"umalis ka na please.." mahinahon niyang sabi sakin. OMYGOD! Nahawakan ko siya?! Nahawakan ko yung balikat niya!
"nahahawakan kita? Nakikita mo ako? Naririnig mo ako? Sino ka? A-anong- may powers ka ba?" ok sobrang childish nung tanong ko pero nakakapagtaka lang na may ganyang tao.
"please bitawan mo na ako... please..."
Ayoko siyang bitawan. Gusto kong malaman kung anong nangyayare. Nararamdaman ko na pwede niya akong matulungan baka kaya niya akong tulungan maibalik yung alaala ko para makaalis na ako dito. pero parang may sariling isip yung kamay ko. Unti unti kong inalis yung pagkakahawak ko sa balikat niya.
Umalis na siya.
Umalis na naman siya.
At least ngayon alam ko na nakikita at naririnig niya ako. Pero bakit ayaw niya akong tingnan? Alam kong natatakot siya kase multo na ako pero malinis naman akong multo, sabi pa nga nila ako pinakamagandang multo dito (sorry mayabang) kaya sana kahit isang beses man lang tingnan niya ako.
"so siya pala yung lalaking kinatatangahan mo" di ko namalayan nasa likod ko na pala yung dalawang pakialamera kong kaibigan.
"infairness kahit multo ka na marunong ka pa den pumili ng lalaki... cute ni kuya ha" hay nako ganto ba talaga mga kaibigan? Walang alam kundi lokohin ka?
"ewan ko sa inyong dalawa! Pero di niyo ba nakita? Nakikita niya ako! Narinig din niya ako!"
"kahit nakikita, nahahawakan o kung ano man yan wala siyang ibang mararamdaman kundi matakot sayo" alam ko naman yon. Pero hindi ko siya gusting takutin, gusto ko lang siyang kausapin.
"sino ba namang tao ang hindi matatakot na may sumusunod at kumakausap sa kanyang multo?" oo nga naman. Ang tanga ko din naman.
"tsaka ano naman kung nakikita ka niya? May magbabago ba kung kakausapin ka niya at hindi siya matatakot sayo?"
Tumalikod ako sa kanila. Hindi ko din kasi alam kung anong isasagot sa tanong na yon. Siguro nga gusto ko ng umalis dito kaya nagbabakasakali ako na siya yung makakatulong sakin. Siguro desperada na akong malaman kung bakit ba ako nandito. Siguro...
"tama si Miggy baka nga malungkot na ako dito..." yan na lang nasabi ko.
*kinabukasan*
Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa likod ng sementeryo. Dito kasi sa likod merong tinatawag na 'ghost park'. Bukod sa garden pag pumunta ka dito halos lahat ng nakalibing dito sa sementeryo ay nandito ang kaluluwa. Yung iba napunta dito para makipagkwentuhan. Sa isang tabi naman may makikitang umiiyak dahil ayaw pa nilang mamatay. May makikita ka din na mga batang naglalaro na dito lang nila mararanasan dahil hindi nila to naranasan nung buhay pa sila. Pero ang iba napunta dito para hintayin si 'kamatayan'. Ang sabi kasi nung mga unang kaluluwa na nandito e dito daw madalas kumukuha ng kaluluwa si 'kamatayan'.
Naglakad ulit ako hanggang sa makakita ako ng isang babae, medyo matanda na siya siguro mga nasa 40s na tapos ang ganda niya, pero yung suot niya ay isang hospital gown.
YOU ARE READING
Lost Flower
FanficA girl who has everything: beauty, money, and intelligence but in life she doesn't need any of that. All she need is real love from his parents and friends. Someone who treats her well or takes care of her. But like they said, you can't have everyth...