Dream Land

16 2 0
                                    

Heto ako. Nakatingin sa kulay asul na kalangitan,pinapanood gumalaw ang mga ulap at humihiling na sana, sana makapunta ako sa isang magandang paraiso.
Isang paraisong may nag gagandahang mga puno at bulaklak.
May kulay asul na dagat at puting puting mga buhangin.

*Kinagabihan*

Nasaan ako?

Mga katagang lumabas sa aking bibig ng makita ko ang isang magandang paraiso sa aking harapan.
Kitang kita ko ang mga nag gagandahang puno at bulaklak lalong lalo na ang napakalawak na asul na karagatan.
Sa aking pag tungo ay nakita ko ang puting buhangin na matagal ko ng pangarap na makita.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malaki dahil sa wakas natupad na ang aking pangarap.

Tumakbo ako ng sobrang bilis hanggang sa maramdaman na ng aking mga paa ang karagatan.

Ang ganda,Ang ganda ganda ng karagatan.Asul na asul,sobrang linis at kitang kita ang puting buhangin sa ilalim nito.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili,lumangoy ako ng lumangoy.
Sumisid sa ilalim ng dagat at pinagmasdan ang mga nag gagandahang corals at mga makukulay na isda.Umahon ako sa ibabaw at nag palutang.

Pinagmasdan  ko ang Kalangitang kakulay ng dagat.

Pinikit ko ang aking mga mata
at sa aking pagmulat, bumangon ako ng may malaking ngiti sa labi.

My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon