Simple lang naman buhay ko no'n eh'. Masaya kami kahit di kami kumpleto, nagkakaisa, nagtutulungan at higit sa lahat nagmamahalan kami ng pamilya ko. Pero nag bago ang lahat nung dumating sila. Mga hayop sila.
--
Gusto kong ituon nalang ang atensyon ko sa pag-aaral ng mabuti dahil sa mga di makataong ginagawa nila sakin. Pero ng dahil din sa kanila di ko na nagawa.
--
Sinubukan ko ring makipagkaibigan pero pinagkaitan nila't pinagkaisahan ako. Mga hayop sila.
--
Akala ko hulog sya ng langit, di pala kasi iniluwa sya ng impyerno dahil sa kababoyan nya. Akala ko talaga nagkaron na ko ng mapagsasandalan. Akala ko. Akala ko. Akala ko lang pala talaga yon. Wala rin pala syang pinag kaiba sa kanila. Hayop sya.
--
Akala ko sila nang makakatulong sakin. Pero nagkamali na naman pala ako. Hindi sila tumulong dahil tulad rin sila ng mga hayop nayon. Ang bababoy nila.--
Buti nalang dumating sila, medyo nabawasan ng kaunti ang kalungkutan ko kasi nakakausap ko sila. Iba sila sa lahat. Ibang-iba. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila.
--
Mukhang di talaga ako tinantanan ng tadhana. May bagong rebelasyon na namang yumanig ng mundo ko. Mga rebelasyon di ko inaasahan.--
May mga nangyari rin namang labis kong ikinatuwa at hindi ko iyon-- namin pinagsisisihan. Buti nga sa kanila mga demonyo silang lahat. Mga hayop.
At ako Si Allona. At ito ang aking Kwento.
---
YAY !! HAHAHAHA Sinong Sila? Anong palang ginawa nila sa kanya? Marami ba sila? Anong mga nagyaring labis na ikinatuwa ni Allona? Sinong tumulong sa kanya? May tumulong nga ba? Ano kayang Rebelasyon ang tinutokoy ni Allona?
haha ! Abangan . LOL XD
BINABASA MO ANG
Allona de Sylvia Case story
Não FicçãoAllona. Allexandra. Allexander. Sino sa KANILA? ----- Copyright © 2014 Meludyj.