L- Kabanata 3

37 0 0
                                    

Alam nyo ba kung anong araw ngayon? Syempre hindi. Haha. Pero sasabihi ko parin. Graduation po namin ngayon. Nakakatuwa hindi po ba? Goodbye elementary years na. Haha. Ibig sabihin din ilang araw narin simula nung nakakagulong mga tanong sa utak ko. Kaya hindi ko nalang iniisip. Okay naman na kami ni inay. Nung tinanong ko sya kinabukasan. Sabi nya okay na raw at pasensya raw sa di nya masyadong pagpapansin sakin marami lang daw syang iniisip no'n. Okay naman din sakin ang importante okay na talaga kami, ngayon pa't graduation na namin. Kaya ang saya saya ko. Mwehehe.

Tok.tok.tok.

"Allona anak, tapos k na bang magbihis?" 

"Malapit na po nay. Sandali lang po" sagot ko habang sinusuot ang sapatos ko. 

"Oh sige bumaba ka nalang pagkatapos mo jan. Tsaka bilisan mo baka malate tayo." 

"Opo nay, sandali nalang po talaga to." 

Dinig ko naman ang mga yapak ni nanay pababa. Ayan tapos na. Tiningnan ko sarili ko sa salamin. Maayos na buhok.check. Nakapulbong mukha.check. Kwentas pang lucky charm.check. Maayos na damit.check. Makikintab na sapatos.check. Bag na dadalhin.check. At huling hirit ng pabango. Charan!! Ok na. Haha. Habang tinitingnan ko parin ang sarili ko sa salamin ay napapangiti ako na parang timang. Haha.  

Kaya bumaba nako, baka matuluyan. Joke. Haha. Baka naiinip na sila inay kakahintay sa baba. Ang saya saya~~ La la la la la ~ 

"Nay ok po ba?" tawag pansin ko kay inay na busyng-busy sa kung anong hinahanap nya sa bag nya. 

"Wow! Ang ganda talaga ng anak ko. Bagay na bagay talaga sayo ang mga bestedang puti anak. Para kang anghel." nakangiting tugon naman ni nanay. Kung nagtataka kayo kung bakit ako naka besteda, eh yun po talaga ang sinusuot ng mga gagraduate ng elementary sa eskwelahan namin. Hindi toga. 

"Wow Ate! Ang ganda ganda mo talaga. Para ka na po talagang prinsesa. Kaya idol na idol po kita ate eh. Gusto ko ate pagka-graduate ko rin sa susunod eh, kagaya mo" nakangiting hirit naman ng kapatid ko mul sa likod na mukhang galing ng kusina. 

"Hindi naman. Mas maganda ka kaya sakin.Tsaka san ba tayo nagmana?

"Edi kay nanay!" sabay naming sabi ni Nikki. At nagtawanan na kaming dalawa. 

"Kayo talaga binobola nyo na naman ako" natatawang sabi rin naman ni inay. 

"Ikaw po talaga nay, syempre po hindi po namin kayo binobola. Niloloko lang. Hahaha joke lang po nay. Syempre po kayo po ang pinakamagandang nanay sa lahat." sabi ko naman sabay yakap kay nanay. 

"I love you nay" 

"Mahal din kita anak. Kayong dalawa ni Nikki." 

"Oy oy oy! Sali ako. Sali ako nay" haha ungot ni Nikki. 

"Oo naman. Haha . Halika dito. Family hug! Yan ..." at nagyakapan na nga kami. Haha makalipas ang ilang minuto. 

"T-tama na oy. Malalate na tayo" naiilang na sabi ni inay habang kumakalas. Pero hinigpitan ko ang pagkakayakap namin. 

"5 minutes pa nay." hindi naman pumalag si inay at yumakap narin ng mahigpit. Mga ilang minuto narin ang lumipas. 

"A-arayy.. Aray ate, nay. Di na po ko makahinga." haha reklamo ng kapatid ko. 

"H-hala pasensya na anak, nadala lang" sabi naman ni inay na parang pinupunasan ang ibabang bahagi ng mata nya at nag iwas ng tingin. Nakakatuwa sa pakiramdam na alam mong mahal na mahal ka ng pamilya mo. Nakakagaan ng dibdib. 

Allona de Sylvia Case storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon