona. Allexandra. Allexander. Sino sa KANILA? ----- Copyright © 2014 Meludyj.