Dream Best Friend

7 2 0
                                    

Thea's POV
(April 06,2018)

Lahat naman tayo may pangarap na kaibigan diba?

Yung kaibigang pag tatawanan ka kapag nadapa ka.

Yung kaibigan na pagagalitan ka pag napaaway ka.

Yung kaibigan na aalagaan ka kapag may sakit ka.

Yung kaibigan na aawayin lahat ng nambu-bully sayo.

Yung kaibigang laging mag papasaya sayo...

At ang pinaka importante sa lahat,yung kaibigang hindi ka iiwanan.

Hindi naman sa pag mamayabang pero minsan na din akong nagkaroon ng ganong kaibigan. Isang kaibigang tinuring ko ng parang ate.

Halos lahat ng gusto ko sa kaibigan ay nagawa n'ya. Pero tulad nga ng sinabi ko 'Halos lahat' ibig sabihin hindi lahat ay kanyang nagawa.Akala ko sya na pero hindi pala. Bakit sa lahat ng hiniling kong tinataglay na katangian ng dream bestfriend ko yung pinaka importante pa ang hindi nya nagawa? Bakit kailangan mo pa akong iwan ate Alexis Jabby?

*~~~~~~~~(April 04,2018)~~~~~~~~*

(Senior High School Students Graduation Day)

"Congrats ate jabby!" Masayang masaya kong sabi sa kanya.

"Congrats din Bunso," wika ni ate jabby at pagkatapos ay niyakap n'ya ako ng sobrang higpit.

"C-can't breath" Nahihirapang sabi ko sa kanya.

"Hahaha pasensya ka na,natutuwa lang ako kasi sa wakas naka graduate na tayo ng high school" Natatawang sabi ni ate jabby habang bumibitaw sa akin.

Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Sigurado ka? Impossibleng yan lang ang dahilan ng nakamamatay mong yakap!" Natatawa at the same time naiinis kong reklamo sa kanya. Sino ba namang hindi maiinis? Ang hirap kayang habulin ng hininga,buti na lang nag j-jogging ako tuwing umaga mas bumilis tuloy ang pag takbo ko.^_^

"Hahaha oo na! Ma mi-miss kasi kita ng sobra sobra kaya kita nayakap ng ganon" Natatawang sabi nya.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Alam kong hindi talaga sya masaya,tumatawa nga sya pero iba naman ang sinasabi ng kanyang mga mata. Hindi kayang mag sinungaling ng ating mga mata. Alam kong tama ang nakita kong emosyon sa mga mata ni ate jabby. Lungkot... Pero bakit? Bakit nya tinatago ang totoo nyang nararamdaman?

"Bakit mo naman ako ma mi-miss ate?Pwede naman tayo mag kita kung gusto natin,lagi naman tayong mag ka chat at video call,so bakit mo naman ako ma mi-miss?" Nag tataka kong tanong sa kanya.

Nginitian n'ya ako. Isang malungkot na ngiti.

"Wala,wala. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa kainan." Ipinagsawalang bahala nya ang aking tanong at agad akong hinila papunta sa table ng aming section.

~~~~~~~~~~~~
Next: Dream Best Friend Part 2

Kaya ko s'ya pinaghiwalay kasi umabot na ito ng 441 words.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon