"Sana kasama ko kayong mag marcha sa stage. Sana makikita ko kung gaano kayo ka proud sakin. Pero alam ko naman na masaya na kayo jan." di na niya napigilan at umiyak na talaga siya. Ewan ko ba kung bakit pero gusto ko siyang i-comfort. Kaya tumabi ako sa kanya at hinawakan yung likod niya para mapatahan ko siya.
Tumigil siya kakaiyak at tiningnan niya ako.
"miss ok lang ako" alam kong nasasaktan ka o----
waiiiit....
NAKIKITA NIYA AKO?!
"tekaaaaa! Nakikita mo ako? As in nakikita mo ako yung buhok ko? yung katawan ko? ako?" tumayo ako at tinitigan ko siya habang tinatanong yan kaso bigla siyang tumingin sa iba.
"teka! Ako yung kausap mo diba? Wala na namang ibang tao dito a. tingnan mo ako kuya" sa loob ng 3 taon ko dito wala pang isang tao ang nakakakita sa akin kahit kila Claire at Miggy wala pa den.
Pero nung nagsasalita ako bigla siyang tumayo at inayos ulit yung mga bulaklak.
"Ma, Pa aalis na din po ako. Alam niyo naman nab aka walang mag alaga kay lola sa bahay. Wag kayong mag alala madalas ko na kayong bibisitahin ngayon" diretso lang siya makipagusap na magulang tapos di na niya ako pinansin.
YUNG TOTOO NAKITA NIYA AKO DIBA?! WALA NAMANG IBANG LUMAPIT O HUMAWAK SA KANYA!
"kuya nakikita mob a talaga ako? Nakakakita ka ba talaga ng multo? Tsaka bakit nahahawakan kita? Sino ka?" naguguluhan na ako kaya sunod sunod yung tanong ko sa kanya kahit di naman niya ako pinapansin.
Pero imbes na sagutin yung mga tanong ko kinuha na niya yung gamit niya at naglakad papalabas ng sementeryo.
"TEKA! Teka lang saguti--- ARAY!" hindi ko na natapos yung sasabihin ko at napaupo nalang sa sahig. Nakalabas na siya ng gate. huhuhuhu
Kaming mga multo hindi kami pwedeng lumabas ng sementeryo na ito. Pag dating mo kasi ng gate parang may malaking kuryente na nakaharang doon na kapag lumabas ang mga kaluluwa e manghihina nalang kami at biglang makukuryente. Kaya kahit anong gawin namin hindi kami basta basta makakalabas dito.
Sobrang sakit ng ulo at dibdib ko tapos hindi ko pa nahabol si kuya. Meron ba siyang 3rd eye kaya niya ako nakikita? Tsaka hindi niya ba alam yung pagkakaiba ng multo sa tao?
"Aejan anong nangyare sayo? Anong ginagawa mo jan?" narinig ko yung boses ni Miggy tapos tinulungan niya akong makatayo.
"nakita niya ako. Nakita niya ako Miggy" hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nung kinausap ako ni kuya. Sobrang sarap sa pakiramdam na sa loob ng 3 taon may isang tao na nakapansin sakin. Oo, hindi ako sure kung ako ba talaga yung kinausap niya o ano pero naniniwala ako na nakita niya ako.
YOU ARE READING
Lost Flower
FanfictionA girl who has everything: beauty, money, and intelligence but in life she doesn't need any of that. All she need is real love from his parents and friends. Someone who treats her well or takes care of her. But like they said, you can't have everyth...