Dream Restaurant

16 2 0
                                    

Nakaupo ako ngayon dito sa loob ng "Dream Restau". Narinig ko kasi sa mga kasamahan ko sa trabaho na masasarap daw ang pagkain dito at lagi itong pinupuntahan ng mga tao at iba't ibang turista galing sa ibang bansa.

Bukod kasi sa masasarap ang mga pagkain dito ay napaka ganda din ng disenyo ng buong restaurant.

Mula sa mga nag gagandahang ilaw at palawit, pati na rin sa mga nag lalambutang sofa na pwedeng pwede mong upuan at higaan.At kung titingin ka pa sa kisame ay makikita mo ang mga disenyong mala bituin na kanilang nilagay.

Sabi pa nga ng iba mas maganda daw mag punta dito tuwing gabi.
Tuwing gabi kasi ay kanilang pinapailaw ang mga naka sabit na disenyo sa pader at kung hihiga ka naman sa sofa ay aakalain mong nakahiga ka sa mataas na building na merong napaka lambot na kama habang naka tingin sa nag kikislapang mga bituin.

Kung sa labas naman ay makikita mo ang mga ilaw na sobrang kinang at binubuo nito ang salitang Dream Restau. Ang sahig naman ay may disenyong parang siyudad na puno ng mga makukulay na ilaw.

Ikaw? Gusto mo din bang makapunta dito?

~~~~~~~~~~~
A/N: Mas maganda 'to kung na-imagine mo yung restaurant.*^▁^*

My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon