Nakatingin ako ngayon sa harap ng bahay na pinangako ko kay mama. Ang kanyang dream house.
Sumakay ako sa aking kotse habang
inaalala ko noong mga panahong pinangako ko sa kanya na magiging isang magaling na engineer ako.*15 years ago*
"Ma pangako ko po,paglaki ko magiging isang magaling na engineer ako!" Nginitian n'ya ako at sinabing
"Pangako yan ha? Gusto ni mama pag naging engineer ka na ipagpapatayo mo s'ya ng malaki at magandang bahay." Ngitian ko ng malaki si mama.
"Opo naman! Ipapatayo ko po yung pangarap n'yong bahay." Niyakap n'ya ako ng napaka higpit at hinalikan sa buhok.
"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din po kita mama!"
*Present time*
Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ni mama. Inilapag ko ang bulaklak sa tabi ng puntod n'ya at hinaplos ito.
"Ma sa wakas natupad ko na yung pangako ko sayo. Naipatayo ko na yung dream house mo.Alam mo ba ma ang laki laki ng bahay. Kung nandito ka pa sana ma edi mas doble ang saya ko. Kaso ma w-wala eh,iniwan mo agad ako noong mga p-panahong malapit ko ng matupad ang pangako ko.Konting oras na lang sana ma, nakita mo sana ang pinangako kong b-bahay sayo." Kwento ko sa kanyang puntod habang hinahayaang umagos ang aking mga luha.
Sana tumagal pa yung buhay mo ma.
Sana nakita mo yung mga panahong naging succesful ako.
Sana naabutan mo noong mga panahong pinapatayo ko ang dream house mo.
Sana nandito ka pa.
Sana mag kasama pa tayo.
Pero ang lahat ng ito ay hanggang sana lang at hinding hindi na mangyayari.
BINABASA MO ANG
My Dreams
Short StoryWelcome to "My Dreams!" (A/N: Ang "My Dreams" ay nag co-consist lamang ng mga one-shot stories bawat chapter. And bawat chapters ay meron lamang maximum of 200-300 words) Sana magustuhan n'yo!❤